Part 2... Expect the Unexpected... Chapter 41

6.8K 89 37
                                    

Sorry sa mga taong nabitin. Ngayon pwede niyo ng basahin yung part 1. Haha.

Thank you sa mga naghintay! :)

Sana naman this time hindi na kayo mabitin. :)

-Hazelnot

"You can never choose what you get in life, but you can choose how it affects you." -emptysweethanger

Chapter 40

 

Andrea’s POV

 

Hanggang ngayon hindi pa din siya tumitigil sa pagtitig sa kin!

“May dumi ba ko sa mukha?” Medyo mataray kong tanong sa kanya. Kasi naman kumakaena ko tapos siya pinapanuod ako, paano ako makakakain ng maayos neto? Gutom na gutom pa man din ako! Tsk.

“Wala, sorry kasi natutuwa lang talaga ako, hindi ko lang to ineexpect.” Napangiti ako somehow sa sinabi niya, ang weird niya talagang tao!

Dahil natuwa ako sa kanya, tinitigan ko siya sa mata. That eye to eye contact lasted for 3 secs. Hanggang dun lang ang kaya ko! Ang hirap talaga! Sobrang nakakailang! Ayoko ng i-eloborate pa yung titigan na yun.

“Hindi ko talaga kaya makipagtitigan! Tsk.” At mas lalong lumapad yung ngiti niya sa sinabi ko! Anong nakakatawa dun.

“Ang ganda ng mata mo. At nakakatakot kang tumingin! Hahaha.” See, ang weird talaga niya. At ang gulo niya pa!

“Hindi ko alam if compliment ba yan o ano.”

 

“Compliment yan! :)” Nakakaloko yung ngiti niya! -__- Parang nangaasar lang kasi.

“Alam mo bang ikaw lang ang taong nagsabing nakakatakot yung mga mata ko. Marami kasing pumupuri sa mata ko, tapos ikaw sasabihin mo lang nakakatakot? Weird mo talaga!”

 

“Baka naman kasi ako lang ang tinitignan mo ng ganyan. Tinatakot mo ba ako?” Nakakatuwa kasi parang natatakot talaga siya! Haha. Ang saya naman neto, kasi first time na may mga natakot sa mata ko!

“Hindi, bakit natatakot ka na ba?” Sinubukan ko ulit siyang titigan sa mata, literal na eye to eye.

“Oo na nakakatakot ka!”

 

“Hahahahaha.” This time hindi napigilang tumawa ng malakas, kasi natakot siya talaga! I can see it in her eyes. Ano ba to ang mean ko naman sa kanya. First meeting pa lang eh, at mukang last meeting na din.

 

“Tara, lipat tayo ng mall, para naman mabawasan yang pagtitig mo sa kin.” I said, then I smiled. Kahit naman muka akong mataray, mabait din naman ako. Hindi lang talaga ako showy, sweet, o kung ano man. Ang korni kasi ng ganun! Hindi bagay sa kin, kasi hindi naman talaga ako ganun.

Once upon a STRANGER (lesbian/ girlxgirl story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon