Market Day... Chapter 28

6.8K 74 15
                                    

 

“Mali ba na magkamali ang isang tulad ko?

Ako ay tao lang di naman katulad mo,

 Ano ba ang dapat kong gawin,

Dapat bang kamunghian ko,

Dapat bang tularan ang isang katulad ko na tao lang?

 Pasensiya na tao lang.”

Lss ko po yan kaya nilagay ko! Haha. :) Share ko lang naman ;)

Ngayon lang nag ka POV si Andrea kasi busy po yun! Haha :)

Thank You sa paghihintay ng update kong mabagal! Sorry po, kasi medyo busy lang. :)

-Hazelnot

 

Chapter 28

 

Andrea’s POV

 

Ang hirap talagang maging masipag! Kasi nawawalan na ako ng time sa sarili ko. Well on the other hand, okay lang din naman kasi actually nageenjoy naman ako sa ginagawa ko. Nalilibang ako, kesa naman wala akong ginagawa! :)

Maaga akong nagising, dahil maaga din akong nakatulog.

Sabado ngayon kaya naman gusto ko munang ipahinga yung utak ko sa pag-aaral kahit ilang oras lang.

Habang nakahiga ako sa kama, biglang umilaw yung bumbilya sa utak ko ng makaisip ako ng maganda gawin!

“Tama!”

 

Dali dali kong kinuha ang cellphone ko para tawagan si Jill! Magpapasama kasi ako sa kanyang mamalengke, dahil naisipan kong magluto. Tutal ilang araw na din naman akong kumakaen ng fastfood. Hindi na ko natutuwa! Nakakasawa na!

Calling Jill..

 

“Hello Jill! Bumangon ka na diyan dali! Samahan mo ko mamalengke! Hintayin kita dito! Bilisan mo ah?”

 

“Kainis ka naman inaantok pa ako eh!”

 

“Sige na please?”

 

“Oo na! Magbibihis lang ako!”

 

“Yey! Okay bye!”

 

Abot tenga ang ngiti ko hindi dahil si Jill ang nakausap ko, kung hindi dahil excited na kong magluto! Namiss ko to! :)

Ilang minuto lang ay dumating na si Jill dito sa bahay.

“Ano namang naisipan mo at gusto mo na namang mamalengke ha?” Yan ang bungad niya sa kin! Grabe wala man lang hi o hello man lang. Well sanay naman na ako sa kanya dahil ganyan talaga yung bestfriend ko. Parehas kaming may pagkademanding pero, we always end up, doing each others demand.

Once upon a STRANGER (lesbian/ girlxgirl story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon