Ian's POV... Chapter 52

4.6K 65 12
                                    

"May dahilan kung bakit nangyayari, at hindi nangyayari ang mga bagay-bagay."

Guys sorry matagal update. Hahaha. Nahihilo na kasi ako sa mga pangyayari eh. :D

Thank you pala sa mga taong nagcocomment at nagvovote pa din, dahil sa inyo sinisipag pa din akong mag-update. Thank you so much! :D

-Hazelnot

Chapter 52

 

Ian’s POV

 

Ako si Jillian. Ian for short. 21years old. At oo mahal ko si Shayne.

Kakaibang babae kasi siya. Kasi kakaiba siya magmahal. Oo minahal ko siya kahit na alam kong si Clarice ang mahal niya. Pinigilan ko naman una pa lang. Kaso wala eh ang lakas talaga ng dating niya. Kaya kahit na pinigilan ko, kahit na kinalimutan ko, at kahit ayaw ko, minahal ko siya.

 

Alam ko katangahan yung ginawa ko. -___- Pero kasi kung kayo ang nasa kalagayan ko, for sure mamahalin niyo din ang isang tulad niya.

“So paano nga kayo nagkakilala?” Tanong ni Clarice sa kin.

“Nakilala ko siya, dahil sa pinsan ko. Kapitbahay ng pinsan ko yung lola ni Shayne. Araw-araw akong nakatambay sa pinsan ko nun, at araw araw ko ding natatanaw si Shayne na umiiyak.” Kainis naiiyak ako. Kasi naalala ko na naman yung sakit na naramdaman ni Shayne.

FLASHBACK

 

“Miss okay ka lang?” Tanong ko sa babaeng nasa harapan ko.

“Tingin mo okay lang ako?” Sagot neto sa kin. Ang sungit niya! -____-

Na-speechless na lang ako sa sagot niya sa kin. Pero dahil mabait naman ako, inabutan ko siya ng panyo.

“Tahan na, wag ka ng umiyak.” Sabi ko sa kanya.

Agad naman niya inabot yung panyo ko. At agad niyang siningahan. Hahaha. Natawa na lang ako sa kanya eh!

“Sorry ha? Dinumihan ko panyo mo. Ikaw naman tong nag-offer eh.”  :’) Marunong din pala siyang ngumiti kahit na may luha pa yung mga mata niya.

“Okay lang.” :)

 

Dun nagsimula yung closeness naming, hanggang sa nalaman ko lahat ng problema niya sa buhay.

Kaka-break niya lang sa girlfriend niya. Hindi niya kasi kinaya yung pressure, dahil nalaman ng magulang niya na sila. At dahil gulong-gulo siya, nakipagbreak siya, kahit na mahal na mahal niya si Clarice.

Ramdam ko yung sakit na nararamdaman niya. At unti-unti minahal ko siya. Alam kong walang patutunguhan pero tinuloy ko pa din. Dahil hindi ko na din mapigilan.

Once upon a STRANGER (lesbian/ girlxgirl story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon