[12] Mysterious Guy
"Campus Prince and Campus Princess, at this century? Pwede ba! Will the both of you quit kidding us?" - Sandara
"We don't kid both of you. It is true that they have that 'Campus Prince and Campus Princess' eww thing" parang nasusuka na sabi ni Michie
"Weh? Talaga? How come?" tanong ko.
"Actually we don't know pa. Last year lang daw nagsimula. Simula ng pumasok dito ang V.I.P" - Cielo
"Tsk, mga pauso nga naman! Pero Campus Prince and Princess? Parang Royalties >__<"
"At paano naman nila kinukuha yung Campus Prince and Campus Princess?" - Sandara
"Ayon sa source ko. Charot! Source haha. Ganito daw yun, from first day to third day of class. May ia-assign na photographer ang Univesity. Yung mga photographer daw kelangan maghanap ng mga students na may looks. Yong makikita daw nilang may looks na mga students kelangang kunan nila ng picture (stolen shots) at i-submit sa admin office para ma-identify kung sino at kung galing sila sa isang kilalang pamilya."
"So ganun? Looks at Status lang ang basehan sa pagpili ng Campus Prince and Campus Princess. Eh paano pala kung masama ang ugali?" tanong ko. Alam nyo feeling ko lang, kasama ang V.I.P sa Campus Ek-Ek na yan. Sila ba naman ang nagpauso!
"Ata? Kasali ang V.I.P eh at si TOP ang King of the Campus. Saka hindi lang naman looks and status eh. Dapat daw may Brain din." Ano daw sabi nya nung una? MAY KING? Edi may Queen din?
"Err.. akala ko ba Campus Prince and Princess lang? Pano nagkaron ng Campus King?" tanong ni Sandara. Very good question Sandy. Ngayon, di ko na kilangang magtanong.
"Ako ang mag-eexplain" sabay taas ni Michie ng kamay, "Ganito kasi yon, from a thousand students of this university, pipili lang sila ng 50 girls and 50 guys from freshies to fifth years na may looks at ipopost sa board. From there, magkakaroon ng botohan. Required mag-vote lahat ng students. After a month, kung sino yung 20 girls and 20 guys na may pinakamaraming vote yun ang makukuhang Campus Prince and Campus Princess. Tapos yung iba na hindi makukuha, sila ang magiging Campus Sweetheart and Campus Heartthrob!" mahabang sabi nya.
Ano ba namang klaseng process yan? At may botohan talaga? Tapos ang hindi makukuha.. May title din? Nakakaloka!
"Eh pano naman yung sa Campus King and Queen?" - Sandara
"Tinatanong pa ba yan? Syempre kung sino ang makakakuha ng pinakaraming vote at ang mangunguna. Automatic, sya na ang Campus King and Campus Queen." - Michie
"Si TOP nga nanalo last year eh! Imagine freshmen pa lang sya noon pero natalo nya ang mga higher levels ^o^" - Cielo
"Nakuuu! For sure tinakot nya lang yung mga students para i-vote sya noh! Tsaka sya ang anak ng may-ari ng University. Hindi imposible na dinaya nya ang resulta." komento ko.
"Pwede. Pero hindi eh. Sabi ni Spencer dati, nagalit daw yon nong sya ang nanalo. Ayaw rin kasi nya sa mga ganito pero unti-unti nagustuhan na rin daw nya dahil daw dun sa nanalong Campus Queen."
"Eh sino bang nanalo na Campus Queen last year?" - Sandara
"Ewan ko. Di ko nakilala. Nag-transfer daw pati yon 2nd sem last year. Balita ko sikat na model na yon sa Paris ngayon. Pero sayang nga daw eh kasi para silang couple ni TOP before. Sabi pa nga ng iba, gusto daw sya ni TOP at nadepress nung umalis kaya ayun lalong sumama ang ugali ni TOP haha."
Ganon? Iniwan sya? Sa sama ba naman ng ugali nya. Sino ang tatagal na makasama sya? :p
'OMG GUYS NAG-POST NA SILA SA BULLETIN BOARD PARA SA CAMPUS PRINCE AND CAMPUS PRINCESS!!!'
'TALAGA?! KYAAA TARA NA'T SILIPIN AT BAKA NAKASAMA NA TAYO THIS YEAR!!! LEGGO GIRLS!!!'
At ang sumunod na nangyari. Umalis ang halos lahat ng tao sa cafeteria para pumunta sa kung saan. Naiwan kami at ang ilang mukhang hindi interesado sa Campus Prince and Princess ek-ek na yan. Kumain lang kami dun. Nagkwentuhan. Nagkulitan at nag-asaran. At nung matapos kami tumayo na kami para pumunta dun sa board. Eh sa na-curious kami eh! Titingnan lang namin kung magaganda at gwapo nga. Malapit na kami ng may biglang bumangga sa likuran ko at natapunan ako ng sauce sa may bandang balikat ko. Paglingon ko, isang lalaki na naka-hoodie at shades ang nakita ko. COOL. Ano ba yan! May crush na ako ee. Pero hindi naman siguro masama kung dalawa ang crush ko diba? Charot! Ang landi ko hihi.
"I'm sorry Miss. Hindi ko sinasadya. Okay ka lang?" tanong nya. Ako nakatitig lang sakanya. Nakita kong may kinuha sya tapos inabot sakin. Pagtingin ko handkerchief.
"Err.. para saan ito?" tanong ko.
"Depende kung saan mo gustong gamitin. Pwede mong ipunas sa luha mo kung umiiyak ka. Kung nasugatan ka, pwede mong ipantali. Pwede mo ring singahan kung may sipon ka. But as for now, you can use that to wipe that sauce" sabi nya sabay turo sa balikat ko.
Kinuha ko yung hancky saka pinunas sa may shoulder ko. Weird din nitong si Kuya eh! Pwede daw singahan -___- "Ah! Thanks nga pala. Naku madumi na yung panyo mo. Lalabhan ko muna bago ko ibalik sayo. Paano ko ba maibabalik eto sa---?" natigil ako sa pagsasalita dahil tumalikod na sya.
"You don't have to so don't bother yourself." naglakad na sya. Tumalikod na ako at ewan ko ba kung totoo o guni-guni ko lang pero parang may narinig ako..
"It's nice to see you again after two long years.
*****
BINABASA MO ANG
Dating The Heartless
Humor[UNDER.MAJOR.REVISION] . V.I.P SERIES 1: Trace Oliver Perez (The Heartless)