[16] Alien Species at Next Door
"Siguro kung yelo ako at naging heater ka, kanina pa ako natunaw dito."
"H-Ha?"
"Kanina ka pa nakatitig sakin. Did you find me so hot and attractive? *smirk*"
"Hah! Di noh! Asa!" saka ako nag-iwas ng tingin. Paano ba naman kasi ang cute nya panooring kumain. Yung tipong papanuorin mo lang sya, mabubusog ka na. "Err.. Can I ask you something?"
"Sure. What is it?"
"Di ba mayaman ka? I mean only son at tagapagmana ka ng Silver Dragon Casino Hotel right? Tsaka Prime Minister ng Japan ang Lolo mo diba? How come na nagpupunta at kumakain ka sa ganitong lugar?"
"So you already checked me huh? Are you one of my obsess fan or something?" saka sya nagtaas-baba ng kilay habang patawa-tawa pa.
Nakuu CONCEITED! Parang yong Heartless Alien Species lang. And wait, bakit biglang napasok ang isang yon dito?!
"Hehehe very funny" sarcastic kong sabi.
"How did you know anyway?"
"Yong mga friends ko kasi, sila Michie at Cielo. Kilala mo naman siguro sila diba?"
"You mean Cielo Lee, cousin of Spencer?" tumango ako. "I see. Continue."
"Nagresearch sila sa isang website about sa inyo at sinabi lang samin kaya ko nalaman."
Tumango-tango lang sya, "Back to your question. Tinatanong mo kung bakit ako nagpupunta at kumakain sa lugar na tulad na to diba?" this time ako naman ang tumango.
"Masarap ang pagkain. As simple as that."
"Eh? Yon lang?"
"Actually, hindi naman ako mapili pagdating sa pagkain. Kahit saan, okay ako basta masarap. At isa pa, mas nai-enjoy ko yong ganito. Pakiramdam ko simple lang ako katulad ng ibang taong kumakain ngayon dito. Nakakapagod din yong lahat na lang ng atensyon binibigay sayo kasi para sa kanila importante ka. And honestly, I hate being V.I.P. "
Napangiti na lang ako. Kasi hindi sya tulad nong apat na enjoy na enjoy yong pagiging V.I.P kuno nila. Hindi rin sya maarte or something. Kung titingnan mo sya ngayon, parang ayaw nya sa social status nya at parang mas gusto nya pa yong simpleng pamumuhay lang. Kahit ako, gusto ko simple lang basta masaya. Aanhin mo nga naman ang karangyaan at kayamanan kung hindi ka naman masaya at miserable ang buhay mo. Tsaka, tama sya nakakapagod yong espesyal ang trato sayo ng mga taong nasa paligid mo kasi tingin nila sobrang importante ka. Yong parang ang PRECIOUS mo sa kanila. Nakakainis yong ganon. Sobra! Yung tipong may mga taong magbabantay sayo 24/7. Ultimo paghinga mo, babantayan pa. Minsan kahit sa pagkain babantayan ka pa para masigurong tama at healthy ang kinakain mo. Yong tipong halos hindi ka na kumikilos at lahat ng kailangan mo inaabot nila. Tapos hindi ka pa pwedeng lumabas ng walang kasamang guards kasi baka kesyo mapahamak ka at walang proprotekta sayo. Yong paran---Okay! Tama na! Kung anu-ano na namang naiisip at pinagsasasabi ko. Yan kasi! Mahilig ako manood at magbasa ng mga story na yong si girl o si boy ay mayaman at tinuturing na parang prinsesa/prinsipe.
BINABASA MO ANG
Dating The Heartless
Humor[UNDER.MAJOR.REVISION] . V.I.P SERIES 1: Trace Oliver Perez (The Heartless)