"May mga bagay na nararamdam ko, pero hindi ko nakikita…parang ikaw. Nararamdaman naman kita, yung nga lang, hindi kita nakikita."
-Hazelnot
Chapter 51
Clarice POV
To: Clarice
-Hi Babe! Haha, joke lang alam ko naman hindi na ako yung babe mo.-___- Ang drama ko lang. Haha. Hmmmmm, by this time na binabasa mo to, for sure wala na ko. Oh wag kang maiyak dyan, babatukan kita! :)
Simula pa lang ng pagbabasa ko, at eto muling bumuhos yung luha sa mga mata ko. Hindi ko mapigilan, kusa na lang silang bumagsak mula sa mga mata ko.
I write this letter, to say sorry, at para makapagpaalam na din ako ng maayos sayo. Clar, I’m sorry kung kelangan kong itago sayo to. You are my everything. Alam ko namang alam mo yan, at ayaw kitang saktan, lalong ayaw kitang iwan. Ayaw ko, pero eto nagawa ko na. Wala na kasi akong choice Clar. Sorry kung mas pinili kong itago yung totoo sayo, kasi ayoko ng mahirapan ka pa lalo.
Hindi ba niya na naisip na mas mahirap tong pinaramdam niya sa kin? -___-
Hindi ko kinayang magpaalam sayo ng harapan. Maniwala ka, sinubukan kong magpaalam sayo. Sinubukan kong sabihin ang totoo. Pero hindi ko kayang madurog ang puso mo, lalo na’t alam kong ako ang magiging dahilan neto.
Sa totoo lang, mas kakayanin ko pa atang harapin yung katotohanan, kesa yung pakiramdam na, wala na siya, at wala na akong magagawa para maibalik ko siya.
Sana dumating yung panahon na mapatawad mo ako sa paglilihim na ginawa ko sayo. Alam ko namang nagkamali ako Clar. Nagkamali ako nung magdecide akong mahalin ka kahit alam kong mamatay din naman ako.
How can she manage to not tell all this time? Bakit hindi ko man lang nalaman. Pakiramdam ko I’m so stupid! Nagflashback lahat lahat ng nangyari sa min ni Shayne. Kaya pala, bigla bigal na lang sumasakit yung ulo niya. Kaya pala ilang beses ko siyang nakita na ang daming iniinom na gamot. Nanlalabo na yung paningin ko. Hindi ko na mabasa yung sulat niya, dahil sa luhang patuloy na bumabagsak sa mga mata ko.
Kahit wala na ako Clar. Pangako kong babantayan at aalagaan pa din kita. I’ll be your guardian angel. I’ll protect you, and your heart.
Sana makahanap ka ng taong magmamahal at magaalaga sayo. Yung higit pa sa pagmamahal na naibigay ko. Yung taong kaya kang samahan at mahalin habang buhay, hindi tulad ko na panandalian lang.
Namatay man ako, pero sisiguraduhin kong, hinding hindi mamamatay yung pagmamahal na meron ako sayo.
Masakit makitang meron ka ng iba, pero mas masasaktan ako kung makikita kitang nag-iisa. Kaya Babe, Clar, mahal na mahal kita at pinapakawalan na kita.
FLASHBACK
“Babe, paano kung mamatay na ko bukas? Anong gagawin mo?”
“Shayne, tigilan mo nga ako sa mga ganyan mo, bakit ba lagi mong tinatanong yan?” Medyo inis na sabi k okay Shayne. Paano ba naman, lagi na lang niya yung tinatanong sa kin. Nakakainis, parang gusto na niyang mamatay eh! Tsk.
“Babe, naiinis ka na naman eh.” Sabay yakap niya sa likod ko.
“Eh paano ikaw, lagi mo kong tinatanong nyan.”
“Paano kasi babe, lagi mo din akong hindi sinasagot. :)” At hinalikan niya ko sa cheeks ko, habang nakayakap pa din sa kin. Kabisado ko na to. Naglalambing na naman siya sa akin. Lately lagi siyang ganito eh. Kinakabahan na tuloy ako.
“Ayokong sagutin yang tanong mo babe, kasi hindi naman yan mangyayari. Wag mo ng isipin yan okay?” At hinalikan ko siya sa noo.
“Hmmmmm, babe anong malay natin, masagasaan na lang ako bigla sa kalsada, o kaya naman, mabagsakan na lang ako ng…” And I kiss her on her lips. Ayaw niya kasing tumigil. Ang kulit kulit niya kasi.
“Babe, umamin ka nga sa kin, may sakit ka ba ha? Lagi mo kasi yan tinatanong sa kin. Iiwan mo na ba ako?” Bigla na lang akong nalungkot at naluha. Isipin ko pa lang na mawala siya, hindi ko na kaya. Hmmmmm.
Hinalikan niya lang din sa buong muka mo. “Wala babe! :)” Then she smiled so sweet. “Mahal na mahal kita babe, at ayokong iwan ka.” Then she kissed me on lips. It was so passionate but short. I look her into her eyes. A tear fell.
“Babe bakit ka umiiyak?” Tanong ko sa kanya.
“Wala babe, I just love you so much!” At niyakap niya ko ng mahigpit.
END OF FLASHBACK
“Clarice…”
“Clarice…”
“Clarice…”
Sino yun? Hindi ko kilala yung boses. Bakit niya ako tinatawag?
“SHAYNE!” I was crying. Nagising ako sa tawag ng taong hindi ko kilala. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako.
Hinanap ko agad yung letter ni Shayne sa kin.
“Eto ba yung hinahanap mo?” Kinuha ko agad yung letter at kinilala yung taong nanggising sa akin. Medyo malabo pa kasi yung paningin ko, dahil maga yung mata ko kakaiyak at dahil kakagising ko.
Si Ian. Ang taong bigla na lang sumulpot sa buhay ko. Na nagsabi lahat lahat ng nangyayari ngayon.
Nung una ay galit ako sa kanya. Dahil pakiramdam ko ay nanghihimasok siya sa buhay ko. Pero narealize ko na dapat ko siyang pasalamatan, dahil naglakas siya ng loob na sabihin sa akin lahat ng to.
“Hey kumaen ka muna. 12 hours ka ng tulog, kaya naman nag-alala na ako sayo.”
“Thanks.”
“Sige iwan muna kita. Labas muna ako.”
“Ian, wait lang!”
“Yes?”
“Thank you. And Sorry kung hindi naging maganda yung approach ko sayo. Pacenxa ka na talaga.”
“Okay lang yun! Naiintindihan naman kita. Kung ako siguro yung nasa kalagayan mo, baka mas malala pa yung magawa ko. :)”
“Sorry talaga ha? Hmmmm. Pwedeng favor?”
“Ano yun?”
“Pwede mo bang ikwento kung paano kayo nagkakilala ni Shayne?”
“Sure.”
BINABASA MO ANG
Once upon a STRANGER (lesbian/ girlxgirl story)
Любовные романыIto ay storya tungkol sa dalawang taong nagkakilala ng dahil wattpad, si Clarice at si Andrea. It is a bisexual/lesbian story, and "somehow" its a true to life story. :)