This is WHY... Chapter 33

6.3K 76 34
                                    

Reader din ako. Alam ko yung pakiramdam na mabitin sa isang story. Ayaw ko na yung gawin. Kaya eto nag-update ako agad! Sorry sa mga nabitin, at nainis! Bumawi naman ako agad oh! :)

Thank You sa mga nagcocomment. Natutuwa talaga ko. Swear! :)

Eto ang update na may alak pa ko sa katawan! hahaha.

Enjoy guys! :)

-Hazelnot

Chapter 33

 

Clarice POV

 

Yung pakiramdam na anytime sasabog na lang yung puso sa sobrang sakit. Ganun yung nararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko, anytime, bigla na lang akong mahihimatay!

“Hanggang ngayon pala iniisip mo pa din yan, akala ko kasi okay ka na at ayaw mo ng pagusapan yung nangyari. Akala ko tapos na sayo ang lahat.” Malumanay na sabi ni Shayne. Siguro pinipilit niyang pagaanin yung loob ko, ewan ko! Hindi ko na alam.

“Ganyan ka ba talaga kamanhid Shayne?” Hindi ko na napigilan yung emosyon ko. Kaya naman bigla na lang tumulo yung luha ko. Ayokong umiyak sa harapan niya. Ayokong ipakitang mahina ako, pero ang sakit sakit na!

“Please Clar, wag ka namang umiyak oh.” Lumapit siya sa kin para punasan yung mga luha ko, pero tinapik ko lang yung kamay niya, kasi ni ayokong lumapit sa kanya.

“Wag mo kong hahawakan!”

“Ganyan ba talaga kalaki yung galit mo sa kin? To the point na pati punasan yang mga luha mo, ayaw mo?”

 

“Yung totoo Shayne? Hindi ako galit sayo.” Kumalma ako ng konti, pero yung mga luha sa mata ko, tuloy tuloy pa din. Dinaig pa ang gripo sa pagtulo!

Ilang minuto ding walang nasalita sa aming dalawa. At nagulat akong makitang umiiyak na din siya!

“I-iniwan kita dahil gulong g-gulo a-ako. Hindi ko na alam kung anong dapat kong gawin, kung a-anong d-dapat kong sundin.”

 

“Bakit hindi mo…”

 

“Please hayaan mo muna akong magsalita, hayaan mo muna akong magpaliwanag.” Halos hindi siya makatingin sa akin, nakatingin lang siya sa malayo, habang nagsasalita.

 

“Ok, sige sige.”

 

“Iniwan kita kasi nalaman ni mommy at daddy na tayo. Kasabay nun nalaman kong may ibang babae si daddy. Nagsabay sabay yung iniisip ko. Natakot ako at nahiya ako sa magulang ko nung nalaman kong alam na nila yung sa atin. At the same time nagalit ako sa tatay ko dahil may iba siyang kinakasama. Tapos yun pa yung time na nagkakalabuan tayong dalawa.” Hindi ko alam kung dapat pa ba kong mainis sa kanya nung malaman ko yung naging dahilan niya.

Once upon a STRANGER (lesbian/ girlxgirl story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon