[29] Lovelife - Confusion
Two weeks had passed. Feeling ko nasa tuktok ako ng isang pink clould. Si Grey na yata ang pinaka-sweet at pinaka-romantic na lalaking nakilala ko. Thoughtful pa.
Paano ba naman, hatid sundo nya ako. Lagi syang tumatawag para i-check kung kumain na ako. Tuwing umaga, nagpapadala sya ng roses or stargazer. Minsan may sumusulpot na lang na card or chocolate minsan stufftoys sa locker room ko. Araw araw na lang pinakikilig nya ako. Kahit simple lang yong mga efforts nya, nakakataba talaga ng puso. As in mataba na talaga yung puso ko, nasakop na lahat ng vital organs ko. At nga pala, pag hindi ako makatulog sa gabi, kinakantahan nya ako. Isa na lang naman ang gusto ko eh, ang kantahan nya ako sa harap ng maraming tao and made me realize that I am the only one for him. Demanding ba? Hindi naman. Gusto ko lang talaga ma-experience yung ganoon like ng mga napapanood ko at nababasa.
"So Unnie, kumusta naman ang pangliligaw ni Grey sayo? Kelan mo sya balak sagutin?" usisa ni Michie. Andito kasi kami sa garden, sa ilalim ng puno to be exact with matching blanket and foods pa. Picnic daw kami eh =__= Mga pakana talaga nila ni Cielo, sinasama pa ako.
"Kelan? Ewan." saka ako nagkibit-balikat pero sa totoo lang naisip ko na talaga kung kailan. Gusto ko lang i-secret muna.
"Bakit? Di ba two weeks na syang nanliligaw? Hindi pa ba sapat?"
"Michie, wag ka ngang mausisa. Hayaan mo si Barbie kung kelan nya sasagutin si Grey. Choice nya magpakipot dahil sya ang nililigawan. So stop the crap!" pagtataray ni Cielo. Ano kayang nakain ng isang ito? "At ikaw naman Barbie," tinitigan nya ako. Kinabahan naman ako kasi ang creepy ng pagkakatitig nya sa akin. "Si Grey ba talaga?"
Natigilan naman ako at napakunot-noo. "What do you mean?"
"I mean wala ka bang ibang gusto except sa kanya?" gusto? May iba ba akong gusto except sa kanya? Well noon may muntik na sana pero hindi sya ang ideal man ko.
"Wala" sagot ko na lang.
"Kahit sa looks lang?"
"Wala talaga," pero sa totoo lang may isang tao ang biglang nag-flash ang mukha sa isip ko.
"Okay, if you say so. Pero si Trace ba hindi mo gusto? Kahit sa looks lang?"
Natigilan na naman ako. "Ano?" untag nya.
"Hindi eh! Sino ba namang magkakagusto don? Saka hindi naman sya gwapo." saka ako nagpoker face. But the truth is I lied. Si Trace Oliver Perez? Hindi gwapo? FYI he's dazzling and drop-dead gorgeous. Kahit sino sigurong tatanungin, sasabihing gwapo sya noh!
"At saka kung sakali mang gwapo sya. Napakasama naman ng ugali. Walang puso. Sino magkakagusto don?" sabi ko na mukhang naiinis pa.
"The more you hate the more you love," Cielo just commented. Err... what does she mean?
BINABASA MO ANG
Dating The Heartless
Юмор[UNDER.MAJOR.REVISION] . V.I.P SERIES 1: Trace Oliver Perez (The Heartless)