Happy Birthday... Chapter 4

13.1K 139 14
                                    

Chapter 4

 

Andrea’s POV

 

Ang productive naman ng birthday ko, dapat ngayon pa lang nagcecelebrate na ko eh. Pero nandito pa din ako sa bahay, mag-isa! Ang tagal naman kasi dumating ng mga kaibigan ko, kahit kelan talaga ang babagal nilang gumayak. Eh wala naman kaming pupuntahan kundi dito lang sa bahay.

Sabi nila mga 6 pa daw sila pupunta, anong oras pa lang? 3:30pm! So matagal tagal pa kong maghihintay sa kanila. Simple lang naman ang plano ko ngayon sa birthday ko. Kakain lang kami, magmovie marathon, at iinom ng konti. (Kasi hindi naman talaga ako mahilig uminom, sila naman, medyo lang.) Pero dahil birthday ko naman, iinom na din ako.

Kaya eto pa rin ako sa harap ng laptop. Wattpad pa din as usual. Ayoko naman kasing humiga dahil makakatulog na naman ako. (Kahit na parang tinatawag na ko ng kama ko, at parang kumakaway na yung unan ko sa kin.) Dahil ayaw kong tulugan ang birthday ko.

Pag check ko ng message ni Ella. (Oo siya nga. Siya lang naman ang ka-message ko ngayon sa wattpad.) Natawa naman ako nung binati nya ko ng belated, tama naman yung sabi ko ah, 15 hours ago. So hanggang ngayon birthday ko pa. Haha.

To: Ella

Lol! Today is my birthday :) wow. so kelan ang birthday mong alam kong malapit na or tapos na.

 

I forgot to ask. ilang taon ka na nga pala? XD  Anyway, isa lang ang sigurado ako. Hindi ito phase ng buhay. Ito ako at ito ang gusto ko :) Nagegets naman kita wag ka mag-alala. Unfortunately ako yung tipo ng taong na-aattract sa physical appearance ng tao pero usually short term attraction lang. Pero kapag yung tao nakausap ko at nakaramdam ako ng connection then yun ang long term sakin. Yung connection na yun ramdam ko lang and hindi ko maexplain haha. Isa pa meron akong tinatawag na six month rule. :)

 

(Matagal ko ng rule yan sa buhay. Kasi para sa kin ang feelings ay may kinalaman sa span of time. Dun ko binebase kung attraction lang ba yun o more than na.)

 

Wow. You just read my mind XD. Honestly, sa ngayon may phase ako na nawawalan ng gana magsulat kasi pag bumabalik ako puro ganun ang nakikita ko. Good thing may mga nagmemessage na iilan gaya mo,  kaya sobrang thankful ako sa inyo. Sa totoo lang I did not expect na magiging ganito kadami ang magbabasa ng story ko. Akala ko nung una I won't mind yung mga ganung comment pero later on nakakaapekto din pala. :/ Kaya nga hindi ako nagrereply sa mga comments dati. pag nakikita ko kasi nalulungkot ako pero hindi ko naman sila masisisi.

 

Ayos lang naman sakin na makatanggap ng critique as long as constructive siya. I won't grow as a writer if i don't know my faults. What I'm trying to say is, I am open to the opinions of other readers but it is still up to me how I would take it. Right?

 

Lahat naman siguro ng writer sa mundo, dumadating sa point na tatamarin magsulat. At sa totoo lang minsan, nakakawalang gana magsulat kapag wala kang inspiration. Para kasi sa kin, mahalaga yun, pero naniniwala din ako na hindi ka pa rin dapat magfocus sa inspiration lang. Kaya nga thankful ako sa mga readers ko na nagbabasa ng story ko, kasi sila na din yung nagiging inspiration ko para ituloy ko kung ano man yung sinusulat ko. In return, nagrereply ako sa kanila tulad ng ginagawa ko ngayon.

Dumating nga ako sa point na parang ayaw ko ng ituloy yung story ko. Kasi nawalan ako ng gana. Or siguro hindi ko na lang alam paano ko itututloy yung story ko. 1 month din nastuck yung story. Naging busy ako sa school projects ang extra curricular activities, kaya tinamad na din akong magsulat, masasabi kong naging factor yun. Meron lang isang reader na talagang pinush ako para ituloy ko yun. Kaya thankful ako yun.

Sa sobrang inip ko tinawagan ko na yung mga kaibigan ko, gusto ko na kasing magmovie marathon at kumain, nagugutom na ko. Ayaw na ayaw ko pa man din ng nagugutom, pero madalas mas nangingibabaw yung katamaran kong magluto or bumili ng pagkain kesa sa gutom ko. Minsan mas pinipili ko na lang humiga at matulog. Pakiramdam ko nga minsan, batugan ako. Parang si Juan Tamad lang, na imbes na kunin niya yung pagkain, aantayin na lang niya mahulog ito sa kanya. Haha.

At ng tinawagan ko sila, ang sabi nila ang kulit ko daw. -____- hindi daw ako makapaghintay. Birthday ko diba? Bakit ang sungit nila sa kin? Actually si Ram lang naman ang nagsungit sa kin, at sanay na ko sa kasungitan ng kaibigan ko na un. Kapag hindi siya nagsungit, parang may mali, haha.

Inbox: 1

From: Ella

Sorry I forgot to check my time! HAPPY BIRTHDAY EXCEL. I guess I'm just in time to greet you on your special day! :D

 

I don't know what's going on to my mind to message you all of a sudden. There's something in you that's makes me interested on you somehow. Or maybe I just want to know you. Kahit na nabasa ko na you don't give your true identity. But maybe, I don't know, you can break that for me? :)

 

(Hindi sa jinajudge ko siya, pero parang ang hirap lang kasi maniwala na wala siyang ibang reason. Ano namang malay ko kung talagang gusto lang makipagkaibigan neto.)

I'm turning 23 on September 13. :) I agree to what you said. Ako, I maybe confuse most of the times, pero deep inside me, I know that this kind of thing, (it may not be normal for other people) I know I want this. And I can say I'm happy, even if I know that, being like this is not easy. Pero I know, that someday, having a hard time is all worth it. For me loving someone isn't about what we are, its about who we are. So what's about that SIX MONTHS RULE? Sounds interesting, would you mind to share it with me? :)

 

(Talagang gusto niyang malaman yung six month rule? Ako lang naman yung gumawa nun, rule ko lang sa buhay ko, sa buhay pag-ibig ko.Haha)

 

Dito sa wattpad, "UD" comments is kinda normal. Siguro yung iba talaga naeexcite lang or nabibitin lang talaga, pero kasi minsan talaga, nakakainis, pero I know you'll get used to it. Wag mo na lang pansinin, gaya nga ng sabi mo, it depends on you, how will you react to those kind of things, you can take it positively, and in a good. Its all up to you! :)

 

Just stay being open-minded. Maganda yang ganyan, tama ka naman eh, without those critiques, and comments, you'll not be better than before.

 

I just want to ask, are you single?

Once upon a STRANGER (lesbian/ girlxgirl story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon