Chapter 25
Andrea’s POV
Madaling araw na pero hindi pa din ako makatulog. As usual hindi pa din ako dinadalaw ng antok. Lagi namang ganito, kaya sanay na ako. -___-
Nagaaral ako ngayon, dahil ayokong bumagsak. Or I should say, gusto kong makakuha ng mataas na grade.
Biglang pumasok sa isip ko si Clarice. Naalala ko yung sinabi ko sa kanya. Ano bang naisip ko at naisipan kong makipagkita? Nakakacurious kasi yung itsura niya.
Bigla akong natakot, bigla akong kinabahan. Paano kung kidnapin niya ako? Paano kung may gawin siyang masama? O___O Bakit hindi ko naisip yun? -__-
Nagisip ako…
Pero wala akong maisip na paraan paraan para matigil yung meet up namin!
Ayoko kasi na ako yung umaatras. Saka once na nagbitiw ako ng salita, talagang tinutupad ko, dahil may isa akong salita.
Bahala na bukas, gagawa na lang ako ng paraan para umayaw siya. Itetext ko siya, baka sakaling siya ang magback out. Magiging pabor sa akin yun!
Pag nalaman to ng mga kaibigan ko panigurado, hindi papaya yung mga yun. Yung minsan nga nabasa ni Ram na katext ko si Clarice, ayun binatukan lang naman niya ako! Tsk. Kami kasing magkakaibigan, alam namin ang lahat ng password ng kanya kanyang phone namin. Kaya wala kaming maitatago sa isa’t-isa.
So ngayon kelangan kong itago sa kanila to, kung hindi, seryosong lagot ako sa kanila. -__-
“Andrea ano ba kasing pumasok sa isip mo? Ano tong pinasok mo?” Mahinang sabi ko habang marahan kong inapik ang noo ko, dahil baka magising ang ate ko kapag nilakasan ko yung boses ko. Buti na ay mahimbing ang tulog niya ngayon, kaya naman hindi siya nagigising sa kaingayan ko.
Kinaumagahan…
Syempre eto ako, napipikit pa sa antok. Ikaw ba naman ang mapuyat na naman, hindi ka aantukin? -____-
Clarice POV
Hanggang ngayon hindi ko pa din lubos maisip na magkikita kami.
Ewan ko, parang hindi ko pa ata kayang makita siya. Kinakabahan ako. Pero kahit naman ganun mas nangingibabaw yung kagustuhan kong makilala siya in person. Anong malay ko, maging kaibigan ko nga siya sa tunay na buhay. Naiisip ko pa lang na mangyayari yun, nakakalimutan ko na agad yung kaba ko.
Hapon na pero hindi pa din mawala yung kaba ko. Ang bilis pa din ng tibok ng puso ko. Ngapa-palpitate ko!
Natapos ang araw ko na wala akong na-receive ni isang text sa kanya. Pero ayos lang. Hindi naman sa palagi akong nagaantay ng text niya. Sadyang dumadalas lang ang pag tambay niya sa isipan ko.
BINABASA MO ANG
Once upon a STRANGER (lesbian/ girlxgirl story)
RomanceIto ay storya tungkol sa dalawang taong nagkakilala ng dahil wattpad, si Clarice at si Andrea. It is a bisexual/lesbian story, and "somehow" its a true to life story. :)