Entry 8: Agharta

107 0 0
                                    

"Ang Agharta — isang lupain na kung saan namumuhay ang mga nilalang na hindi pangkaraniwan; mga engkantado't engkantada, mga dwende at taong-mahiko. Pinamumunuan ito ng pamilyang Zakriah na mula sa klaseng mahiko. May sinusunod na batas at kasunduan ang bawat tribo. Ngunit ang mga taksil at may masasamang hangarin ay napapatapon sa lupa ng Atria o lupa ng kamatayan na kung saan ang mga sinasabing dakilang hukom na ang hahatol sa kanila..."

Lumapit ang engkantadang si Terra sa dalagang nagbabasa ng libro.

"Mahal na prinsesa, hindi po ba kayo nayayamot sa pagbabasa ng librong iyan? Sa palagay ko po'y maari niyo nang idetalye lahat ng nasa ating kasaysayan bunga ng paulit-ulit niyong pagbabasa nyan."

Dinukot ng prinsesa ang isang kupita ng kape at uminom ito. Pinagpatuloy niya ang pagbabasa. "Mas mahalagang malaman ang nangyari sa ating kasaysayan upang maikumpara at malaman natin ang lahat ng nangyari sa lupaing ito."

"Ngunit nakailang ulit na po kayo sa pagbabasa n'yan. Subukan niyo pong basahin itong librong ito katungkol sa isang taong-mahiko na nagbago ng anyo sa mundo natin noon at binansagang 'ang prinsipe ng kasamaan'," paglalahad ng engkantada sa librong hawak niya.

"Paumanhin aking kaibigan pero alam ko na ang tungkol riyan," nakangiting saad ng prinsesa.

Napako ang tingin ng dalawang dalaga sa pintuan nang may kumatok at pinihit ang seradura.

"Ano pong maipaglilingkod namin sa punong-tagapayo?" magalang na tanong ng prinsesa nang bumungad sa kanila ang kanilang punong-tagapayo.

"Mahal na prinsesa, dumating na po ang inyong bisita. Pinapasabi niya pong maghihintay na lamang siya sa hardin ng palasyo," paalam ng tagapayo bago umalis.

Wala'y anupa't pumunta na sa hardin ang prinsesa upang makipagkita sa nasabing bisita. Nang makarating siya sa sinabing lugar ay kumurba ang ngiti sa kaniyang labi. May isang lalaking nakatayo mula sa malayo. Ibinuka nito ang kaniyang kamay at tumakbo ang prinsesa sa kaniyang bisig.

"Bakit ka naparito? May nangyari ba?" maamong tanong ng prisesa.

"Naparito ako upang hingin ang basbas ng magulang ng mahal ko para pakasalan siya at makasama habang buhay," paliwanag ng lalaki habang nakangiti. Makikita mo sa kanyang mukha ang saya at sensiridad.

Hindi na nagsayang ng oras ang dalawa at nagpasya na silang hingin ang basbas ng hari at reyna.

Nang makarating na sila doon ay bumungad sa kanila ang dalawang taong nakaupo sa dalawang malaking trono. Mararamdaman mo sa kanilang presensya ang kapangyarihan.

Nagsalita ang hari nang makarating na ang mag-irog sa kaniyang harapan. "Anong maipaglilingkod ko sa aking anak at sa kaniyang kasama?"

Lumuhod ang lalaki. Nag-ipon ng lakas ng loob ang binata upang magsalita. "Nais ko pong hingin ang inyong basbas upang mahingi ang kamay ng mahal na prinsesa,"

Bahid ang pagakagulat sa mukha ng hari't reyna. Nangangamba pa rin sila kung karapat-dapat ba ang lalaking nakatayo sa harapan nila na pakasalan ang kanilang anak. Ito ay dahil may kakaibang kapangyarihan ang prinsesa na mas malakas kaysa sa kanilang dalawa at siya rin ang hahalili sa kanilang pwesto.

Nagkatinginan ang hari at reyna at tumango sa isa't isa. Huminga ng malalaim ang hari bago nagsalita. "Kung ito ang ikaliligaya ng aking prinsesa, ay ibinibigay ko ang aking basbas sa inyong pag-iisang dibdib."

Nagulat ang mag-irog at napatayo pa ang lalaki habang tuwang-tuwa. "Marami pong salamat. Maano po'y hindi po namin sasayangin ang pagkakataong ibingay niyo."

Round 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon