[27] Cruel and Heartless
Gulo. Tilian. Hiyawan. Lahat ng klase ng ingay ay maririnig sa lugar na yon.
RD, a exclusive place for gangster/delinquents who want to have fun. Ang lugar ay nabili ng mga VIP at dinevelope para maging arena, bar, at kung anu-ano pa. Maaari ring mag-race dahil sa napakalawag na lugar. Idagdag pa ang mga uphill and downhill course. Lahat ng nagkakarera ay kailangang maging maingat hindi lang dahil sa bahagyang madulas ang mga kalsada kundi dahil sa matataas at makikitid na bangin. Oo. Nakakatakot ang lugar pero para sa mga katulad nila na gusto ang kakaibang thrill at adventure sa larangang yon, wala lang sa kanila yon.
Kasalukuyang nakikipagkarera si Grey sa isa sa mga naghamon sa kanya. At dahil sya ang pumapangalawa sa ranking, hindi na nakapagtataka kung sya ang nanalo.
Nagtitilian at naghihiyawan ang mga babaeng nanunuod dahil sa pagkapanalo nya pero ang mga ingay na yon ay napalitan ng nakabibinging katahimikan ng dumating ang isang magarang race car...
Lumabas ang sakay niyon...
Sa bawat araw na dumadaan, lagi na lang natitigilan at natatahimik ang mga tao sa pagdating nya...
Ang numero unong racer at kinikilala nilang 'KING'. Lahat humahanga sa kanya dahil wala pang nakakatalo sa kanya sa larangang yon.
Ang tilian sana ng mga babae ay hindi na natuloy dahil sa nakita nilang napaka-seryoso nito. Oo nga't lagi itong seryoso at nakakatakot pero mas malala ang aura nito ngayon. Parang kayang patayin lahat ng haharang sa daraanan o kahit ang huminga man lang.
"Who want to beat me?" seryoso nyang sabi habang isa-isang tinitingnan ang mga kalalakihang naroon.
"Wag mong sabihing gusto mo ng may makaagaw ng trono mo?" wika ng isa sabay tapon ng sigarilyo at tinapakan ito.
"Pwede rin. Pero kaya mo kaya?" bagama't seryoso ang mukha ay naka-smirk sya.
"Oo naman. Humanda ka. Pakakainin kita ng alikabok." maangas na sagot nito.
"Dream on dumb*ss! And one more thing, it's a dirty race. A race between life and death." seryoso nyang saad saka pumasok ulit sa kanyang kotse.
Natigilan ang lahat sa napanuod nilang pag-uusap ng dalawa.
A race between life and death? Of course alam nila ang kahulugan nun. At dahil sa sinabi nitong 'dirty race' malaya ang bawat isa na gawin lahat ng nais nila matalo lang ang kalaban kahit na kabilang pa don ang pandaraya.
Pumwesto ang dalawang maglalaban sa starting line. Sa harap ay isang magandang babae na may hawak na flag. Nagsimula itong magbilang... "3... 2... 1..."
Naghanda ang dalawa para sa hinihintay nilang hudyat. "GO!!" at pagkarinig nun, tinapakan nila ang silinyador saka bumirit sa kalsada ang dalawang sasakyan.

BINABASA MO ANG
Dating The Heartless
Humor[UNDER.MAJOR.REVISION] . V.I.P SERIES 1: Trace Oliver Perez (The Heartless)