[26] Like A Hell
"HO?! But that's ridiculous! Hindi nyo ako pwedeng ikulong."
Andito kami ngayon sa presinto. Pinag-uusapan namin yung mga kaso na sinampa sakin. Oo 'mga' and that is physical assault, damaging properties, tresspassing, mayroong pang sa pagnanakaw at pananakot daw. Andaming binanggit pero hindi ko na naintindihan yung iba saka hindi naman ako familiar sa mga ganyang kaso.
"Kung magpapyansa ho ako. Magkano ang ibabayad ko?"
"Half a million, Miss." - police 1
"HO?!" di makapaniwalang tanong ko.
"Sa dami ng kasong sinampa sayo, hindi na kagulat-gulat yon." - police 2
"Pero kung wala kang pampyansa. Maaari kang kumuha ng abogado at kapag napatunayang inosente ka, makakalaya ka." - police 1
"Pero wala ho akong pambayad sa abogado."
"Okay lang yan, Miss. May mga public defendant naman. Pero mukhang hindi to magiging madali. Bigatin ang complainant mo." - police 2
"Eh sino ho ba?"
"Mr. Trace Oliver Perez."
Sinasabi ko na nga ba =__= Ano na naman bang trip ng isang yon? Wala na ba talaga syang balak na patahimikin ako?
"Pero hwag kang mag-alala dahil hindi ka naman makukulong dito. Dahil nga sa underage ka pa, baka bukas maiturn-over ka sa DSWD or else sa Girlstown." - police 2
"Ho? Ano hong girlstown?"
"Ah, detention area yon para sa mga kabataang tulad mo na naligaw ng landas at nakalimot sa batas. Pero sa ngayon, kailangan ka na muna naming dalhin sa selda mo para makapagpahinga ka." - police 2
Tumayo na sila and so did I. Wala naman akong choice. Bukod sa bantay-sarado nila ako, nakaposas pa ako. What a poor day >.<
Nakarating kami sa selda daw. Syempre ipinasok nila ako don. Tapos may limang babae, dalawang t-bird, isang mataba, tapos yung dalawa pa, tahimik lang sa isang sulok pero parang nakakatakot lapitan. At sa tingin ko, mga kasing age ko lang sila.
"Mukhang may bago tayong kakusa, ah?" - t-bird 1
"At maganda" - t-bird 2
"Pero mukhang wala namang binatbat, hoy babae! Anong kaso mo?" - tanong nung mataba. Hindi ko gusto ang tingin nya. Parang may balak sakin.
"Ako ba ang tinatanong mo?" habang tinuturo ko ang sarili ko.
"Sino pa ba?" maangas nyang sabi.
"Ah, murder ang kaso ko. Pinapatay ko lahat ng makainisan ko..." saka ko pinalamig ang boses ko at tipong nagbabanta. Natigilan naman sya at natahimik.
BINABASA MO ANG
Dating The Heartless
Humor[UNDER.MAJOR.REVISION] . V.I.P SERIES 1: Trace Oliver Perez (The Heartless)
