[24] Good Day or Bad Day?
"You are 3 minutes late, alien doll." Alien Doll? Kung anu-ano na lang ang tinatawag nito sakin >.< "Get in!" sabi nya. Sasakay na sana sya kaso pinigilan ko sya.
"Hindi mo man lang ba ako pagbubuksan ng pinto?"
"Do it yourself!" sabay sakay nya. GENTLEMAN nga naman (sarcasm overload) Sumakay na lang ako sa car nya at nung nakasakay na ako. "Fasten your seatbelt."
"Bakit pa? Hindi ka naman siguro careless na driver." alam nyo kasi ayoko ng nagseseatbelt. Ewan ko ba. Basta ayoko. Weird diba? Sanay kasi ako sa likod umuupo. Eh yung car nya, walang backseat. Pangdalawang-tao lang. Ano bang model ng kotse ito?
"I'm a careless driver so if you wanna live your life, you should fasten that d*mn seatbelt."
*Oo na po mahal na HARI!!" saka ko ikinabit yung seatlbelt ko.
"Good. I really can't forgive myself if something bad happen on you."
A-ano daw? Di ko masyadong narinig. Bumulong kasi. Teka baka naman minumura na pala ako nito?
"Anong sinabi mo?"
"I said you look disgusting. Hella Ugly!"
"Edi ikaw na gwapo" saka ko sya inirapan at tumingin na lang sa labas ng bintana. Mukhang hindi magiging maganda ang buong maghapon ko ngayon.
***
"Ako si Sister Maria, ang namamahala sa bahay-ampunan na ito."
"Magandang araw ho Sister. Ako ho si Barbie. Trace naman ho ang pangalan nitong kasama ko. Kami ho ang pinadala ng Royal Estate University."
"Talaga? Edi ibig sabihin, ikaw ang bagong Campus Queen?" tumingin sya kay Trace. "So sya parin pala ang Campus King? Naalala ko pa last year, pumunta rin sya dito. Kasama nya si Tiffany."
"Tiffany? Sino ho si Tiffany?"
"Ah, sya ang Campus Queen last year. O paano, bahala na kayo sa mga bata, ha? Minsan lang kasi mangyari ito kaya excited sila. Pasensyahan nyo na rin kung medyo makukulit sila."
"Wag po kayong mag-alala, kami na po ang bahala sa kanila."
Umalis na si Sister. Lumapit ako dun sa ibang mga bata. Yung ibang bata naman, pinapakain ng mga ibang representatives galing sa iba't ibang university. Akala ko nga kami lang ni Trace ang pupunta rito. Sobrang nagulat talaga ako na marami pala kami. At galing pa sa iba't ibang university. Pero okay na din, atleast may mga nakilala ako outside the campus. Take note, magaganda't gwapo sila. Siguro sikat din sila sa University na pinapasukan nila.
"Kuya Trace, buti naman po at bumalik kayo." sabi ng isang 10 year old na batang lalaki.
"Tuturuan nyo po ba ulit kaming maglaro ng basketball?" tanong pa ng isa.
BINABASA MO ANG
Dating The Heartless
Humor[UNDER.MAJOR.REVISION] . V.I.P SERIES 1: Trace Oliver Perez (The Heartless)