Dialing...
connected"Ikaw na naman."
"Talagang nagsimula ka na ha?"
"..."
"Kinailangan ba talaga tanungin ang buong klase?"
"Tsk."
"..."
"Wag kang tumawa. Kaasar."
"Nakakatawa ka naman kasi. Para kang reporter kung magtanong."
"Ikaw siguro 'yung tumawa ng malakas 'no?!"
"Si Seungkwan ba ang sinasabi mo?"
"Nakakaasar naman 'to! O baka ikaw 'yung tahimik?"
"Hindi ko alam, Wonwoo. Kaya nga pinapahula ko sa'yo eh."
"Tsk. Wala ka namang kaboses sa class room."
"Siret na ba?"
"Hindi!"
"Ganyan mo siya kamahal no?"
"Higit pa sa inaakala mo."
"Bakit ang tatanga ng mga tao ngayon. Hay."
"Hoy. 'Wag kang mapanghusga."
"Totoo naman. Sinasaktan na kayo, ayaw niyo pa umalis. Tapos magrereklamo kayo sa huli. Tapos iiyak kayo kapag natuto na kayo't na-realize niyo na hindi niyo na dapat sila minahal."
"Ang bitter mo. Hindi lahat ganyan ang katapusan. Ibahin mo kami ni Cheol."
"Walang forever."
"Meron. Sadyang mapait ka lang kaya hindi mo namamalayan."
"Magbre-break din naman kayo."
"Kung mang-gaganyan ka lang ibababa ko na 'to."
"Chill. Tutal, sabi mo ganyan mo siya kamahal, edi magbibigay ako ng isa pang clue. May laban ang basketball team bukas. Baka makita mo ako don."
"Bukas? Pero may pupuntahan kami ni—"
"Good luck, Wonwoo."
Call ended.
BINABASA MO ANG
Probitas | jicheol & meanie•
Conto"There are some truths you cannot see." || starring: svt's jicheol and meanie ship || started; 062716 • epistolary #1 photos used/ to be used are not mine. credits.