Love is a choice... Chapter 42

5.9K 70 50
                                    

Isang maikling chapter. hahaha..

Pero sana ay magustuhan niyo pa rin! :)

"Wag kang matakot na humiling, dahil baka sa paghiling, may dumating."

-Hazelnot

:)

Chapter 42

Clarice POV

^_____^

“Okay ka lang ate?” Sabi ng kapatid ko sa kin.

“Huh?Oo naman, bakit mo natanong?” Minsan lang kami magusap ng kapatid kong lalaki tapos ganun pa itatanong.

“Kanina ka pa kasi nakangiti dyan, muka kang tanga. Hahaha.”

-_____- Sa pagkakaalala ko mas matanda ako sa kanya. Bakit parang hindi niya ata ako ginalang. Tinatanga-tanga na lang ako ngayon?

“Gago oo okay lang ako. Haha. Sige na umalis ka na, ingat ka.” Kanina pa kasi dapat siya nakaalis eh. 4 na nandito pa din siya! Kabagal niya talaga kumilos eh. Siya yung lalaki sa min magkakapatid pero siya yung pinakamaarte, kasi madami pang pinapahid sa mukha. Haha.

“Sige alis na ko. Bye.” At tuluyan na siyang lumabas ng pinto. Ako naman, eto lutang.

Nililipad yung utak ko papunta sa kanya. Ang saya saya ko! Hindi ko maisip na na yung taong dating nasa panaginip ko lang, yung taong pangarap kong makita, at makasama, ay nakita ko na kanina.

Hindi ko maipaliwanag yung sayang nararamdaman ko ngayon. Siguro marami sa inyo ang iniisip yung pakiramdam ko. Dahil madalas, ang taong nakilala mo sa wattpad, sa wattpad mo lang makakausap, at hindi mo makikita.

Kasi hiwalay naman talaga ang personal na buhay natin, at ang buhay sa wattpad.

Sabi nga ng kaibigan ko, “Wag kang aasa na sa wattpad mo makikita ang taong para sayo, dahil madalas, ang storya niyo fictional lang, hindi totoo, 99% isang storya lang, 1% lang ang chance na magiging totoo sila”.

Masakit mang aminin pero, naniniwala naman ako sa sinabi niya. Pero anong malay ko kung si Andrea na pala yung 1% na taong tinutukoy niya? Hay, eto na naman ako, nangangarap na naman ako ng gising.

Sa ngayon ayoko na lang magisip ng nakakalungkot na posibilidad. Bahala na yung bukas, ang mahalaga ay naging masaya ako ngayon. :)

Kung ano mang dahilan kung bakit siya sumipot? Sa totoo lang hindi ko naman talaga alam. Pero para sa kin mababaw na dahilan yung sinabi niyang, ayaw niyang umatras dahil na ka-oo na siya, at may isang salita siya.

Kasi diba hindi naman niya ittake yung risk na makipagkita sa kin kung wala lang talaga? Haha. Shet ayoko na ng ganito. Ayokong mag-assume. Dahil ayokong mas masaktan. :)

Nakaupo lang ako dito sa may terrace ng condo namin. Nagyoyosi ako. Hindi kasi ako nakapagyosi kanina. Haha. Nahiya akong magyosi sa harap niya! :) Ng bigla kong maisipang magtext sa kanya.

To: Andrea

-Hey! Thanks! :)

Hindi ko maalala kung nakapag-thank you ako sa kanya kanina eh. Tsk. Magrereply kaya siya? Haaaay. Baka mamaya hindi na niya ako kausapin! Eto na naman ako eh.

Pero…

NAGREPLY SIYA!!! *____* Ano ba to, nakita ko pa lang yung reply niya sa screen ng phone ko kinikilig na ako.

“Ano bang meron ka bata ka? Bakit ganito na lang ako kasaya dahil sayo?” Eto na naman ako, kinakausap ko na naman yung sarili ko!

From: Andrea

-Yeah yeah. Nakauwi ka na?

Ang cool talaga niya magreply eh. Chill na chill ang dating. Haha.

To: Andrea

-Yeah. Kanina pa, ikaw?

From: Andrea

-Eto naglalakad pa.

-___- akala ko ba kaya siya nagpaalam kasi kelangan na niyang umuwi dahil sa ate niya? Tapos ngayon naglalakad lakad pa pala siya. Hay. Nalungkot naman ako bigla, siguro nakakaboring lang talaga akong kasama kaya mas pinili niya pang mag-isa. >.<

To: Andrea

-Hahaha. Okay, ayaw mo lang siguro akong kasama. Ingat ka.

Kunwari ay walang pakialam ang reply ko, parang dedma lang ako. Kahit na ang totoo ay inis na inis ako. Tsk.

Sabagay, sa text, pwede kang magpanggap na masaya ka, malungkot ka, at pwede ka ding magpanggap na nagmamahal ka.

Nababaliw na ako sa mood na meron ako. Kanina lang ay ang saya saya ko.

Tapos ngayon, eto badtrip na naman ako. Hay! Kung sabagay, wala naman akong dapat sisihin kundi ang sarili ko. Dahil ginusto ko yung taong, malabong magustuhan din ako.

Once upon a STRANGER (lesbian/ girlxgirl story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon