Sino ka? Chapter 12

7.9K 86 11
                                    

Chapter 12

 

“I want to be your favorite HELLO, and your hardest GOODBYE.”

 

Andrea’s POV

 

Kakatapos lang ng klase ko, half day lang yung sked ko ngayon kaya eto ako nakahiga lang, habang chinecheck ko yung mga requirements naming, kasi nga malapit na yung finals namin. Pagkatapos nun, naisipan kong magupdate ng story ko. Ang tagal na din nung huli akong nagupdate. Wala na kasi akong maisip na pwedeng mangyari sa kanila, at parang tinatamad na din ako, kasi narealize ko ang haba na pala.

Habang nagtatype ako, bigla sumagi sa isip ko si Clarice.

Kinuha ko yung phone ko at tinawagan ko siya!

Clarice POV

 

Wala na naman akong magawa dito sa office namin. Eto ata ang trabaho na nakukuha ko lahat ng gusto ko, at the same time, chill lang ako. Haha.

0917******* Calling

 

Sino naman kaya to? May hindi na naman ba ako nasave na number?

Kahit hindi ko kilala yung tumatawag, sinagot ko pa din.

“Hello”

 

“Hello”

 

“Sino to”

 

“Hindi mo ko kilala?”

 

(Magtatanong ba ko kung oo?  -___-)

“Hindi eh, sino po ba to?”

 

“Hindi mo talaga kilala?”

 

“Hindi eh, sino ba to?”

 

“Ilan ba kaming pinagbigyan mo ng number mo?”

 

(OMG! Isa lang ang pinagbigyan ko ng number ko! Don’t tell me sya to?)

“Wait lang, Excel?”

 

“Yap ako nga to, tinatamad ako mag type ng message kaya tumawag ako.”

 

(Hindi ako nakapagsalita, for like 3 seconds? Bumilis yung tibok ng puso ko, lumakas yung pintig neto, na halos mabingi na ako. Kinakabahan ako, sa hindi maipaliwanag na dahilan.)

“Hello? Nandyan ka pa ba?”

 

Once upon a STRANGER (lesbian/ girlxgirl story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon