67

233 23 1
                                    

[MINGYU]
+37338*** (srsly for ril wat dis)
click to see older messages

[WONU]

Kim

Kailangan natin mag-usap.

Mingyu Kim, open the door.


Hindi mo sinasagot mga tawag ko


Tsk. Ya, Kim Mingyu!


Wag mo kong ma-Seen through text gigibnain ko tomg pinto niyo


Kailangan talaga nating mag-usap. Gusto kong sabihin lahat ng gusto kong sabihin sa'yo ng harapan.


Ayokong hanggang sa cellphone nanlang talaga tayo|


Ayokong hanggang cellphone |

Pagbilang ko ng sampu at hindi pa bukas tong punyetang pituan na 'to hinding hindi na talaga ako makikipagkita sayong hayup ka

Kinakapalan ko na mukha ko dito mingyu


I went all the way from Seoul to Busan just to talk to you tapos hindi mo lang papansinin ang text ko?

Ya


Kim Mingyu.



Fine.

-

"Bwisit."



"Oh, sinong iniintay mo jan, gwapong lalake?" Isang matandang babae ang lumapit sa kanya, kaya hindi na niya kinailangan lingonin ito. Medyo nagulat siya sa boses nito. And she looked familiar, para bang nakita na niya ito dati pa.



"Ah, nandito po ba si Mingyu?" Magalang niyang tanong, sabay sinubukang ngumiti.

Kung hindi kasi siya pinag-iintay ng sunog na taong yon edi sana..



Tsk. Nasan ba kasi 'yun?




Hindi nga niya alam kung saan niya napulot ang lakas ng loob na sumugod dito. Matapos kasi nung eksena nila, wala na silang pagtatapos non. Parang wala, nawala na lang bigla ng parang bula si Mingyu. Hindi niya alam kung saan ito nagpunta. Hindi rin niya alam kung bakit sa Busan pa niya dinala ang sarili. Parang may humihila kasi sa kanya na sinasabing narito nga ang taong hinahanap niya.




Hindi na niya alam kung sinong paniniwalaan.




Gusto na niyang maayos lahat. Gusto na niyang matapos ang nasimulan niyang gulo.


"S-Si Mingyu? Kaibigan ka ba niya?"


Kaibigan nga ba siya?



Aish.



Parang di naman maipinta yung reaksyon ng matanda. Para bang di makapaniwala na medyo may takot na nararamdaman? Para siyang nakakita ng mafia na naniningil ng utang.




"Ganon na rin po. Nasan po siya? Nasa loob po ba siya?" Sunod niyang tanong.




"Hindi mo ba alam?" Anong hindi ko alam? Na sunog siya ganon? Or nagbakasyon? Ano?




"Ang alin po?" Tinignan lang siya ng matanda at lumapit pa matapos nitong ibaba ang pinamalengke.




"Ano bang pangalan mo?" Ang daming tanong na pwedeng itanong, hinuli pa niya to. Hayst. Bilang isang magalang na bata, sumagot siya. "Wonwoo po. Jeon Wonwoo, kayo po ba ang Lola ni Mingyu?"


"Oo, ako nga. Sorry, Wonwoo ah. Pero kasi, wala si Mingyu."



"Ah ganon po ba? Saan po kaya siya nagpunta? May nasabi po ba? Makikipag-usap po sana ako."

Ang sunod niyang sinabi ang hindi ko inaasahan.



"Hindi. Wala na si Mingyu. Hindi na siya babalik. Labing tatlong taon na rin ang nagdaan ng sumakabilang buhay siya."



Teka, ano?!

-

gusto ko na tapusiiiin.
konting tiis na lang

loljk sinong niloloko ko
ang haba pa hahahaha

nyeta

ano ba.

magsisimula na naman ang meanie

humanda

maghanda

futa ayuku no.

Probitas | jicheol & meanie•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon