Pababa na ako galing sa kwarto ko ng biglang mag-vibrate ang phone ko. But I didn't bother taking a look. Baka kasi yung unregistered number na naman 'yon. Nag-aalala na rin ako na baka ipagkalat pa ng kung sino mang pontio pilato'ng may hawak ng wallet ko, ang number ko. Well if he will, my guitar's always with me. Sisiguraduhin kong sa hospital na siya susunod na magigising.
How brutal of me. But that's my plan.
I sighed before carelessly draping the small towel on my shoulder. Kakatapos ko lang kasi magpatuyo ng buhok. Napatingin naman agad ako sa orasan. Malapit na mag-ala sais pero wala pa ring Mingyu'ng nagdo-door bell at sumisigaw ng iba't ibang endearment. Sa pagkakaalam ko, susunduin niya ako ngayon. Wala naman akong natanggap na text na hindi niya ako masusundo- ah, teka.
—
[MINGYU💓]
Jihoonie ko!
'Di kita masusundo ngayon, sorry.
Pinatawag kaming lahat ni coach eh. Maaga daw. Tsk. Sorry, Jihoon. Abangan na lang kita sa school. Mag-iingat ka ha? I love you.
—
Kaya pala. Ang aga naman nilang ipatawag ng coach nila. Hindi pa naman malapit ang intrams. At wala namang nakalagay sa calendar na may laban sila this June, so bakit sila pinatawag?
Miyembro ako ng Communicators & Journalists club kaya alam ko. Naka-assign din ako sa pinakahuling bahagi ng newspaper, ang sports. Kaya nakapagtataka. Pero hindi ko naman pwedeng paghinalaan 'yung lalaking 'yon. I need to trust him in order for this relationship to work. Hindi naman pwedeng basta na lang siyang pag-isipan ng kung ano ano ng walang ebidensya diba? Baka mauwi lang sa wala 'yung tatlong taon.
Bakit ba ako nag-iisip ng ganto? I just have to trust the dimwit. I just have to trust my star. Yeah I hope you hear this, man in my dream.
"Mukhang magra-ramen na lang ako ngayong umaga." Kasalanan mo 'to, Kim Mingyu.
Argh. Lee Jihoon, tigil. You almost sound like a sulking boyfriend. Porket hindi ka lang sinundo ngayon, magkakaganyan ka na? Nagmumukha ka lang tanga.
Imbis na awayin ko ang sarili ko, tumungo na lang ako sa kusina para magluto ng kahit anong pwedeng makain. But heck I just remembered I'm not capable of cooking edible foods. Masyado na akong naging dependent kay Mingyu, nakakaasar.
"'Di bale na lang. Dadaan na lang ako sa bakery para bumili ng maiinom saka makakain." Nakakatawa kasi wala naman akong kinakausap, pero nagsasalita ako. Tsk. Just when did you learn to utter your thoughts out loud, Lee Jihoon? Para kang si Mingyu.
Tangina. Isang araw pa lang, Jihoon. Para kang clingy na babae.
Inilihis ko na lang ang mata ko sa pagkakatitig sa kaldero, at nagtungo sa kwarto ko para kunin ang bag ko. Pati narin ang gitara ko. I ruffled my nest-like hair and tried to fix it, but unfortunately mas lalo lang itong gumulo. Ah, great.
Sa halip na ayusin pa ito, pinabayaan ko na lang. As if anybody would care if I had my hair fixed(?) like this. Maaayos din 'to ng hangin mamaya.
Pinabayaan ko na lang dalhin ako ng mga paa ko sa labas. I made sure to lock the door too pagkatapos ko magpaalam sa alaga kong aso. His name is Jamba. Si Mingyu ang nagbigay ng pangalan kaya ganyan. Ewan ko nga ba kung saan niya napulot 'yung pangalan na yon.
Napatingin ako sa gate, nagbabakasali na baka naroroon si Mingyu. Pero wala, pinaasa ko lang ang sarili ko. Walang ibang tao doon. Just some hanging air plants. Muli akong naglabas ng carbon dioxide sa pagbuntong hininga. Mukhang talagang mag-isa ako pupunta sa school ngayon. Very unusual. Pero yae na. Kaysa naman magmukmok ako. It's just the first time he didn't fetch me and walked with me papunta sa school. Nakakapanibago talaga ang first time.
BINABASA MO ANG
Probitas | jicheol & meanie•
Short Story"There are some truths you cannot see." || starring: svt's jicheol and meanie ship || started; 062716 • epistolary #1 photos used/ to be used are not mine. credits.