Maikli lang po itong chapter na to, dahil napansin ng nanay ko na nagtatype ako...
Mama: Ano yang tinatype mo?
(Sabay exit ng tab na naglalaman ng story ko.hahaha)
Me: Wala po.
Mama: Wala?mukang may sikreto ka, kasi nung tinignan ko, inexit mo agad.
Me: Wala yun ma.
Mama: Love letter ba yan? Kaya ayaw mo ipabasa?
(Wala po akong love life, kaya hindi po ito love letter, story po ito, girlxgirl)
Me: Hindi nu, korni ni mami. Haha
KINABAHAN AKO! Hahahaha... Too close! :)
@ilovetruffles hi edgar, naalala kita bigla sa heart breaking scene na ganito. hahaha...
Chapter 29
Clarice POV
Hindi ako nakatulog dahil sa mga sinabi ni Isha sa kin kagabi. Bakit parang mas madami pa siyang alam kesa sa kin.
Nakakainis isipin na siya, alam yung naging dahilan ni Shayne, kung bakit siya nakipaghiwalay sa akin, pero ako? WALA MAN LANG AKONG ALAM! Bakit hindi na lang ako ang kinausap niya? Bakit ibang tao pa niya kelangan sabihin? Ganun ba kahirap sabihin sa kin yun? Maybe I would have understand her kung kinausap niya ako, pero bigla na lang siyang nawala!
Inis na inis ako sa nararamdaman ko, dahil yung ilang buwan na pinilit kong kalimutan lahat ng sakit na naramdaman ko, parang bumabalik lahat ngayon.
FLASHBACK
“Gusto mo bang malaman ang dahilan bakit siya nakipaghiwalay sayo?” Halos mabingi ako nung bitawan ni Isha ang mga linyang yan. Alam niya kung bakit nakipaghiwalay si Shayne sa kin? Seryoso ba tong naririnig ko? Wow! Mukang ako lang pala ang hindi nakakaalam! Gusto kong magalit right at that moment pero cinontrol ko pa din ang sarili ko, dahil useless lang kung susundin ko ang bugso ng aking emosyon ngayon!
“Actually Isha, kung alam mo nga kung anong dahilan ni Shayne, sa totoo lang hindi na ako interesadong malaman pa. Okay na ako, nakamove-on na ko nung time na iniwan niya ko sa ere. I guess hindi na makakatulong pa yan.” Pero sa totoo lang gustong gusto kong malaman kung bakit ako hiniwalayan ni Shayne. Siguro yun na lang din naman ang kulang para tuluyan kong matanggap na wala hindi na talaga magiging kami pa.
“Alam kong wala ako sa posisyon para sabihin ang mga bagay na to sayo, dahil si Shayne ang dapat na nagsasabi sayo neto. Pero kasi nakikita kong wala siyang balak kausapin ka, dahil ang totoo siya ang may kasalanan bakit kayo naghiwalay.” Lalo akong naguguluhan sa mga binibitawang salita ni Isha! Bakit ba hindi na lang niya ako deretchuhin? Bakit kelangan pa niyang mag paligoy ligoy?
Hindi ko alam kung ano ang patutunguhan ng usapan naming dalawa. Dahil sa mga pinagsasasabi niya, napapainom ako.
Naninibago ako sa sarili ko, dahil sa totoo lang, mahina lang akong uminom, pero ngayon, parang hindi pa din ako tinatamaan kahit kaunti!
“Please lang wag ka ng magpaligoy-ligoy pa Isha. Ayoko ng mag-isip pa!” Napipikon na ko sa totoo lang, gusto ko ng umalis na lang bigla, pero hindi ako ganun ka –rude na tao para iwan na lang siya ng basta basta.
“Kahit nasasaktan ako ng dahil kay Shayne ngayon, naiintindihan ko yung nararamdaman mo, kaya nga gusto kong ipaalam sayo yung dahilan niya, pero…” Natigil yung sinasabi niya nung uminom siya nga tatlong shots na sunod sunod. Ganun ba talaga kadami ang kelangan niyang inumin para makakuha ng lakas ng loob? Tsk.
“Naglalasing ka ba ha? Paano tayo makakapagusap, kung after ilang shots lang tulog ka na dyan.” Ano ba to, mukang maguuwi pa ko ng lasing.
“O-okay pa ko, w-wag kang magalala, k-kaya ko naman yung s-sarili ko.”
“Kaya? Eh halos hindi ka na makapagsalita diyan. Anyway ituloy mo na yung sinasabi mo kanina, para matapos na tayo dito.” Medyo may pagka-rude the way ko siyang kinakusap, pinipilit kong pakalmahin yung sarili ko pero, hindi ko na mapigilan.
“Wait lang cr lang ako.” Tumayo siya at naglakad papuntang cr. Pinagmasdan ko lang siya, at halatang pagewang-gewang na siya! Tsk.
Nakailang shot na ko, 3 yosi pero hindi pa din bumabalik si Isha! Kahit gaano ako kainis sa kanya, kahit paano ay may concern pa din sa taong yun! Kaya naman pinuntahan ko siya sa c.r.
Pagbukas ko ng pinto nakita ko agad siya, nakaupo lang siya sa sahig, tulala at umiiyak na naman. Mukang wala na siya sa sarili! Hay nako, sabi ko na ba’t ganito ang mangyayari.
Nilapitan ko siya at pinilit na itayo.
“Okay lang ako, kaya ko yung sarili ko.”
“Nakikita mob a yung itsura mo ha? May okay bang umuupo sa sahig ng c.r.?” Tumaas na ng tuluyan ang boses ko, dahil nainis na talaga ako, wala na akong pakialam kung ano man yung sasabihin niya, ang mahalaga sa ngayon ay ang maiuwi siya.
Nung maitayo ko siya, inalalayan ko siya hanggang sa makarating kami sa parking area, kung saan ko pi-nark yung sasakyan ko. Hiniga ko siya sa loob ng sasakyan, at pagkatapos ay bumalik ako sa taas ng bar, para shumat pa ng isa, at para bayaran yung bill namin!
Mabilis akong bumaba papuntang sasakyan ko, at baka mamaya umalis na lang bigla yung si Isha! Tsk!
Pagsakay ko ng sasakyan aun tulog na tulog na siya! Safe and sound ang drama niya! Hay. Hinatid ko na lang siya sa kanila, buti na lang naihatid ko na siya before kaya alam ko kung san siya nakatira. At buti na lang, pag dating sa kanila, nagising na siya.
“Salamat sa paghatid.” Sabi niya nung makababa siya ng sasakyan.
“Magpahinga ka na.”
“ingat ka.”
With that umuwi na din ako.
END OF FLASHBACK.
BINABASA MO ANG
Once upon a STRANGER (lesbian/ girlxgirl story)
RomanceIto ay storya tungkol sa dalawang taong nagkakilala ng dahil wattpad, si Clarice at si Andrea. It is a bisexual/lesbian story, and "somehow" its a true to life story. :)