What's her reaction... Chapter 59

4.5K 82 16
                                    

Ang tagal kong nawala at hindi nakapagupdate kasi gusto kong maging maayos yung kakalalabasan ng Chapter na to, kasi I guess this would be the second to the last update that I will be doing.

At mas tumagal pa yung update dahil, naiwan ko yung charger ng laptop ko somewhere, so I have to borrow another one. :)

Alam kong mabibitin na naman kayo, pero konting tiis na lang, kasi the next Chapter would definitely the last one, so with that hindi na kayo mabibitin pa. :)

Thank you kasi kahit na hindi naman talaga ako marunong gumawa ng story, nainspire ako sa mga taong kahit na laging bitin ang update still, binabasa niyo pa din. Thank you talaga.

Hanggang dito na lang muna, saka na ako magdadrama, madrama na kasi tong update na to eh! Hahaha.

Love you guys... :)

-Hazelnot

Chapter 59

Andrea's POV


"Ano na nangyari sayo dyan? Kanina ka pa hindi nagsasalita." Sabi sa kin ni Jillian. Sa totoo lang hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman pagkatapos kong basahin yung letter ni Clarice.

"Ah wala naman, may iniisip lang ako." Iniisip ko kung bakit naging ganun ang naging feelings ni Andrea para sa akin. Kasi ilang beses niyang sinabi na ang sungit ko, ang mean ko, tapos ganun? hmmmmm.

"Iniisip mo si Clarice? Ano bang laman ng letter? Pabasa naman! Hahaha." Ang lakas talaga mang-asar netong babae na to kahit kelan!

"Wala na, tinapon ko na! Hahaha." Pero syempre hindi yun totoo, ayaw ko lang talagang mabasa ni Jillian yung letter. Hindi na niya siguro dapat pang malaman pa yun, I guess.

Umalis na si Jillian, dahil may lakad pa daw siya. Kaya naman naiwan akong magisa dito sa condo.

Naisip kong itex si Clarice.

To: Clarice

-Kamusta?

Ilang minuto na ang nakakaraan pero hindi pa din siya nagrereply.

I felt guilty.

Kaya naman eto ako ngayon napadpad ako sa watty, at chineck ko yung story na ginagawa niya about sa kin. Napaisip ako kung kung ano na bang nangyayari dun.

Searching...

Once upon a Stranger...

Ang cool! Akalain mong ang dami na din pa lang reads nung story niya. Nakakatuwa naman.

Once upon a STRANGER (lesbian/ girlxgirl story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon