[25] Warrant Of Arrest

330 11 5
                                    

[25] Warrant Of Arrest  

Sandara's POV  

It's 9:00 in the evening. Hindi ko expected na matagal bago matapos ang meeting na iyon. Nakakapagod. Gusto ko ng makauwi para makatulog na. Buti na lang rin at Sunday bukas. Walang pasok :p  

Tumingin ako sa labas ng bintana. Napakunot-noo ako ng may makita akong babae na naglalakad sa dilim na parang wala sa sarili. Baliw ba ito? Gabing-gabi na ah! And yet, hindi man lang natatakot na baka may masamang mangyari sa kanya.  

"Sandali lang, Manong! Pwede ho bang pabagalin ninyo ang pagmamaneho." binagalan nga ni Manong Sid "Pakihinto ho," sabi ko ng matapat kami don sa babae. Bubuksan ko na sana ang pinto nung kotse kaso...  

"Ma'am, a-ano hong gagawin ninyo? Baka ho kung anong mangyari sa inyo kapag lumabas kayo." natatarantang wika ni Manong Sid.  

"Relax lang ho, ako ho ang bahala." lumabas na ako at pinuntahan yung babae. "Miss?" tawag ko, pero hindi sya lumingon. Ilang beses ko pa syang tinawag pero hindi parin sya lumilingon kaya lumapit na ako at kinalabit sya. Pagharap nya...  

"T-Trace?" wala sa sariling tanong nya.  

"Barbs, okay ka lang? Si Sandara ito? Anong ginagawa mo dito sa labas ng ganitong oras at bakit... umiiyak ka?" halos pabulong na lang na tanong ko.  

"S-Sandara?" ilang beses nya akong tinitigan at pagkatapos ay niyakap nya ako saka humagulgol sya ng iyak. "UWAAAA!! NAKAKAINIS!! NAKAKAINIS SYAAAA!! Akala ko okay na kami *huk* Pagkatapos mag-iba ang tingin ko sa kanya *huk* babalik na naman sya sa dati. Nakakainis talaga! Iniwan pa nya ako. Walang pusong lalaki. Napaka-moody. Nakakainis!!" nung una hindi ko sya magets at hindi ko alam kung sino ang tinutukoy nya pero nung narinig ko yung word na 'Walang Puso' I think alam ko na. Tinap ko sya sa likod.  

"Okay lang yan, sige ilabas mo lahat. Andito lang ako."  

***  

Pagkatapos ng nakakalokang pagkikita at pag-iyak nya sakin kanina. Dinala ko sya dito sa bahay. Ayaw nya kasing umuwi sa Condo nya. Baka daw makita nya si Heartless Alien Specie =___= naikwento nya rin kasi sa amin na magkatabi lang ang unit nila.  

"Alam mo, loka ka! Hindi ako nainform na ganito pala kayo kayaman. Ano nga ulit yung Father mo? Congressman? While your Mom is fashion designer at may-ari kayo ng sikat na clothing line? >u<" sabi nya habang kumakain ng ice cream. Comfort food nya daw dahil sa nangyari kanina.. Nag-away na naman daw kasi sila ni Trace at iniwan sya sa gitna ng kawalan then blah blah blah.  

"I'M HOME!!" napalingon agad ako and there I saw Xander, ang lil bro ko, 15 y/od pero mas matangkad sya sakin.  

"Hey, saan ka galing? Bar or RD? Buti wala pa sila Mommy, kundi magagalitan ka na naman."  

"Hindi mo naman ako isusumbong diba? >3<" nagpacute pa -____- "A-ate, who is she?" nakatingin, I mean titig to be exact sya kay Barbie. Tiningnan din sya nito.  

Dating The HeartlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon