Gusto kong bigyan ng special mention si Andrea! :) Kasi kung hindi dahil sa kanya, wala itong story na to, saka kahit na makulit ako, tinutulungan pa din niya ko! haha. Ang bait niya diba? :) Hoy miss na kita! ;)
_____________________________________________________________________________
Chapter 19
Clarice POV
Natapos ang araw ko na ang laman ng isip ko ay kung anong nangyari kay Andrea.
Mula nung hindi na siya nagreply, hindi ko na siya kinulit pa. Baka mamaya mas lalo siyang mainis kapag nakigulo pa ako.
Gabi na, pero wala pa din akong balita sa kanya. Nagaalala ako, kung okay lang ba siya.
At nagulat ako ng bigla siyang mag message sa viber.
Message: 1
From: Andrea
-Ang saya ko!
Natuwa akong malaman na masaya siya, kahit na hindi ko alam kung anong dahilan ng kasiyahan niya.
-Wow! Talaga? So kamusta naman ang araw mo? :)
Nagsend siya ng picture sa viber.
-Nagpunta ako dyan! Grabe ang ganda, sobrang nakakarelax! Super fun nga araw na to! XD
Isang picture ng nature ang sinend niya, nakitang kita yung falls! Ang ganda nga! Sa picture ko lang nakita pero na-amaze na agad ako!
-Wow ang ganda naman dyan!
-Oo sobra!
-Napagod ka ba?
-Oo eh! Magpapahinga na ko! :p
-Sige goodnight! :)
Sa ikli ng conversation namin, masaya ako dahil ramdam ko namang naging masaya siya. Nakakatuwa lang yung way nag pagkukwento niya. Para kasi siyang bata eh! (Bata pa naman talaga siya!) Haha.
Kinabukasan...
Antok na antok pa ko pero kelangan ko ng bumangon, dahil madami akong gagawin.
Naka-ilang snoozed na ko sa alarm ko pero ako eto nakahiga pa din at tila hindi ko maibukas ang mga mata ko.
Dumadating talaga ako sa ganitong pagkakataon na halos hilain ko na ang sarili ko, para lang makalayo ako sa kama.
Habang nakapikit ako, kinapa ko ang cellphone ko, para tignan kung may nagtxt o tumawag. Laking gulat ko nung makita kong 8:30 na!
"Sh*t"
Yan ang nasabi ko pag kita ko ng oras, DAHIL LATE NA AKO!
Dali-dali akong bumangon, at naligo, at nagbihis.
Naisip kong ang pangit ng umaga ko dahil sa late kong pagbangon. Pero naisip kong wala din naman akong magagawa kung maiinis pa ako, dahil nangyari naman na yun. Kaya hinayaan ko na lang.
8:45 nandito na ko sa office namin, kung paano ko ginawa yun? Hindi ko alam, yan na siguro ang isa sa mga talent ko. Ang gumayak ng sobrang bilis. Napakalapit lang din naman ng office kaya walang problema.
Tinapos ko lahat ng dapat kong gawing within 2 hours. Mabilis lang naman kasi yun, at memorize ko na lahat ng gagawin ko. Dahil araw-araw ko na yung ginagawa.
Pagkatapos ng busy-busyhan kong drama, bigla kong namiss yung kaibigan kong nasa ibang bansa.
Isa siya sa mga taong nakakaalam kung ano talaga ako. Bibihira din kasi sa mga kaibigan ko ang nakakaalam na bisexual ako. Nandun pa din yung takot ko na bakit lumayo sila sa akin, o kaya naman hindi nila ako matanggap.
BINABASA MO ANG
Once upon a STRANGER (lesbian/ girlxgirl story)
RomanceIto ay storya tungkol sa dalawang taong nagkakilala ng dahil wattpad, si Clarice at si Andrea. It is a bisexual/lesbian story, and "somehow" its a true to life story. :)