30 [special .5]

410 35 25
                                    

"Mr. Kim, saan ka pupunta?!"


Halos mapatayo na sa upuan si Sir Kihyun nang sigawan niya ang lalaking lumabas. Ilang beses rin niya itong sinabihang bumalik pero hindi nakinig ang nasasakdal— de joke, so hindi nakinig si Mingyu kasi ang nasa isip niya lang ngayon ay ang makita ang kalagayan ni Wonwoo.

If there was someone who knew Wonwoo best, it was Cheol? He begs to disagree. Hindi niya alam lahat. Kaya 'wag siyang maghambog na parang ibinaon niya sa ilalim ang lahat ng nagawa niya.

Ilang beses na nga ba nagmumura si Mingyu sa isip niya? Hindi na niya talaga mabibilang kasi sino ba namang galit na tao ang mag-aalala pa kung ilan na ang salang nagawa niya ngayon? Tunay nga'ng ang bibig ang pinakamakasalanan. Teka, ang isip pala. Pansamantala lang.


Ang hindi alam ni Mingyu ay sinusundan pala siya ni Jihoon. Kahit isang A+ student si Lee Jihoon, ay para lamang masiguradong hindi mapapahamak si Mingyu all the way, ay sinundan niya ito at iniwan ang isa sa mga paboritong klase niya. Ang
daming ay pero intindihin niyo na lang.

Woozi didn't bother asking Mingyu. Alam na naman niya kung saan ito pupunta. At hindi niya maitatanggi ang pagkirot ng puso niya. Hindi niya lang kasi maisip kung bakit ganon na lang ang pag-aalala ni Mingyu kay Wonwoo. Napapansin naman niya na nagiging magka-close ang dalawa, pero...


"Nabanggit ba ni Cheol kung saan 'yung ospital?" Tanong ni Mingyu gamit ang malamig na tono. Nag-kibit balikat na lang si Jihoon, as if nakikita siya ni Mingyu. Isa pang hindi niya alam, ay kung bakit hindi niya man lang maitanong ang mga katagang maaring sumira sa puso niya. Kailan pa ba siya naging mahina pagdating kay Mingyu? Matagal na panahon na ata. Kapag seryoso kasi si Gyu, na bihira mangyari, hindi nakakapagsalita si Jihoon. Ganto na pala siya kahina. Nakakaputangina daw, mga bisprind.


Pinanuod lamang ni Jihoon na magtingin tingin si Mingyu sa dinadaanan nila, sa mga lilikuan, at a-agihan. Wala pa ring mga tanong na dapat kanina pa niya tinatanong na lumalabas sa bibig niya. He felt stiff and lost the urge to speak. May mga oras na bubuka ang bulaklak— bibig kingina mo mia umayos ka. May oras nga na bubuka ang bibig niya pero walang lumalabas. Gets niyo? Wala talaga, as in nganga lang si Jihoon.


Hanggang sa miraculously, nakarating sila sa isang ospital. Ito ang pinakamalapit na ospital sa lugar nila. Kaya naisip ni Mingyu na baka dito dinala ni Seungcheol si Wonwoo. Mabuti nga't naisip niya at nagamit niya ang utak niya ngayon.

"Excuse me, miss. May dinala ba ditong Jeon Wonwoo ang pangalan? Ngayon-ngayon lang." Pagtatanong ni Mingyu sa naka-assign na nurse. Agad naman itong humarap sa computer at sineen si Mingyu.

Biro lang, walang mang-seseen kay Mingyu. Sinagot naman agad ni nurse 'yung tanong niya't sinabi kung anong number ng room nito. Nagpasalamat naman din si Mingyu at si Jihoon nama'y tinanguhan lamang ang nurse bago sinundan ang boyfriend niya na hanapin ang kwarto kung nasaan si Wonwoo.

Masaquette na.



Hindi rin naman nagtagal at nahanap na ito ni Mingyu. Tatlong beses itong kumatok at nagulat na lang si Jihoon sa sumunod na nangyare.



Inatake agad ng isang malakas na suntok sa panga ni Mingyu ang nagbukas mg pinto na si Seungcheol. Napaatras naman si Seungcheol sa impact nito. Agad din nagdugo ang labi nito dulot siguro sa malakas na sapak ni Mingyu. Pahinging tissue pupunasan ko lang kingina mingyu mag-ingat ka :-(((


Lumalim lamang ang paghinga ni Jihoon sa nakita. Kahit gusto niyang pigilan ang minamahal niya, hindi niya magawa. Medyo naguguluhan din siya sa nangyayare ngayon. Wala na naman ang pagkakita niya sa yakap scene nila Mingyu at Wonwoo. Ang bumabagabag na lang sa isip niya ay kung bakit grabe ang concern at panghihimasok ni Mingyu sa relasyon ni Cheol at Wonwoo. Wala naman siyang naaalala na naikwento ni Mingyu'ng na-involve ang pangalang Jeon Wonwoo. Sa katotohanan, wala ni isang kinuwento si Mingyu tungkol sa mga past nito. Masaya lang kasi ang agos ng relasyon nila, bukod sa tanggap nila ang mga pagkakamaling nagagawa nila't gumagawa sila ng paraan upang panatilihin ang malakas nilang ugnayan. 

Probitas | jicheol & meanie•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon