Text Conversation...Chapter 43

5.8K 64 7
                                    

 

“One day you’re going to wake up, saying you should have tried.”

 

“True love needs hard work. So if you really love the person, you don’t easily give up."

Guys sorry if tumatagal ng tumagal yung update... Busy lang kasi! :) But I'll always try to update kung may time ako! 

Thank you!

 

-Hazelnot

Chapter 43

 

Clarice POV

 

From: Andrea

-Charot. Kanina pa ako nakauwi.

 

Tignan mo tong taong to. Hindi ko alam kung sadyang nangiinis lang o ano eh. Sutil din talaga tong batang to eh. Lakas mangasar.

Sa kalagitnaan ng pagtambay ko dito sa condo, bigla kong naisip yung 6 months rule niya, anong malay ko kung mabreak ko yun. Pero marami pa namang pwedeng mangyari. Ayoko din namang magsalita ng patapos.

To: Andrea

-Pwede ba tayo ulit magkita after 6 months? :)

 

-Basta wag mo akong ipapakidnap. Haha.

 

Hahaha. Natawa ako dun. Loko lang eh. Muka na pala akong kidnapper ngayon. -____- Pero parang gusto kong magnanakaw bigla. Gusto ko kasing subukang nakawin yung puso niya.

 

Kaso mahirap ata yun. Kasi parang malabong mangyari. Parang impossible manakaw ko yun. Para kasing kinando niya yung puso niya, at talagang nilalaan niya sa taong mahal niya.

Eto na naman yung pagiging nega ko eh. Pero bahala na nga. Ang gusto ko lang ngayon, mapasaya ko siya, kahit na hindi sa akin, at sa piling ng iba. Ako na ata ang martyr!

Pero kung sabagay, kapag nagmahal ka ng isang tao, uunahin mo yung ikakasaya niya, kesa yung ikakasaya mo.

 

Natapos yung palitan naming ng text dahil wala na din akong msabi, hindi ko muna siya kinulit at may mga aayusin din ako, saka baka gusto din naman niyang magpahinga. Ayoko namang makulitan yun sa kin.

Sa gitna ng pagaayos ko ng condo ng kapatid ko, (Oo nagaayos at naglilinis ako ng condo ng kapatid ko, nagmistula na naman akong katulong, oh well, sanay naman na ako, kasi nga panganay ako.) May nagtext ako, syempre hoping pa din na siya yun.

From: Andrea

-Sa sobrang powerful ng mata ko, nakakatakot na. haha, nice description ate :p

Once upon a STRANGER (lesbian/ girlxgirl story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon