Entry 27: Parallel Universe

73 2 0
                                    


"Si Kali? Nasaan si Kali?"
"Kaliiii! Kali?"
"Ash, huminahon ka."
"Brad, kumalma ka."
"Si Kali, nasaan?!"

Ano bang hindi nila maintindihan sa tanong ko? Gusto kong malaman kung nasaan si Kali.

"Kali?"

"Ash, tama na! Ano ba? Nakakaistorbo ka na."

"Kali? Kaliii?"

"Nasaan si Kali?" Naghahalo na ang galit at kaba sa dibdib ko. Hindi na ako makapag-isip ng maayos.

*Pak!*

Napahawak ako sa pisngi ko, tila nanumbalik ako sa aking katinuan. Lahat ng tao dito sa ospital nakatingin sakin. Ngayon lang nag-sink in sa akin kung gaano ako nakakaistorbo sa mga pasyente. Walang pakundangan kong iwinasiwas ang mga kurtina na nagsisilbing dibisyon ng mga pasyente.

"Asher," hinawakan ako sa balikat ni Lira. Base sa mga reaksyon nila, parang alam ko na ang sagot sa tanong ko. Nag-umpisang dumaloy ang mainit na likido sa mga mata ko.

"Nasaan si Kali?" Lakas-loob kong tanong kahit nanginginig na ang tuhod ko.

Mahigpit na yakap at hikbi lamang ang naging tugon nila.

May 17, 2021: Makalipas ang limang taon.

"Oh my god! Look who's here!"

Agad akong sinalubong ng mga magulang ni Kali.

"Finally, Ash, nagpakita ka rin samin. After five long years, welcome back!"

"Asher, hijo, kamusta ka na? Siguradong tuwang-tuwa ngayon si Kali." Niyakap ako at hinagkan ng mama ni Kali.

"Halika, dito ka maupo."

"Salamat po." Magalang kong sagot.

"Bakit ngayon ka lang nagpakita samin?" bakas sa boses ng mama ni Kali ang pagtatampo sa hindi ko pagpapakita ng maraming taon.

"Sinubukan ko pong makalimot," hindi ko napigilang mabasag ang tinig ko. Gumuhit ang sakit sa dibdib ko. "P-pero hindi ko po magawa."

"Ash, hindi mo siya kailangang kalimutan. Kailangan mo lang tanggapin na wala na siya." Hindi ko na napigilang umiyak ng tapikin ng papa ni Kali ang balikat ko.

"Ash, let it go. Kung hindi mo kayang kalimutan si Kali, at least tanggapin mo man lang na wala na siya. Give yourself peace, give her peace."

"How can I give myself peace kung kasalanan ko 'yong nangyari? If only I was the—"

"Stop your what-ifs, Ash. Hindi mo kasalanan ang nangyari, aksidente 'yon."

"P-pero nangako po ako sa kaniya na pro-protektahan ko siya."

"Anak," tawag sakin ng mama ni Kali. "Walang nakakaalam na mangyayari 'yon. Sigurado kaming naiintindihan ka ni Kali. Pakiusap, huwag mong sisihin ang sarili mo."

"Nalulungkot kami na makita kang ganiyan. Para ka na naming anak. Ayaw naming masayang ang buhay mo dahil sa nangyari kay Kali." Dagdag pa ng papa ni Kali.

"Sumunod ka samin." iginiya ako ng magulang ni Kali sa dati niyang silid.

Bakit mas gumaan ang pakiramdam ko ng makita ko ang dati niyang silid?

"Ikaw ang deserving na magtago nito," may iniabot sakin na maliit na notebook ang mama ni Kali. "Basahin mo. Baka sakaling gumaan ang pakiramdam mo. Maiwan ka muna namin, nasa baba lang kami kung may kailangan ka.

Round 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon