Entry 30: Katapusan ng Grasya

48 0 0
                                    


Ilang taon na ba ang lumipas? Pinaglipasan na ng panahon ang mga pangyayaring iyon. Pero para sa akin, isa iyon sa pinakamahalagang alaala. Kasi noon ko siya nakilala. **********

"Gumising ka na dyan! Uy, gising na. 'Pag hindi ka gumising sasapakin kita! Sisigawan kita hanggang sa mabingi ka! Bumangon ka na dyan," gising na mahal ko, gumising ka na parang awa mo na. ***********

Nagsimula iyon noong una akong tumuntong sa kolehiyo. Bagong salta, walang alam sa mundo. Magblockmates kami. Wala akong pakialam sa kanya at ganun din siya sa akin. Dumaan ang araw, linggo, buwan ng mangyari ang bagay na hindi ko inaasahan. 'Yong tahimik kong buhay noon ay magsisimula pa lang magbago dahil sa kan'ya. Magulo ang pangyayaring iyon tulad ng thesis natin. Mas magulo pa sa mga nakakalokong report ng blockmates ko sa philosopy noong first sem. Mas magulo pa ang mga pangyayari sa amin kesa sa GC namin noong highschool. Ewan ko. Basta ang gulo-gulo. Ang gulo ng lahat. Mula sa pagkakakilala hanggang sa muling pakikita.

Tanghaling tapat at nagmamadali akong tumakbo papunta sa laboratory ng school namin, sa kasamaang palad may nabangga ako. "Takte nabasag!" sabi nito sa mga nahulog niyang test tubes at volumetric flasks. "Sorry,"

"Sorry talaga. Hindi ko sinasadya, papalitan ko na lang," sabi ko at tinulungan siyang magpulot ng mga bubog. Hindi niya ako pinansin, bagkus ay tinapik niya ang kamay ko paalis do'n sa bubog. "Nyeta. Nasugat pa ako," angal niya habang tinitingnan 'yong kamay niyang may umaagos na dugo. "Dalhin kita sa clinic," aya ko sa kaniya. "Wag ka ngang magulo. Malayo ito sa bituka. Atsaka p'wede ba, pumasok ka na sasusunod mong klase, mukhang late ka na. Mamayang uwian tayo magtutuos sa katangahang ginawa mo," sabi niya. Tumayo na ako at nagpagpag ng damit. "Sige. Pasensya na ulit, papalitan ko na lang kung gusto mo," "Mamaya na nga. Kulit!" sabi niya muli at tinaboy na ako. Dali-dali ko namang tinakbo ang corridor at dumiretso sa laboratory room, kung saan naabutan ko pa silang nagda-disect ng pusa at lahat napatingin sa akin. "sorry, i'm late," sabi ko sabay peace sign sa lahat at kumuha ng makasabit na laboratory gown at isinuot iyon. Itinuloy ng lahat ang ginagawa at nakisali na rin ako. Nang matapos na ang klase ay naiwan pa ako sa loob dahil nahuli nga ako kanina. Inabutan ako ng detention slip ng professor ko. Aangal pa sana ako, pero isang oras lang naman kaya okay lang siguro. Mabilis akong nagtungo sa detention room at nagtagal doon ng isang oras. "Florencio, labas na. May naghihintay sa iyo sa labas," sabi sa akin noong prof na nagbabantay sa detention Kinuha ko na 'yong bag ko at lumabas na. "Shoot. Tagal mo. Halika na, pupunta pa tayo sa shop. Bibilhin mo 'yong binasag mo kanina," sabi nya at hinila na ako. Dumiretso kami sa shop at namili na siya noong mga laboratory test tubes at kung ano pa saka siya pumila sa counter. "567.25 pesos po lahat," sabi noong cashier sa harapan ko at naglabas na ako ng pera. "Keep that. Libre mo na lang ako ng gelato mamaya," bulong niya saka naglabas ng credit card at inabot sa cashier. "Akala ko ba-" "Tss. Ilibre mo na nga lang ako. Ang kulit," iritableng sabi nya. Doon nagsimula ang lahat. Kung paano, dahil sa pagkabangga ko sa kaniya. Dahil na rin sa katangahan ko. Kung papapiliin ako? Sana hindi ko na siya nakilala. Kaso tadhana na ang nagtakda na kami ay pagtagpuin.

Mula noon ay araw-araw na kaming nagkikita. Nakilala ko sya, nakilala nya rin ako. Naging inspirasyon ko sya para pumasok lagi sa school. Siya ang sumisira sa araw ko, pero siya rin ang bumubuo nito. Magkaklase kami sa isang subject. Lagi kaming sabay tuwing break time at lunch. Hinahatid niya pa ako pauwi. Kilala na siya ng buong pamilya ko at gan'on din ako sa pamilya niya. Magkasama kami palagi. Halos magkapalit na nga raw kami ng mukha sa sobrang lapit namin sa isa't isa. Sabay kaming nanood ng maraming paglubog ng araw. Pareho naming ginawa ang thesis na nabigyan ng bagsak na marka. Marami kaming pinagsamahan sa loob ng isang taon. May masasayang alaala, may malulungkot, may matamis, may maasim at matabang pero hindi mawawalan ng pait sa buhay. Kami ang gumawa ng recipe ng buhay namin sa buong unang taon sa kolehiyo. Hanggang sa dumating sa punto na kailangan nilang mag-migrate sa ibang bansa. Iyak ako ng iyak noong hinatid namin siya sa airport. Aalis na 'yong bestfriend ko. Hinabol ko pa siya bago pumasok sa loob. Pero paghabol ko sa kanya, hindi ko inaasahan iyong ginawa niya. Hinalikan niya ako. At sinabing, "Babalik ako. Hintayin mo ako, at hindi mo malilimutan ang araw na iyon," at tuluyan na kaming pinaglayo ng tadhana.

Umiyak ako magdamag ng halos isang linggo kahit hindi naman dapat. Kahit alam kong wala namang KAMI. Wala lang, trip ko lang mag-emote. Inisip ko rin na gawin ang silbi ng baril, kaso alam kong hindi naman siya babalik kahit gawin ko 'yon. At kung babalik man siya, malamang na nakaburol na ako o 'di kaya naman ay nailibing na. Matagal. Matagal akong naghintay sa pagbabalik niya. Siguro nga mahal ko na rin siya noon kaya hinintay ko siya nang hinintay.

Kung hindi ba naman kasi siya isa't kalahating sira-ulo para halikan ako, sana hindi ko na siya hinintay. Hindi ko na hinintay na baka may pag-asa pa para sa aming dalawa. Sana kasi hindi niya na lang 'yon ginawa, sana hindi ako mahihirapang iwan siya.

*************** "Grace? Ikaw ba talaga iyan?" isang ngiti lamang isinagot niya sa akin. Gumanti naman ako ng ngiti sa kaniya, ngunit kita sa mga ngiting iyon ang lungkot. "Ba-bakit ngayon mo lang naisipang bumalik?" Bakit ngayon lang?" lumakas bigla ang boses niya, basag ito at hudyat para tumulo ang mga luha niya. "Sorry. Sorry, hindi na ako aalis ulit, pangako." **************

Pagkatapos kong mangako sa kaniya ay ang pagkalimot niyang huminga. Iniwan niya ako, may malubha siyang sakit dahilan para agawin siya ng langit sa akin.

Patuloy ko siyang pinagmamasdan habang nasa loob siya ng parihabang kahon na may salamin. Bubuhayin ko siya. Sisiguraduhin kong muli tayong magkakasama, mahal.

Wala mang kasiguraduhan, sinimulan ko na ang pagsipat sa katawan niya. Ikinabit ko na ang mga aparato.

Na-embalsamo na siya, naglagay ako ng isang device sa loob ng kaniyang katawan. Isang artipisyal naman na utak at isang micro chip na nakalagay lahat ng mga alaala ng totoong mahal ko. Ginawa ko na lahat ng dapat gawin, atsaka siya inilagay sa isang tube para ma-preserba.

At ilang buwan lang matapos ito, nakasama ko ulit ang pinakamamahal ko.

************ "Gumising ka na dyan! Uy, gising na. 'Pag hindi ka gumising sasapakin kita! Sisigawan kita hanggang sa mabingi ka! Bumangon ka na dyan," gising na mahal ko, gumising ka na parang awa mo na.

Taon-taon na lang, paulit-ulit kong kailangan siyang gawin. Hindi ko maibalik ang dating siya. Wala na talaga ang pinakamamahal kong si Grace.

Round 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon