[14] He Asked Me For A Date

346 13 3
                                    

[14] He Asked Me For A Date  

 

Ngayon ay Thursday. Thank God wala akong pasok. So eto nga, nakahilata ako sa kama ko at nakikinig ng KPOP songs (NP: Hate You by 2NE1) Yon ang napili kong kanta dahil sa title. Saktong-sakto kasi para sa kinamumuhian kong nilalang. At sino pa ba? Syempre yong Alien Species na pinakita ang pagmumukha ko sa harap ng napakaraming tao at ibrinoadcast na ako daw ay dakila nyang STALKER at THIEF dahil may kinuha daw ako sa kanya kahit wala naman =___=  

Buti na lang pala talaga at napigilan ako nung tatlo kahapon dahil kung hindi baka sinugod ko sya sa broadcasting room o sa kahit saang lupalop ng buong universe pa sya nagtatago. Dahil kung hindi posibleng magkaroon ng UNIVERSE WAR!! OO UNIVERSE TALAGA DAHIL ALIEN SYA!! ALIEN SPECIES!!  

Kapag naaalala ko yong mga nangyari kahapon. Parang gusto ko syang patayin. Tch! Ano bang nangyayari sakin? How can I act and say things like this? This is not me! Bakit feeling ko simula ng makilala ko yung alien species na yon sobrang laki na ng pinagbago ko. Hindi naman mainitin ang ulo ko dati. Hindi rin ako yung tipo ng tao laging naghahanap ng gulo at hilig makipag-away. Nagiging eskandalosa na ata ako. Tsk siguro may alien na sumapi sakin at binago ang pagkatao ko. Eww. Alien! Parang yong Heartless Alien Species lang na yon ah! >__<  

At dahil nga sa wala akong magawa, nag-iisip ako kung saan ba pwedeng gumala. Sa mall? Nakakasawa! Oo nakakasawa naman talaga. Puro boothes at store lang ang makikita. Atska, yon lang naman ang laging pinupuntahan ko. Lalo na noon. Eh sa yon lang ang alam kong puntahan noon eh. Kaya nga eto, hanggang ngayon parang feeling ko kahapon lang ako pinanganak. And I pity myself for that. Really!  

And okay, what is my point here? As if namang mababago pa ang nakaraan ko kahit na magmaktol pa ako dito. Tumayo na ako sa kama. Ngayon, may naisip na akong puntahan.. Sa Divisoria, kung saan pwede akong mag-shopping at hindi gagastos ng ganoon ka-mahal. Yeah right! Tipid tipid din :)  

After ko maligo at mag-ayos ng sarili, lumabas ako ng building at pumara ng taxi since wala naman akong car. Nakita ko ang pagtingin ng iba at pagtaas ng kilay sa akin.  

"How come she live here when she don't have a car?" - girl 1  

"Maybe she's not that rich, baka nagfifeeling lang kaya dito tumira hahaha" - girl 2  

"You're wrong girl, stalker kaya sya ni TOP. Nakalimutan nyo na ba yung nangyari sa university kahapon?" - girl 3  

"Wait, sya ba yon? Yong stalker at thief na tinutukoy ni TOP? Ghad! We must avoid her. Baka mamaya nyan tayo ang pagnakawan nya." saka sila tumalikod sakin.  

Pumasok ako don sa taxi. Hindi naman ako nagagalit dahil sa sinabi nong mga babae. Pero naiinis ako dahil napaka judgemental nila. Hindi naman nila alam yung totoo ee. Psh! Mga pakana nga naman ng Alien Species na yon, baka mamaya nyan layuan na ako ng lahat ng tao sa University or worst, pati sila Sandara. Haay. Wag naman sana kasi tinuturing ko na silang kaibigan eh.  

Calling... Sandara  

"Hello? Bakit?" sabi ko.  

"I am just wondering kung bakit hindi ka pumasok ngayon? May sakit ka ba? O may masama bang nangyari sayo? May ginawa na ba sya sayo?" sunod-sunod na tanong nya na may halong concern.  

Dating The HeartlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon