75 [special 11.]

372 24 14
                                    

"What are you planning to buy?"



Jihoon and Joshua were now together.




At the grocery store, of course. May pa-piyesta kase si Mayor Woozi. Este, yun lang kase ang naisip niyang paraan para makabawi at masurpresa ang mga kaibigan niyan na ang tagal siyang inintay, sinendan pa siya ng sandamakmak na voicemails at messages. Minsan napapaisip siya kung ganon ba siya ka-miss ng mga ugok at grabe ang pamimilit na umuwi siya't bumalik sa piling nila.



It was cringy af, though.




Hindi rin naman siya ganon kabait sa kanila. Kaya nga mas well-appreciated kahit itanggi niya ng milyon-milyong beses. He appreciates their effort, kaya ngayon gusto niya makabawi-bawi. They've been there for him for a long time; in his weakest and in his peak. At kahit noong... kahit noong nagkagulo sa kanilang apat, hindi siya pinabayaan ng mga kaibigan nila. At kahit noong umalis siya para pahilumin ang sugat sa puso niya, pinilit ng mga itong mangamusta man lang at magkwento sa nangayayare sa kanila.





Hah. Kahit noong umalis siua para pahilumin anh sugat sa puso niya..






But he seems to have failed in that, 'no? Dahil isang voicemail lang. Isang pagbigkas lang ng pangalan niya. Isang boses lang na ayaw at gusto niyang marinig. Bagsak na agad siya. Back to zero na naman siya. Lagapak na naman siya sa sahig.




He's hopeless.






"Jihoon!" Napabalikwas na lamang siya ng marinig niya ang malakas na pagtawag ni Joshua sa pangalan niya. Mabilis rin nitong winawagayway ang kamay sa harapan ng mukha niya. "You okay? Kumuha ako ng pang-beef and broccoli, saka barbecue." Itinaas pa nito ang basket na may laman na ngayon. "Baka kasi nahihirapan ka mamili, tutal humingi ka na rin naman ng tulong sa akin."




Gaano katagal siyang nakatunganga ron? Nakakahiya.




"Sorry, hyung." Jihoon apologized, bowing his head slightly. "Salamat rin kasi pumayag ka."




"Wala 'yon. Mabuti nga't ako una mong sinabihan." Ngumiti lamang siya sa sinabi ng nakakatanda. "Nga pala, ano pa bang balak mo ihanda?"




"Baka um-order na lang ako. Okay na siguro 'to. Oorderin ko na lang yung chicken dun sa resto na pinagbibilhan naten dati." sabi na lang niya. Pero ang totoo, nilulunod na siya ng mga bagay na bumabagabag sa kanya. Hindi na ren siya makapag-focus sa kung ano pang dapat gawin. Naaalala na naman kasi niya ang mga sinabi ni Mingyu sa kanya.




"Sigurado ka?"






"Oo."





"Sige." Buti na lang nakisakay ang hyung niya. Kung tatanungin pa siya nito sa kung anong laman ng isip niya, hindi rin naman niya magagawang sabihin dahil mas mabuting isarili na lamang niya yon.



"You missed a lot, Jihoon." Napatingin naman siya kay Jisoo. Napakunot naman ang noo niya, pero agad rin ito napalitan ng natural niyang ekspresyon.





"Gaano ba kalaki ang balitang 'yan at lahat kayo iyan ang bukang bibig?" Ngumiti lang si Jisoo sa kanya, which he found weird. Palangiti si Jisoo pero hindi niya ma-gets kung bakit ang inappropriate ng oras na napili nitong ngitian siya. Napakadaming problema ang dumaan at nadamay pa sila roon. Normally, the Jisoo-hyung he knows will tell him the news immediately in his calmest. Ironic, pero ganon kasi ang pagkakakilala niya kay Jisoo. Ganon rin naman ito magbalita at makipag-usap sa kanya.




Probitas | jicheol & meanie•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon