11 [wonu special .3]

548 35 29
                                    

"So have you found your star?"

"Get out of my mind."

The same damn dream. The same question all over again. The same reaction I see. The same man. The same freaking setting.


Hindi pa ba nagsasawa 'tong lalaking 'to sa kakatanong kung nahanap ko na ang bitwin na sinasabi niya?

Pero mukhang nagsawa na naman siya dahil matagal na siyang hindi nagpapakita sa akin. Thus, I've been living a great week because of his mere absence. Parang ang gaan gaan lang ng agos ng araw. Not until we bumped into a cute couple.

Maliit kasi 'yung isa, and the other one's... tall. Kilala ko naman 'yung matangkad. He's Kim Mingyu, the almost perfect guy. 'Yun ay kung naging matapat siya.


"Wonu!" Lumingon naman ako para makita ang taong nagmamay-ari ng gwapong boses na 'yon. There, I saw the one and only Choi Seungcheol, running towards me. Mukhang pabara-bara lang niyang inayos ang buhok niya, ni hindi manlang maayos ang pagkakasabit ng bag niya sa balikat niya. Ganon ba siya ka-excited makita ako?


"Mabuti nakahabol ka pa." sabi ko sa kanya. Napatawa naman siya at ginulo lang ang buhok ko. Ang hilig talaga mandamay neto.


"Gaya-gaya ka ng linya, Wonu bee." Ayan na naman 'yang corny na endearment niya. Palibhasa gummy lordsxz 'to.

"Hoy, gummy bear. 'Wag kang ano." Tugon ko sa kanya. (Teka kingina guise kinikilig ako sa kanilang dalawa defuta ang korneh ng tawagan.)

"Asus." Bigla naman nito kinawit ang braso sa balikat ko. "Bango bango talaga ng Wonu bee ko." sabi naman nito habang inaamoy ang buhok ko. Naramdaman ko naman na nag-init ang pisngi ko. Pero nginitian ko siya. Paano ba magpigil ng kilig kapag kasama mo 'to?

"Chansing ka masyado, gum lord." Inikutan ko lang siya ng mata bago inayos ang buhok niya. "Minsan nga matuto ka mag-ayos ng buhok. Lagi ka na lang pa-messy hair." Dagdag ko pa. Ngumiti lang siya at nagliwanag ang buhay.


"Ikaw, lagi kang may dalang burger. Nagreklamo ba ako?" balik nito bago nagsimulang maglakad. Nakaakbay pa rin 'yung kanang braso niya sa akin. Habang ang braso ko'y nakayakap sa beywang niya. Sweet 'no? Mainggit kayo.


"Oh edi ikaw na. Da best ka." Natawa naman siya. Anong nakakatawa 'don? Abnoy talaga 'to. Shh, 'wag niyo ko isumbong.

"Makita kaya ulit natin sila Jihoon-ssi? Ang liit lang kasi niya tas ang tangkad nung ka-team mate ko. Bagay sila." Masayang sambit ni Cheol habang nakangiti. Nagkibit balikat lang ako.

Sana nga 'wag eh.



Sinulyapan ko ulit ang nakangiting Cheol ng tumigil ito sa paglalakad. Doon ko lang napagtanto na nakatingin siya sa isang tindahan. Kakabukas lang nito at may mga studyanteng napasok rito. Mukhang puro vintage naman ang nasa loob, pero nalabas sila may dala dalang papel at school supplies. Mukhang malaki-laki ang area.


"Alam mo ba 'yang tindahan na 'yan? Diyan unang nag-date ang magulang ko." Napalingi ako kay Cheol ng magsalita ito. Nakatutok pa rin ang atensyon niya sa tindahan. Pero maya-maya'y napatingin rin siya sa akin.


"Kaya nakakatuwa kasi hanggang ngayon buhay pa 'yang tindahan na 'yan. At sabi ni Mama, wala daw ni isang nagbago diyan." pagkukwento pa niya, habang ako'y tahimik lang na nakinig. Napatingin lang ulit ako sa kanya ng hawakan niya 'yung bracelet niya. It was a silver bracelet with a figure of the Sun. Bumagay sa kanya.

"Ewan ko nga lang kung diyan din nabili 'to. Simula bata kasi, suot suot ko na 'to." Pagpapatuloy nito bago lumiko ng daan. Mga ilang lakad na lang nasa school na kami. "Nasabi ko na sa'yo diba? Kaya nga paniniwala ko meant to be tayo eh. You have that ring and I have this." Iniangat nito ang galang-galangan nito para ipakita sa akin ang bracelet niya, bago kunin ang kamay ko na may singsing. Pagkatapos ay pinagsaklop niya ito at ngumiti sa akin.


Probitas | jicheol & meanie•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon