27

330 25 10
                                    

[XS WOOZI]


Papunta na ako sa school. Baka nandoon lang 'yung singsing ni Wonwoo.



[CHEOLSHIT]


Sinong kasama mo?

Maaga umalis si Woo, nag-text sa akin. Nasa school na ata siya.



[XS WOOZI]


Wala. Hindi ako sinundo ni Gyu.

Umuna na sa school 'yon. Mukhang abala pa rin sa paghanap nung singsing ni Wonwoo.



[CHEOLSHIT]


Nasa entrance na ako.

Dapat pala sinundo na kita.



[XS WOOZI]


Ayos lang. Dumaan ako ng bakery. Pero papunta na rin ako. Nasa loob ka na ng campus?

Malapit na ako sa entrance.



[CHEOLSHIT]


Ah, ganon. Binili mo sana ako ng milk bread. Mwahaha.

Intayin na kita. Tutal maaga pa.


[XS WOOZI]


'Wag na. Pumasok ka na sa loob.



[CHEOLSHIT]


Hihintayin na kita oy. Nakatayo na lang din naman ako dito. Saka boring sa loob ng klase.



[XS WOOZI]


Bahala ka.

-


"Woi, Baby z!" Agad nang kumunot ang noo ni Jihoon ng marinig niya ang sigaw ng lalaki. Tangina, nakakahiya talaga kasama 'tong gilagid na 'to.


"Anong baby z? Gusto mong pektusan kita?"

"Huehue. Baby z sa zagu diba? Size mo 'yon."

Pagkatapos non ay nag-black out ang screen at nalipat sa eksena kung saan i-ika ika na maglakad si Seungcheol. Habang si Jihoon ay tahimik lang na naglalakad sa harap nito habang hawak ang case ng gitara nito. Hulaan niyo kung anong nangyare. Bibigyan ko kayo ng santol.

"Napaka-wild mo 'no? Hayst. Si Wonwoo silent lang. Except opposites." reklamo ni Cheol habang nakanguso at maingat na hinahawakan ang bukol niya sa ulo. They were friends in the same squad, kaya sanay na si Cheol sa pagiging sadista ni Jihoon. But that doesn't mean he likes getting hit with a guitar.


"Exact. Akala ko magaling ka sa english." puna ni Jihoon sa grammar niya. Ako talaga may kasalanan pero pabayaan na lang nating magalit si Jihoon kay Seungcheol para jicheol.

"Oo na lang, uji. Nasaan na kaya 'yung dalawang 'yon no? Kanina pa siguro 'yun sila naghahahanap dito." Tumitingin-tingin naman si Cheol sa mga nadadaanan nilang classroom na wala pang katao-tao. Merong ibang classroom na may isa o dalawang estudyante. Mga mabibilang lang sa kamay ng walang kahirap-hirap.


"Nandiyan lang 'yun sa tabi-tabi. Hanapin muna natin." sabi naman ni Jihoon at iniangat na ang tingin niya, looking at the other rooms, pati na rin ang mga lilikuan. Medyo malawak ang eskwelahan kaya medyo matagal din silang naglakad-lakad ng hawak ang kanilang mga bag.

Ang excitement nila'y napaltan ng makita nila ang dalawa, sawakas. Ang problema lang



magkayakap sila.


Agad ding napatingin si Wonwoo sa gawi nila, at on cue nawala ang ngiti nito at itinulak si Mingyu. Nagulat naman si Mingyu sa kinilos ni Wonwoo. Pero nang lumingon ito'y nanlaki lang ang mga mata nito.


"Wait, Jihoon. Hindi tama 'yang iniisip mo." paninimula ni Mingyu. Yari ka boi.


"Anong hindi tama sa iniisip ko, Gyu? Magkayakap kayo kasi naibalik mo 'yung singsing niya, at masaya siya don kaya ganyan ang naabutan namin. Hindi ba tama 'yun?" Tuloy-tuloy na sabi ni Jihoon. Natahimik na lang si Mingyu at inalis ang pagkakatitig sa kausap. Dahil understanding at open-minded si Jihoon, hindi ibig sabihin non ay ganoon lang din ang mangyayare kay Seungcheol at Wonwoo.


Seungcheol was impatient. Foremost, he was possessive when it comes to Wonwoo. Kaya imposibleng mapigilan nito ang paghila sa galang-galangan ni Wonwoo, at tuluyan itong ilayo sa yinakap.


Skinships with other people was past his limit.


Narinig pa niya ang pagsigaw ni Mingyu sa pangalan ng hinihila niya pero hindi niya ito pinansin. His ears were closed. Wala siyang kayang pakinggan ngayon. Kahit ang lalaking nasasaktan sa pagkakahawak niya. Sinubukan naman niyang pakalmahin ang sarili niya, dahil alam niyang matatakot sa kanya si Wonwoo. Pero hindi niya kaya. Ngunit sinimulan niya ang lahat sa pagkakabitiw sa paghawak niya sa wrist ni Wonwoo.

Paano nga ba pakalmahin ang sarili kapag ganto?

Hindi siya sanay. Sinusubukan naman niyang tanggalin ang pagiging mainitin ang ulo. Pero 'yung nakita niya kanina



"Cheol, makinig ka muna. Hindi totoo 'yung—"



"Hindi totoo? Hindi ako bulag, Wonwoo. At mas lalong hindi ako tanga. Ano 'yon? Dahil lang naibalik niya 'yang putanginang singsing na 'yan, yayakapin mo na agad siya?"


"Cheol, alam mo kung gaano ka-importante 'tong singsing na 'to. Nayakap ko siya, oo. Kasi masaya ako. Sobrang saya ko ng maibalik 'to sa akin. Pero sana naman alam mo na hindi ko sinasadya 'yon." Ipinikit ni Seungcheol ang mga mata niya at hinilot ang sentido niya.

"Cheol..."



"'Wag mo muna akong hawakan, Wonwoo. Hindi ko alam kung paano ko pakakalmahin ang sarili ko't iisipin kung anong konek ng pagkakayakap mo sa kanya." Pero hindi nakinig si Wonwoo at muli lang hinawakan ang braso ni Seungcheol kaya siguro bigla na lang natabi ni Seungcheol ang kamay nito na nagresulta sa pagkaka-out balance nito kaya




bigla na lang ito nahulog sa hagdan.


Parang nag-slow mo lahat dahil ang huling katagang narinig na lang ni Wonwoo ay ang pagdadalo ni Seungcheol sa kanya. That warm hoarse voice telling him not to close his eyes and that he was going to bring him to the hospital.

-

bakit ang sama ko tanginers teka hindi ko kayang gawin 'to kay wonwoo pero nagawa ko oh my god. pls.

Probitas | jicheol & meanie•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon