[10] Black-out, Trapped and a Threat?

382 14 4
                                    

[10] Black-out, Trapped and a Threat?  

Sandara's POV  

"So nangunguna parin pala ang mga Monterial?" rinig kong bulong ni Barbie.  

"You know them?" kunot-noong tanong ko  

"H-Huh?" gulat na sabi nya saka lumingon sakin  

"The Monterial's Clan. Kilala mo ba sila?"  

"Ah. Oo!"  

"Paano?"  

Natigilan sya saglit at sumubo nung ice cream nya, "Nagtratrabaho kasi ang parents ko sa kanila. At dahil nga magkasing-edad kami nung anak nilang babae medyo naging close kami"  

Natigilan ako. Hindi kaya... "Are you pertaining to Beatrice?"  

"Y-yes. You know her?" she asked back  

"Oo. Nakilala ko na sya noon."  

Si Beatrice Monterial. Kababata ko at ang bestfriend ko. Dati. Simula ng umalis sya 10 years ago, nawalan na kami ng balita sa kanya. Hanggang sa nabalitaan na lang namin na namatay sya sa isang aksidente :'(  

"Guys. It's getting late na. Kailangan ko na palang umuwi baka hinahanap na ko nila Mommy." sabi ko mayamaya.  

"Ah okay." sabi ni Michie. Bumulong sakin si Cielo. "RD. Later." Ngumiti ako. "Hintayin nyo na lang ako."  

Lumabas na kami ng mall. Umalis na si Michie at Cielo. Nag-taxi sila. Ako naman, tinawagan ko na si Manong Driver para magpasundo. Si Barbie, sasakay na din dapat sa taxi pero nagpresenta ako na ihahatid ko na lang sya. Mayamaya pa, dumating na si Manong Driver. Inihatid namin sya hanggang sa makarating kami sa... 'Royal Estate Condominium?'  

Tumingin ako sa kanya. Nakangiti sya sakin, "Salamat sa paghatid. So kitakits na lang ulit bukas sa school?" tumango ako tapos bababa na sana sya kaso...  

"Dito ka nakatira?" tanong ko  

"Oo. Dito nila ako kinuha ng condo eh. Ewan ko ba sa kanila. Eh hindi naman ako bagay dito. Sige. Bye na!" bumaba na sya sa car. Hinintay kong makapasok sya sa loob.  

Kung dito sya nakatira, edi mayaman rin sya? Pero sabi nya.. nagtatrabaho lang daw ang parents nya sa mga Monterial. Kung totoo yun, mahihirapan syang makapasok dito. Bigla tuloy akong na-curious. Barbie Odette Mihn. Sino ka ba talaga?  

*** Barbie's POV  

Pagkatapos akong ihatid ni Sandara. Dumiretso muna ako sa isang restaurant para kumain, dito rin sa loob ng building. Astig nga eh! Napatingin ako sa harapan ko. May isang pamilya ang nakaupo at masayang kumakain. Naiinggit ako. Naalala ko kasi ang pamilya ko. 'Pero... Desisyon ko ito. Ginusto kong lumayo at maging independent kaya kailangan kong panindigan ito.'  

[Crush by 2NE1]  

"Hello?" sabi ko the moment na nasagot ko yung phone.  

Dating The HeartlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon