You like her... Chapter 55

4.4K 72 43
                                    

"Hindi sa lahat ng oras kailangan mong paniwalaan kung ano ang nakikita at nababasa mo. Minsan kailangan mo ring magtanong para makasigurado."

Nagpahinga lang ako ng isang araw ha? Medyo nadrain kasi yung utak ko. At uunahan ko na kayo. Bitin pa din to! Hahahaha. Lagi naman anong bago? Hahahaha.

Sa mga nabitin! Eto na po yung update! 

Kahit Sunday may trabaho ako, pero syempre nahihiya naman ako sa inyo. Mahiyain pa man din ako! Hahahaha. Thank you guys! Love you! :D

-Hazelnot

Chapter 55

Andrea’s POV

Gulat na gulat ako sa nakita. Ganito na ba talaga kaliit ang mundo? Sa dinami dami ng pwedeng magkakilala, bakit si Clarice at Jill pa? Akala ko dati sa wattpad lang maliit ang mundo, pati din pala sa tunay na buhay. Napapaisip tuloy ako kung anong sasabihin ko kay Jill kapag nag tanong siya.

Alam niyang nagwawatty ako, pero hindi ko nakwento sa kanya yung tungkol kay Clarice. Hindi din kasi pumasok sa isip ko na banggitin si Clarice sa kanya. Hay bahala na.

Baka magisip pa ng kung ano si Jill kaya naman ako na mismo ang magkukwento sa kanya. Bumwelo ako ng konti pagalis ni Clarice papuntang CR.

“Baby san kayo nagkakilala ni Clarice?” Hindi pa ako nakakapagsalita ay naunahan na ako ng pag tatanong ni Jill.

“Watty.” Maikling sagot ko sa kanya.

“Ah nagbabasa din ng story mo? Matagal na kayong magkakilala?”

“Yeap. Ilang months na din magkakilala. Siya yung unang taong mi-neet ko sa mundo ng watty. :)”

“Baby nakakatuwa ka, parang ang saya saya mo nagkkwento. Ngayon lang kita ulit nakitang ngumiti ng ganyan.” Nagulat ako sa comento ni Jill. Ni hindi ko namalayang napapangiti ako.

“Talaga baby? I didn’t realize that. :) Anyway, baby I have to go. Mahuhuli ako. Late na ako, for sure galit na naman mga org-mates ko at late na ako.”

“Sige sige. Sabihin ko na lang kay Clarice na nakaalis ka na. See you later!” Humalik ako sa pisngi niya saka umalis na.

Ayokong maging PDA. Pero simula nung naging kami ni Jill ay sinusubukan ko ng harapin ang ganitong bagay. Dahil sabi nga ni Jill, wala naman daw kaming dapat ikahiya. Kasi tao lang kami na nagmamahalan.

Ganun siguro talaga kapag inlove ka. Nagbabago yung mga bagay na dati mo ng nakasanayan. And it feels good na sa kanya ko yun naramdaman. Hindi ko akalain na magiging sweet, cheesy, and korny ako. Well tanggap naman niya ko, at yun lang ang mahalaga sa ngayon.

Sa gitna ng paglalakad ko, hindi ko maiwasang hindi maisip si Clarice. Namiss ko lang siguro yung kakulitan niya. Yung bawat post ko nilalike niya. Yung sa bawat update ko nagcocomment siya. Na kahit wala naman talaga siyang sasabihin, magtetext o tatawag siya.

She never said she like me or something, at nung tinanong ko siya, sabi niya, hindi naman daw. Hay bahala na nga. Ayoko ng magisip. Baka mamaya ay sumakit pa ang ulo ko. Basta ang mahalaga naman sa kin ngayon ay si Jill. Siya lang ang dapat kong isipin.

Clarice POV

Pagpasok ko pa lang ng cr ay agad ng tumulo ang mga luha ko. Masakit eh. Ang hirap pa man din magpanggap na okay ka, kahit na hindi naman talaga, pero minsan kahit mahirap, wala kang choice kung hindi ang ipakitang dedma ka.

I compose myself right away. Ayokong makita nilang may kakaiba sa akin. At lalong ayokong mahalata ni Andrea na apektado ako.

For once ayokong makita ng iba yung sakit na nararamdaman ko. Ayoko kasing awa lang ang mararamdaman nila. Para kasing dumodoble yung sakit. At parang mas lalo akong nahihirapan, lalo lang akong nasasaktan.

Paglabas ko ng cr, nagulat ako nung makitang si Ian na lang ang nandun.

“Oh Clarice okay ka lang?”

“Oo naman, bakit?”

“Ah wala naman. Umalis na pala si Andrea, kasi may aasikasuhin pa siya sa school. Busy kasi yun eh. So paano kayo nagkakilala ng baby ko?” For a while, nagisip ako. Kung sinabi ba ni Andrea ang tungkol sa wattpad. Well ayoko namang gumawa ng kwento.

“Wattpad. Alam mo yun diba?”

“Ah yeah, alam ko din yung story na ginawa ni Andrea, kasi sa kin niya binase yung main character dun.” Eh di si Andrea na ang sweet! Psh. Feeling ko ang bitter ko right at this moment! Hay.

“Yeah, dahil dun, reader niya ako. Haha. At dahil sa kanya naisipan kong gumawa ng story.” Bahala na kung anong isipin niya.

“You like her.” Para akong nabingi sa tanong na binitawan ni Ian. No its not actually a question, coz infact it’s a statement.

“Huh? Sino?” For a moment bigla akong napaisip kung sino nga ba ang tinutukoy ni Ian. Nawala ako sa sarili ko!

“Wag na tayong maglokohan Clarice, madami ka na din pinagdaanan. Sa saglit na pagkakakilala ko sayo, nabasa na kita, masyado ka kasing transparent na tao. You like my baby.”

Loading…

Ano ulit yung sinabi niya?

Gusto ko yung baby niya?

Yung baby nyang si Andrea…

Ahhhhhhhhhhh…

“What? Ano ka ba Jill. Hindi nu. Friends lang kami ni Andrea.”

“Yeah I know. Friends kayo, pero more than friends ang feeling mo. Parang gusto kong magdisappear. Ganun ba ko kahalata? Hindi ko ba talaga kayang magtago ng totoo kong nararamdaman? -___-

“I like her, pero hanggang dun lang yun. Maybe I was just attracted to her, kasi ang galing niyang magsulat. Yun lang yun.” I think there’s no point of denying, kung halata din naman pala.

“Okay, did she even know about this?”

“No, Ian wag na nating palakihin pa to. Saka dati lang yun, wala na kong nararamdaman para sa kanya. Okay? And can you please not tell her?”

“Okay.” She smiled, pero parang may kakaiba sa ngiti niya. Ang awkward naman ng ganito.

“So friends pa din naman tayo diba?” Then I smiled at her sincerely. Gusto ko pa din siyang maging kaibigan. And I guess kaya kong kalimutan yung nararamdaman ko para sa friendship na yun.

“Oo naman, don’t worry hindi ko sasabihin sa kanya yun. Thank you for being honest Clarice.”

“Wala naman akong mapapala kung magsisinungaling ako. At alam ko namang maiintindihan mo ako, kasi magkaibigan tayo diba? :)” I just realize na ang swerte ni Andrea kay Jillian. Siguro isa to sa mga katangian niya ang nagustuhan sa kanya ni Andrea. She’s very understanding. At nararamdaman kong hindi niya ako pinaplastic lang.

“Salamat Clarice.” Then she hugged me. Haaaaay. Buti pa sa kanya nakaya kong sabihin yung totoong nararamdaman ko, per okay Andrea, ayun ileletgo ko na’t lahat yung feelings ko, hindi ko pa din nasabi yung nararamdaman ko.

Maybe in love we sometimes tend to be afraid of showing it, knowing it would never equal.

Once upon a STRANGER (lesbian/ girlxgirl story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon