Ian? Chapter 49

4.8K 59 12
                                    

"Pinakamahirap ay yung may namimiss ka, pero wala kang magawa kundi antayin na mamiss ka rin nya."

@MisterBanatero

Chapter 49

Andrea’s POV

O__________O

Nandito na ko sa condo unit namin. Nakahiga ako sa sahig. Tulala. Naiinis. Hindi maipaliwanag ang nararamdaman.

I can’t even she’d kiss me! Bawal yun! Hindi niya dapat ginawa yun. Ni hawakan nga niya yung pisngi ko, hindi ako pumayag, tapos hahalikan niya pa? Psh!

Para na naman akong batang nagtatantrums dito! Hindi maaari yung nangyari! Haaay.

Hindi ko tuloy magets si Clarice! Kanina sinabi niya gusto niya ko. Tapos binawi niya at sinabing joke lang yun. Tapos hinalikan niya ko sa pisngi. Tsk. Ano ba talagang nararamdaman nun?

Pero kasi sa totoo lang, feeling ko din naman may gusto sa kin si Clarice. Kasi ang bait niya sa kin, saka kahit ang sungit sungit ko, hindi siya naiinis, isa pa kahit lagi ko siyang inaasar hindi siya napipikon. Hay.

Kaso kapag ganun, baka nga masaktan ko lang siya. Hindi naman sa ayaw ko sa kanya. Pero sa ngayon hindi pa ako handa sa mga ganyang bagay.

Dahil ang pagaaral ko ang priority ko. Yang mga ganyang bagay naman nakakapaghintay yan.

2 hours na ang nakakalipas mula nung umalis si Clarice pero hanggang ngayon ay hindi pa din siya nagtetext. Nagalala ako sa kanya, pero hindi ko ugali na ako yung unang nagtetext so naghintay na lang ulit ako, baka naman nalobat siya kaya hindi nakapagtext.

After 30mins…

Chineck ko yung phone ko pero wala pa ding text galing sa kanya.

 Kaya naman nagiisip na ko kung itetext ko ba siya o hindi. Tsk. Bahala na nga.

To: Clarice

-Nakauwi ka na ba?

Pero ilang minuto na ang nakalipas ay wala pa din siyang reply. Ngayon ay nagaalala na talaga ako sa kanya. Kasi dati naman basta nakasakay siya, nagtetext yun agad, knowing Clarice, pero bakit all of a sudden hindi na lang siya nagtetext. Did I do something? Tsk!

As far as I can remember, wala naman akong ginawa. In fact siya nga tong humalik sa pisngi ko, ako dapat ang hindi nagtetext sa kanya ngayon, but I was left here worrying about her.

Kahit naman muka akong laging walang pakialam, I still know how to care. Hindi naman ako laging walang pakialam na tao.

Hay. Sa tagal ng paghihintay ko sa kanya, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Clarice POV

Sh*t.

Yan lang ang nasa isip ko habang mabilis akong tumakbo palayo sa kanya. -____- Ano na lang ang iisipin niya? :(

Kung bakit ba naman kasi hindi ko napigilan. Hahaha. Eh kasi naman ang cute cute ng pisngi niya! -____- Hay. Pakiramdam ko tuloy galit yun sa kin! Psh. Bahala na nga.

Mabilis akong nakasakay ng taxi! Buti na lang! :)

Agad kong chineck yung fone ko, baka sakaling may text siya. Asa naman ako, eh hindi nga nagtetext yun hanggat di ako nagtetext! Hahaha.

May text akong natanggap pero hindi galing kay Andrea.

1 Message

From: Unknown Number

-Hi, Si Clarice ba to?

Knowing me, rereplyan ko, lalo na’t binanggit niya yung pangalan ko. Nacurious tuloy ako kung sino yung nagtext na yun.

To: Unknown Number

-Yeah, who’s this? And where did you get my number?

-I’m Ian. Kaibigan ako ni Shayne. Pwede ba tayong magusap?

Napaisip ako kung bakit ako gustong kausapin ng Ian na yan. Ang weird lang, kasi ang tagal ko na din walang balita kay Shayne after she left, then biglang may magtetext sa kin ng ganito. Ano naman kelangan niya sa kin? Tsk.

-Why?

Maikli lang yun reply ko, kasi at some point naiinis at at naweweirduhan at the same time.

-I’ll explain to you kapag nagusap tayo. Nasa Manila k aba ngayon? Pwede ka later? Choose the place if payag kang makipagusap sa kin.

-I don’t get the point of talking to you in person. Pero dahil I’m left here thinking what are you about to say, then see me after 30mins sa Starbucks Tomas Morato. And please don’t keep me waiting. I’m on my way.

-Got it.

Ang bilis ng pangyayari. Knowing me, masyado akong mabilis magdecide. Gusto ko lang malaman kung bakit kelangan nya akong kausapin at kung anong sasabihin niya. And besides public place naman yung pagkikitaan namin, so I guess I’m safe.

Bahala na! 

Once upon a STRANGER (lesbian/ girlxgirl story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon