[17] Plans Against Her

366 13 4
                                    

[17] Plans Against Her  

Papasok ba ako o hindi?  

Siguro fifty times ko nang naitanong sa sarili ko yan habang nakatayo ako dito sa tapat ng gate university. Err parang ayoko pumasok eh. Parang natatakot ako sa pwedeng mangyari sa pagpasok ko sa loob eh >.<  

Napukpok ko ang ulo ko. Kasi naman! Bat nagpadalus-dalos ako at binangga ang Alien Species na yon? Ngayon tuloy pati ang buong university kalaban ko na. Me against World. Deh. University lang pala (~~,)  

Pero seryoso, ano ng gagawin ko? Tinakot kasi ako nung tatlo kagabi. Na wag na wag na daw akong pumasok dahil madedeadbol ako. Eh kung lumipat kaya ako ng school tutal first week of class pa lang naman. Pero sayang naman ang binayad naming tuition fee, naka-fully paid na ako hanggang sa pag-graduate ko. Tska, kung kelan namang may mga kaibigan na ko?  

Haay. Bahala na nga. Papasok na ako. At dahil sa mautak ako, syempre naka-disguise ako. As in todo ang pagdidisguise na ginawa ko para walang makakilala sakin. Short-blonde wig, thick shades, braces, may nunal pa ako sa pisngi na ginamitan ko pa ng marker >__<. Naka-hoodie rin ako. Syempre naman noh! Kilala na ata ako ng lahat ng estudyante dito -____-  

Dumiretso muna ako sa cafeteria para kumain. After kong umorder, naghanap ako ng pwesto ko at nakita ko si Michie na nakaupo sa gilid at nakatitig sa screen ng kanyang laptop habang kinakagatan yung burger nya ^__^  

"Hulaan ko, may problema ka noh?" umupo ako sa tapat nya.  

"Excuse me?" tinitigan nya ako habang nakakunot ang noo. "Who are you?"  

"It's me, Barbie" sabi ko saka sumubo nung 'roasted chavaliori' ko. Oh diba sosyal? Masarap sya. Medyo mahal nga lang. Dapat pala nagluto na lang ako kanina sa unit ko. Mas tipid pa. Kahit adobo lan---  

"HAHAHAHAHAHA ANONG TRIP MO?! SUNSHINE DARA FORTALEJO THE SECOND?! OHGAHD! TALAGANG NAGSUOT KA NG GANYAN?! PARA ANO?! PAR----"  

"Titigil ka o puputulin ko dila mo?" pagbabanta ko. Pero deep inside, joke lang yon.  

"Mean >3< Hindi talaga ako makapaniwala sayo. Mukha kang anghel na mahinhin na mabait at inosente outside pero inside napakatapang at napaka-warfreak mo." iiling-iling nyang sabi.  

"Ganon ba ang tingin mo sakin? Warfreak ba talaga ako?"  

"Oo. Kalabanin mo ba naman ang Hari ng University na to!"  

"Hindi ko naman sya kakalabanin kung walang dahilan at kung hindi ganon ang trato nya sa mga tao. I'm doing this for a reason at gusto kong ipakita sa kanya na hindi lahat ng tao natatakot sa kanya."  

"Pero ramdam ko, takot ka rin sa kanya. Hindi mo lang pinapahalata. Tama ako diba?" tumango lang ako saka ngumiti. Tama naman sya.  

Natahimik kami saglit. Nakatingin ulit sya sa screen nung laptop nya na kulang na lang suntukin o itapon nya. At dahil nga sa na-curious na naman ako at medyo wala akong manners. Inagaw ko yung laptop nya at napanganga na lang ako ng makita ko kung ano yon...  

Dating The HeartlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon