[02] Run! Or else... you're dead

437 16 4
                                    

[02] Run! Or else... you're dead  

 

"Okay. Class dismissed. See you all next week. Walang aabsent ha! Magbibigay ako ng long quiz"  

"SIR NAMAN!! AGAD-AGAD?!" reklamo nila.  

Inayos ko na yung sarili ko saka lumabas ng room. Naglakad-lakad muna ako hanggang sa makalabas ako ng building at makarating sa cafeteria. At ang cafeteria. WOW!! Malaki at maganda. Ang dami ngang students.  

"One slice of pizza. 2 french fries at isang coke float!" sabi ko dun sa cashier "Saka pala carbonara at..." nakatitig sakin yung cashier. Parang hindi makapaniwala sa inorder ko. Nahiya naman daw ako kaya... "That's all." sabi ko na lang.  

"Are you sure Maam? Baka po gu---"  

"No! Yun lang" putol ko sa kanya.  

"Okay! Wait for a minute Maam" saka nya inihanda yung order ko at binigay na sakin. Umalis na ko sa counter at naghanap ng mauupuan.  

May mga nakita akong available seats pero nahihiya ako maki-share. Nakaabot ako sa dulo sa gilid. Isang babaeng nakatalikod ang nakita ko. May dumaan na mga lalaki at kita kong bubuhusan dapat ng isang baso ng tubig yung babae kaya lumapit agad ako.  

"Hep hep! Ano yan?" pag-extra ko.  

"Eh anong paki mo?" aba't impaktong to! "Sino ka ba?"  

"It's not for you to know. Anyway, what do you think you're doing?!"  

"You don't care!" ang mga lalaking tulad nya. Ganyan ang pinaka-ayaw ko sa lahat!!  

"Well I care cause she's my friend" lumingon yung babae at mukhang nagulat sakin.  

"And so?" sabi pa nung lalaki.  

"And so? SO SO KA DYAN! What am I saying is... She's my friend and as long as I'm here walang pwedeng gumalaw sa kanya. At saka.. Sino ka ba sa tingin mo para tangkaing buhusan sya ng tubig?! Bakit ikaw ba ang naglalaba ng damit nya o nagbayad ng pagpapalaundry nya?!"  

"HINDI! PERO NAIINIS AKO SA KANYA!! ANG PANGET NYA!! NERD SYA!!" abat sumigaw pa si kuya at talagang sinigaw pa ang panglalait nya.  

"EH BAKIT SA TINGIN MO BA GWAPO KA?! NAHIYA NAMAN KAMI SAYO!! AT TEKA NGA... SABI MO NAKAKAINIS SYA KASI PANGET SYA. WELL, TOTOO PALA ANG KASABIHAN NA GALIT ANG MAGNANAKAW SA KAPWA MAGNANAKAW!! IN OTHER WORDS, GALIT ANG PANGET SA KAPWA PANGET!! AND ONE MORE THING HINDI PANGET ANG BESTFRIEND KO!!! MAY PROBLEMA LANG TALAGA MATA MO!!" WOAH! Grabe! Hiningal ako. Naglabas ako ng 1 thou at binigay sa kanya, "Siguro naman sapat na yan para pampacheck-up ng mata mo! Kung kulang pa, balikan mo ako. Intiendez?!" nagtaas ako ng kilay. Mukha namang natakot yung lalaki kaya medyo napaatras.  

Tumingin ako sa paligid. Bigla kasing tumahimik. I mean kanina pa pala. At pagtingin ko... LAHAT PALA NG TAO NAKATINGIN SA AKIN!! Nagpeace-sign na lang ako sakanila saka ngumiti. Mayamaya pa, nag-iwas na sila ng tingin at pinagpatuloy ang ginagawa nila. Hinarap ko ulit yung lalaki. This time, may kasama na sya. Dalawang lalaki.  

Dating The HeartlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon