We miss you! Chapter 8

9.3K 95 0
                                    

Chapter 8

 

Author’s POV

 

Gusto ko lang makasingit dito sa story ni Andrea at Clarice. Dahil gusto kong malaman niyo, hindi ako ang nagpaiyak kay Andrea. Malabo din namang si Clarice, dahil hindi nga sila magkakilala. Pero nakakatuwa umiyak si Andrea, para siyang 3years old. Hahaha. Kawawa naman siya. Peace tayo Andrea! :)

Clarice POV

 

Nakahiga na ako sa kama ko. Pakiramdam ko pagod na pagod ako kahit na sa totoo lang, wala naman ako masyadong ginawa dahil, halos wattpad lang ang inasikaso ko sa maghapon.

Pinikit ko yung mga mata ko. Sa paraang ito, pakiramdam ko narerelax yung katawan ko.

Makukuha ko na yung tulog ko ng biglang tumunog yung fone ko, may tumatawag…

Insan Calling…

 

“Hello.”

 

“Oo na, tinatamad na ko pumunta.” Kilalang kilala talaga ko ng pinsan kong yun, alam niya kung kelan ako may lakad, at kung kelan ako talagang tinatamad.

 

“Carry mo naman kahit wala ako dun.”

 

“Haaaaaaaaa? Ok wait lang. tsk!” Kahit ayaw ko pa, napilitan akong bumangon dahil nandyan na daw siya sa baba ng bahay namin. -___- Makulit talaga yun kahit kelan.

“Anong ginagawa mo dito?” Yan ang bungad ko sa pinsan ko.

“Sinusundo ka, kaya tara na!” Whaaaaaat? Sh*t mukang seryoso siya, anong meron dito?

“Tinatamad talaga ko, pwede bang next time na lang?”

 

“Last na to, wala ng next time.” Oa talaga to kahit kelan. Kahit ano sasabihin para lang mapapayag akong sumama sa kanya.

Ending, wala akong nagawa kung hindi, umakyat sa bahay at gumayak. -____- Panalo na naman tong pinsan ko sa kin.

“Huy, bilisan mo naman dyan, kanina pa sila naghihintay don.” Grabe naman makautos to, siya kaya tong parating matagal gumayak.

“Oo na, teka lang, hindi ko alam isusuot ko.” Eto na lang lagi ang nagiging problema ko araw-araw. Sa dami ng dami ko, parating hindi ko alam yung isusuot ko. Palibhasa tumataba na naman ako, kaya eto hirap na hirap ako mamili ng susuotin.

“Nagpapaganda pa kasi eh.” Hindi lang makapili ng isusuot nagpapaganda na agad? Hindi ba pwedeng tumataba muna? “Maganda ka pa din sa paningin nun, hanggang ngayon, kaya hindi mo na kelangan pa-bonggahin pa yang suot mo!” Lakas din talaga ng tama ng pinsan ko madalas. Kung ano ano na naman naiisip niya.

Once upon a STRANGER (lesbian/ girlxgirl story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon