[18] Yahiro 'Hero' Javier

350 12 3
                                    

[18] Yahiro 'Hero' Javier  

 

"So, the great stalker and thief named Barbie Odette Mihn is here" sabi nong babaeng may hawak ng gunting "Humanda ka ng malagas ang buhok mo b*tch! Gaaah I can't wait for my reward ^u^" sabi pa nya na parang nababaliw.  

Napalunok ako at dahan-dahang lumapit sa prof saka nagtago sa likod nya.  

"Ma'am~~~ Prof ka naman po diba? Pipigilan nyo naman po sila diba? Pigilan nyo po sila. Alam kong makikinig sya sa inyo." sabi ko habang nasa likod parin nya.  

"I'm sorry Miss Mihn." Hala! Nag-sorry si Ma'am. Bakit? "But I don't have the right to interrupt here" o____O  

"A-ano p-pong ibig nyong sabihin?"  

"I'd rather chose to let them than to loose my job"  

O___O --> =___= --> -___-++  

A-A-ANONG--- Is she saying na hahayaan nya lang yung mga estudyante nya kahit na anong gawin sakin kesa ang mawala ang trabaho nya!! FOR PETE'S SAKE!! Anong klaseng teacher sya?! Hindi ba ang tungkulin ng teacher maliban sa magturo ay gabayan, tulungan at disiplinahin ang estudyante nya at hindi ang manahimik sa isang tabi at panuorin lang ang mangyayari kahit na alam nyang hindi tama yon!! Nasaan?! NASAAN ANG HUSTISYA?!  

Okay. Ang O.A ko pero anong magagawa ko? Eh sa naiinis talaga ako eh. Anong klaseng teacher sya kung hahayaan nya lang na--- O____O  

Hala! Umiiyak si Ma'am  

"I'm sorry. Hindi ko gusto to. Wala lang talaga akong magagawa. Kapag nangialam ako o kahit sinuman samin mawawalan kami ng trabaho and worst is hindi na kami matatanggap sa kahit saan mang school na a-a-pplyan namin. I'm very sorry, kailangang-kailangan ko lang talaga ng trabaho." saka sya tumakbo ng umiiyak.  

Kung kanina naiinis ako sa kanya, ngayon hindi na. Naaawa ako. Kitang-kita ko sa kanya na hindi naman talaga nya gusto ang nangyayari pero wala syang magawa dahil sa dala na rin siguro ng pangangailangan nya. Mahirap ang buhay ngayon. Mahirap maghanap ng trabaho na malaki ang sweldo na sasapat para sa pang-araw-araw na gastusin. Lalo na kung maramng anak na pinag-aaral at may myembro ng pamilya na may sakit at kailangang ipagamot.  

At sa pag-iisip ko, bigla kong naisip ang nag-iisang Heartless Alien Species na nakilala ko. Sya lang ang naiisip kong makakagawa ng ganitong klaseng bagay. Ang sama talaga nya! Ang mean mean nya! Wala talaga syang puso! Isa talaga syang alien! Hindi gawain ng isang tao ang ginagawa nya. Saang planeta ba sya nagmula?!  

Sa sobrang inis ko gusto ko talaga syang hanapin at itapon sa bulkang mayon na nababalitang posible daw sumabog. O kaya ay chopchop-in sya at itapon sa napakataas na bangin. Nasa kalagitnaan na ako sa pag-iisip sa plano kung pag-murder sa kanya nang...  

"ARAAAYYY!!!" reklamo ko. Batuhin ba naman ako ng mga itlog. Langhiyang mga estudyante ito. And speaking of estudyante...  

"Ready for more?" napatingin ako sa kanila. Kung anu-ano ang hawak nila. OH EM GEE!! I need to get out here dahil baka ako ang maunang ma-murder  

Dating The HeartlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon