[13] King's Announcement
"It's nice to see you again after two long years."
Dahil sa narinig ko, lumingon agad ako pero wala na sya. Sinubukan ko syang hanapin pero wala talaga. Haay! Totoo kaya yon o guni-guni lang? Pero kung totoo nga, sino kaya sya at bakit nya nasabi yon?
"Hoy okay ka lang? Anong nangyari sayo? Bat parang may hinahanap ka?" - Cielo
"Huh? Ah wala naman!" - Me na tumitingin-tingin parin sa paligid.
"Baka hinahanap nya yung nagbigay sa kanya ng panyo" nakangiti ng nakakaloko si Sandara.
"Nakita namin yon Unnie, kulang na lang lumuwa ang mata mo at tumulo ang laway mo hahaha" gatong naman ni Michie.
"Oww. Gwapo ba? Naks may lovelife ka na agad ah! Baka mamaya nyan may boyfriend ka na." tukso ni Cielo.
"Boyfriend agad? Hindi ba pwedeng friends muna tapos getting to know each other muna?" - Sandara
"Maka-react naman tong mga to! Hindi ko nga alam pangalan eh. Ni hindi ko nga nakita yung mukha. Naka-shades at hoodie kasi pero infairness COOL sya :)" - Me
"TARAYYY!!!/LANDIIII!!!/NAGDADALAGA ANG BRUHA" - silang tatlo.
"Osya tama na. Tara na't tingnan ang ipinunta natin dito." sabi ko na lang. Nakipagsiksikan kami sa ibang estudyante para tingnan yung mga napiling posibleng maging Campus Prince and Princess. Una naming tiningnan yung sa mga guys since na seperate. Infairness, daming gwapo. Pwede ngang maging Campus Prince. May mga crush na nga yung tatlo eh. At oo, tama ang hinala ko. Kasama nga ang mga V.I.P. Next is yung mga girls. Grabe! Ang gaganda nila. Nakakatibo! ^o^
"Oh shet! This can't be. They put me in. I am at number 47" - Sandara. Pagtingin namin, nakita namin yung picture nya noong nasa cafeteria kami at inalis nya yung mga disguise nya.
"And me too. Tch! Why did they pick me? Bombahin ko tong school na to eh!" inis na sabi ni Michie. Yung sa picture naman nya, nagsasayaw sya. Siguro nung nag-audition sya sa dance club. Number 29 sya.
"And I am at number 21. Sh*t! Fck this crap!" halatang galit si Cielo at ready ng manuntok. Pero infairness, ang ganda nya. Naka-swimsuit sya at naglalakad ng fierce dun sa may pool. Err.. baka sa swimming club yon.
Dahil nga sa sobrang badtrip sila at ang sama ng tingin don sa mga employee ng school na kulang na lang ay patayin nila sa tingin. Nag-aya na akong umalis. Aalis na sana kami ng... "OMG BARBIE KASALI KA DIN!!" sigaw ni Sandara.
"H-huh?" hinarap nila ako dun sa board. At... Nakita ko lang naman ang pagmumukha ko na naka-post doon. Sa pagkakaalala ko, yon yong first day of school. Yung bumalik ako sa University galing sa mall dahil nga basang-basa ako at kinailangan kong magpalit ng damit. Bakit pati ako nakasama dito?!
"You're at number 5." sabay na sabi nilang tatlo. Nakikita ko! Hindi ako bulag! Kailangan talagang sabihin pa?! Tinitigan ko ng masama yung board. Argh! Nakakainis talaga!!
BINABASA MO ANG
Dating The Heartless
Humor[UNDER.MAJOR.REVISION] . V.I.P SERIES 1: Trace Oliver Perez (The Heartless)