Shayne's POV... Chapter 31

6.5K 70 19
                                    

Ako na ang masipag magupdate. Hahaha.

Maikli lang tong chapter na to, pero eto siguro yung isa sa tagos sa puso ko na chapter. Haha.

Enjoy reading guys! 

-Hazelnot

Chapter 31

 

Shayne’s POV

 

Nakakainis talaga yung si Clarice! Siya na nga tong sinusuyo, siya pa tong nagtataray! Well sabagay hindi ko naman siya masisisi, dahil alam kong galit siya sa akin, dahil bigla akong nawala.

Sa totoo lang gulong gulo ako nung mga panahon yun. Ilang buwan na din kaming nagkakalabuan nun.

Dumalas yung pagaaway namin, dumalang yung pagkikita namin at hindi ko na maramdaman yung sweetness namin tulad nung una. Nakakapagtaka sa pakiramdam dahil ngayon ko lang kasi to naramdaman.

Aminado ako sa sarili ko na nagkulang din naman ako sa kanya. Pero sinubukan ko naman isalba yung relationship namin. Dahil sa totoo lang, I care for her so much. Siya kasi yung taong nagturo sa kin kung paano ako magising masaya. Siya rin yung taong nagparamdam sa kin kung gaano ako kahalaga.

Kaya hindi ko maintindihan ang sarili ko bakit bigla ko na lang tong naramdaman. Ang hirap at ang bigat sa pakiramdam, pero sa tingin ko, hindi ako nagkamali na iwan siya nung panahong nagkaproblema ako sa pamilya ko.

FLASHBACK

 

Mommy: “Intindihin mo naman yung anak mo.” (Aksidente kong narinig ang paguusap ng nanay at tatay ko, at laking gulat ko na ako ang pinaguusapan nila, at si mommy, umiiyak na.)

Daddy: “Anong gusto mo? Tanggapin ko na ang ka-relasyon ng anak natin ay babae din na tulad niya?” (Mas nagulat ako nung narinig kong nagsalita si daddy! Paano niya nalaman yun?)

Mommy: “Baka confused lang  yung anak natin, pagsasabihan ko na lang siya pero hindi mo siya kelangang ilayo sa kin.” (Nagsimula ng tumulo ang luha ko nung marinig ko yung mga salitang yun galing sa mommy ko. Para kong nahiya sa kanila. Napaisip ako kung tama ba tong ginagawa ko.

Daddy: “Kung gusto mo dalawa muna kayong lumayo ng anak mo, tutal ayaw mo din namang mahiwalay sa kanya. Kaya lumaking ganyan yan dahil lagi mong kinukunsinti.”

 

Mommy: “Yan naman talaga ang gusto mong mangyari para maging malaya kayo ng babae mo.”

Daddy: “Wag mo akong pagsasalitaan ng ganyan!”

And with that sinampal ni daddy si mommy. Kaya naman hindi ko na napigilan ang sarili kong sumali sa usapan nila.

“Dad tama na!” Gulat na gulat yung reaction nila parehas nung nakita nila ako. Hindi siguro nila ineexpect na maririnig ko yung usapan nila!

“Lumabas ka muna dahil hindi ka kasali sa usapan namin!” Pahiyaw ni daddy sa akin.

“Iwan mo muna kami anak, dun ka muna sa lola mo, ipahahatid na lang kita sa driver.” Umiiyak pa din si mommy, pero this time mahinahon yung boses niya. Dahan dahan siyang lumapit sa kin.

Dinala niya ako sa kwarto para ayusin ang mga gamit ko. Pero ni isa sa amin walang nagsasalita.

“Anak pasensya ka na kelangan mo munang umalis. Pangako na kapag naayos ko na ang gulo sa amin ng daddy mo, ako mismo ang susundo sayo.” Sinusubukan ni mommy na pigilan ang iyak niya. Pero sadyang tuloy tuloy pa din ang agos ng mga luha niya.

Hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapaiyak na lang. Pakiramdam ko, ako ang dahilan kung bakit nagkakagulo ang pamilya namin. Lumapit ako sa kanya saka ko siya niyakap.

“Mommy, I’m really sorry!” Kung kanina ay lumuluha lang ako, ngayon ay humahagulgol na ako sa sobrang bigat ng pakiramdam ko.

“Ssssshhhhh, tahan na anak, naiintindihan kita.” Mas lalo akong napaiyak sa sinabi ni mommy. Naramdaman kong kahit na ano ako, tanggap niya ako.

“H-hindi ko n-naman po ito g-ginusto ma, p-pinigalan ko naman po y-yung ganitong pakiramdam. S-sorry t-talaga ma. S-sorry!”Halos hindi na ako makapagsalita ng maayos sa kakaiyak ko.

“Alam ko naman yun anak. Pero hindi mo kelangan humingi ng sorry. Nanay mo ako, kaya naiintindihan ko yung nararamdaman mo.”

 

Right at that moment I feel so blessed to have a mother like her. Kasi alam ko namang hindi lahat ng magulang, ay tanggap ang ganitong bagay.

But at the same time, hiyang hiya ako sa kanya. Dahil sa akin, nagkakalabuan sila ni daddy! Hindi ko na alam ang gagawin ko, pero isa lang ang sigurado ko. Kelangan ko ng tapusin yung sa amin ni Clar. Ayoko ng madamay pa siya dito. Tutal naman una pa lang alam naming parehas na sa ganitong relasyon, malabo ang salitang “Forever”.

 

“H-hiyang hiya ako sayo ma. Nahiya a-akong malaman mong ganito ako. Mahal na mahal kita ma.” Hindi pa din ako bumibitiw sa pagkayap ko kay mommy. Sa tinagal tagal ng panahon, ngayon lang ako naglakas loob na yakapin siya ng ganito katagal.

“Mahal na mahal din kita anak. Wag na wag mo yang kakalimutan.” Bibihira kong marinig ang mga linyang yun mula sa nanay ko. Pero sa bibihirang panahon na yun, ramdam na ramdam ko kung gaano niya kamahal at kung gaano niya ako iniingatan.

“Sige na anak, dalian mo na dyan at baka gabihin pa kayo ni manong sa daan.”

 

Humiwalay ako sa pagkayap ko kay mommy. At nagsimula na akong ayusin yung mga gamit ko.

Sa totoo lang hindi ko alam kung gaano ako katagal mawawala. Kaya naman dinala ko na lahat ng kaya kong dalin.

END OF FLASHBACK.

Once upon a STRANGER (lesbian/ girlxgirl story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon