41 [f.b •special]

354 31 10
                                    

ORAS na pala para sunduin ako ni Seungcheol. Rinig na rinig ko ang tunog na nangagaling sa sasaktan nito sa labas.


"Wonwoo, anak!" Dali-dali na
akong bumaba mula sa kwarto ko habang may dala-dalang bag. Bag ko sa school. Sinalubong naman ako ni Mama na nakasuot pa ng apron at mukhang kakatapos lang magluto.



"Ma." bati ko bago hinalikan ang pisngi nito.



"Nandiyan na si Seungcheol. Sa school ka na lang ba ulit kakain?" malambing na tugon ni Mama habang nagpupunas ng pawis. Tumingin muna ako skay Mama at nag-volunteer nang tumapos ng pagpunas sa may noo nito. It's the least I could do. Mamaya may trabaho pa siya sa restaurant.



"Opo, Ma. Alam niyo naman pong ayokong pinag-iintay si Cheol." nakangiti kong sagot bago ko siya yinakap pabalik.



"Una na ko, Ma. See you later!" Kinuha ko na rin yung baon ko't humalik muna sa pisngi niya bago naglakad palabas. There, Seungcheol stood, leaning against his car. Agad ko naman itong nginitian at pinagbuksan ng gate.


"Cheol, good morning."



"Good morning din. At sorry kahapon. Uminit na naman ang ulo ko." Ngumiti lang ako sa kanya. What he did yesterday was too much, pero anong magagawa ko? Hindi ko naman pwedeng hayaang mawala siya sa akin. He's my everything. Sanay na naman ako sa push and pull niyang ugali. Sanay na ako sa kanya.


"Wala 'yon. Kasalanan ko naman. Kung hindi ako nagselos sa babaeng kasama mo na kaklase mo lang pala, edi sana hindi tayo nag-away." sabi ko sa kanya. Ginulo niya naman ulit ang buhok ko't ngumiti.



"Kumain ka ba? Si tita na naman nagluto 'no?" tanong niya. Ngumiwi naman ako at tumango bago ko tinignan ulit 'yung bahay namin bago pumasok sa sasakyan. Sinimulan naman ni Seungcheol ang pagda-drive.



"Ilang beses ko na ba sinabi sa'yo mag-aral ka na magluto?" natatawang pagtanong ni Cheol sa akin. Sinulyapan ko naman siya bago naglabas ng di kalalimang hinga. Doon na siya tuluyang natawa.


"Ang taong magaling magluto, worth it pakasalan." sabi pa neto. Napatungo na lang ako. Hindi ko naman hilig magluto. Kung paglulutuin ako, kawawa ang kusina pati ang taong kakain. Ayoko namang magbayad ng pang-ospital o pang-funeral. Hindi ako nagpapaka-oa. Hindi ko kayang magluto. Baka may mamatay lang dahil hindi edible ang linuluto ko.



"Saka diba sabi ko 'wag kang magsuot ng kahit ano sa kamay mo. Pangit kasi tignan." dagdag pa nito. Tinakpan ko na lang 'yung singsing ko. Hindi ko naman kayang hindi suotin 'to. Dahil bukod sa bigay 'to nila Mama, parang parte na rin 'to ng katawan ko. Kulang kapag hindi ko 'to suot.



"Wala na naman akong suot." mahina kong sabi bago ko nilipat ang atensyon ko sa may bintana.




"Anong tawag mo diyan?" puna niya.




"Hindi ko kayang hindi 'to suotin. Alam mo naman 'yon. Bigay nila Mama 'to." pagpapaliwanag ko. Narinig ko namang napa-buntong hininga siya.


"Fine. Pero 'wag mo akong sisihin kung sitahin ka jan." Pinasadan ko lang siya ng tingin bago ko kinagat ang labi ko. Tatanggalin ko ba?



"Sige na, tatanggalin ko na." sabi ko bago ko hinigit mula sa daliri ko 'yung singsing, at nilagay ito sa bag ko. Nakita ko naman ang ngiti sa labi niya kaya napangiti na lang rin ako.


As long as napapasaya ko siya, ayos na.


Hindi nagtagal, nakarating na rin kami sa parking ng school. Maingat na ipinark ni Cheol 'yung sasakyan niya sa malapit sa may puno. Pagkatapos non ay bumaba na kami.



Probitas | jicheol & meanie•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon