Gulat akong lumingon sa may pintuan nang bigla itong bumukas.
"Hey, you look stressed." May pag-alalang sabi ni Eros habang lumalapit sa'kin
Napabuntong hininga nalang ako na tumingin sa solution na ginawa ko.
"Are you alright?" At ipinatong niya ang kamay niya sa likod ko.
Tumingin ako sa kanyang mga mata. "Ayaw ko ng ganito Eros kaya gusto ko nang magawa ang perpektong solusyon para maging ok na ang lahat. Pero ilang taon na akong gumagawa, hindi ko na rin mabilang kung ilang solution na ang nagawa ko." Nanggigilid na ang luha ko at hindi nagtagal ay tumulo na rin ito.
"Shhhh." Pinunasan niya ang luha ko. "Kahit hindi mo mahanap ang tamang solution mahal pa rin kita."
"Eros, I want to grow old with you. Hindi yung matanda ka na at maputi na ang mga buhok mo tapos ako hindi. Gusto ko sabay tayong tatanda Eros." Hindi ko na mapigilang humagulgol.
"Sorry, sorry kung wala man lang akong magawa."
"Don't say sorry Eros, wala ka namang kasalanan."
"Labas muna tayo gusto mo? para naman mawala 'yang kulubot sa noo mo." Sabi niya habang humihiwalay sa pagkakayakap namin.
Hindi na ako tumanggi at tinanggal ko na ang suot kong lab gown saka kami lumabas ng bahay. Naglakad-lakad lang kami dito sa park habang hawak-hawak ko ang kamay niyang naka-akbay sa akin at ang isa ko namang kamay ay nakapulupot sa bewang niya.
Kahit papaano nawawala sa isip ko ang problema ko pag siya ang kasama ko.
Maya maya lang ay tumunog yung phone niya kaya kinuha niya ito sa bulsa niya at saka sinagot ang tawag.
"Hah? Oh sige-sige." Sabi niya sa kabilang linya.
"Sino 'yon?" Tanong ko nang ibulsa na niya ulit ang phone niya.
"Si Ezra, yung kambal ko dumating na at nagpapasundo." Sabi niya.
"Tapos?"
"Ok lang ba kung samahan mo akong sunduin siya? Para magkakilala na rin kayo."
"Oo naman."
Pagdating namin ng aiport ay inihinto ni Eros ang kotse sa tapat ng isang babae.
Pagkababa ni Eros ay lumapit agad siya sa babae at binatukan naman niya si Eros na parang naiinis.
Siguro siya na si Ezra, hindi naman siya pinansin ni Eros sapagkat ay pinagbuksan niya ako ng pinto.
"Ezra, may ipapakilala ako sayo." Sabi ni Eros at nang tumingin sakin si Ezra ay parang gulat na gulat, ilang ulit niya ring kinusot ang mga mata niya.
"Sara?" Tanong niya sabay turo sa'kin.
"She's not Sara, she's Mika, my girlfriend." Sabi naman ni Eros sa kanya.
"No, she's Sara. I remember her face, she's the one who help the time I lost in the mall when I'm 5. But it looks nothing change. You never get old." Nagulat naman si Eros pero ako ay hindi.
Nagkatinginan muna kami ni Eros saka ako ngumiti sa kanya.
"Yes, I'm that Sara." Pagsasabi ko ng totoo.
"But how come?" Hindi pa rin mawala ang pagtataka sa kanya.
"We will explain when we get home." Sabi ng kuya niya saka inilagay na sa loob ng kotse ang mga gamit ni Ezra.
"So what's the story?" Tanong agad ni Ezra pagpasok namin ng bahay nila.
Umupo muna kaming tatlo. Magsasalita na sana si Eros pero inunahan ko na siya.
