"Mahal na mahal kita" Sambit ko sa tenga niya at saka ko mas hinigpitan ang pagkakayakap sa likuran niya.
"Para saan naman yun?"
"Wala naman, Gusto ko lang iparamdam sayo kung gaano kita kamahal" Dagdag ko pero napasimangot naman ako ng lingunin ko siya dahil halatang nagpipigil na siya ng tawa niya dahil sa mga sinasabi ko. "Tanya naman eh, tinatawanan mo na naman ako"
"Eh kasi naman saan mo ba kasi napupulot yang mga sinasabi mo at kung magsalita ka naman diyan parang may kung anong mangyayari" Ngayon ay hindi na niya napigilan ang pagtawa niya kaya naman mas lalo akong napanguso dahil doon. Tumalikod nalang ako sa kanya saka naglakad papasok sa loob.
"Hoy drake! San ka pupunta?"
"Sa kwarto. Matutulog". Madrama kong sabi.
"Oo na Mahal din kita. Huwag kana ngang magdrama diyan".
Nakangiti naman akong napaharap sa kanya habang nakatayo parin siya doon. "Bakit nakangiti ka diyan?!"
"Mahal na mahal kasi kita" Seryoso kong sabi. Napansin ko naman na bigla siyang namula dahil doon. "Namumula ka"
"H-Hoy hindi no" Giit niya sakin saka tumalikod pero bago pa siya makaalis sa pwesto niya ay mabilis ko siyang hinawakan sa braso niya at hinarap sakin. Napangiti naman ako sa hitsura niya habang nakataklob ang pareho niyang kamay sa namumula niyang muka.
"Hoy Drake Morales bitawan mo nga ako"
"Hoy Tanya Mercado, Mahal kita kaya hindi kita bibitawan" Ani ko na ikinatahimik niya. Napansin ko pa ang mas pamumula ng muka niya kaya naman pigil tawa akong nakatingin sa kanya.
"Bakit ba ang hilig mong takpan ang muka mo?" Napayuko naman siya dahil sa naging tanong ko.
"Wala"
Marahan ko namang inangat ang muka niya habang nakahawak ako sa kaliwang pisngi niya.
"Alam mo bang muka mo ang lagi kong gustong makita simula sa paggising ko palang dahil kapag nakikita palang kita buo na ang araw ko. Ganun kita kamahal Tanya, Tandaan mo yan" Marahan naman siyang tumango bilang sagot.
Naging tahimik ang paligid namin pagkatapos noon. Walang nagsasalita saming dalawa na parang sapat na para samin ang titigan ang isat isa. Nakangiti lang ako sa kanya habang nakatitig ako sa mga mata niya at ganun din naman siya sakin ng bigla ko nalang napansin ang mapula niyang labi at dahil doon ay napako na ang tingin ko sa parte niyang yun.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko dahil nakita ko nalang ang sarili kong papalapit sa parte niyang iyon na para bang gusto ko yung maramdaman sa gamit ang labi ko.
'Meoow~'
Halos mapatalon naman ako ng biglang bumagsak sa harapan namin si Vitto mula sa kung saan at dahil din doon ay bigla akong natauhan sa dapat sanang gagawin ko. Shit! Ano bang pumasok sa isip ko at gagawin ko yun.
"A-ah vitto hehehe" Nauutal kong sabi saka ko kinuha yung pusa ko na nasa gitna naming dalawa. Napansin ko naman na ang muling pamumula niya kaya bigla nalang siyang napayuko.
"O-oo nga pala yung nilulto ko" Sabi niya saka mabilis na umalis habang ako naman ay napabuntong hininga ng malakas dahil sa nangyari at saka ako napatingin sa pusang hawak hawak ko ngayon.
"Kahit kailan talaga Vitto wrong timing ka" Sumbat ko sa kanya habang hawak ko siya sa dalawa niyang paa habang tinatayo ko siya sa hita ko.
"Meoow~"
"Teka nga pala, saan ka galing? Kahapon pa kita hinahanap ah?"
"Meow~" Okay ano bang iniisip ko at bakit ko tinatanong ang isang pusa? Para namang sasagot to.
