Jill...ian... Chapter 53

4.4K 72 23
                                    

"There are some things in life that is worth waiting for."

Una... Alam kong OA sa tagal bago ako nagupdate. :) Sobrang busy talaga ako sa works, and friends na pumunta dito sa amin. Kaya humihingi ako ng patawad.

Pangalawa... Medyo tinamad talaga akong magupdate kasi, feeling ko wala naman ng nagbabasa. (Okay drama drama drama... hahaha) Pero ganun nga ang nafeel ko. Hahaha.

Pangatlo... Hindi ko alam kung kelan ko to tatapusin pero nararamdaman kong malapit na malapit na. -___-

Panglima... Nagupdate ako dahil kay @mybabykelly... Yes its because of you dear! :) natawa kasi ako nung malaman kong kay @ayebcd ka pa nagtanong kung kelan ako magaupdate kaya nahiya naman ako. Kaya eto, :) Pagpasensyahan mo na ang maikling update na nagawa ko. :) At sana magustuhan mo :)

Panghuli... Please wag niyo munang basahin dahil pati ako ay nabitin sa chapter na ito. Hahaha. :D Pero kung mapilit kayo, go lang ng go! :D 

ENJOY!

-Hazelnot

Chapter 53

 

Andrea’s POV

 

1 month? Ganun na katagal na hindi nagpaparam si Clarice. After nung last time na nagkita kami wala na akong narinig o nabalitaan sa kanya. Ni “Hi” o “Hello” man lang ay wala akong natanggap.

“Ano na kayang nangyari sa kanya? Kamusta na kaya siya.” Tanong ko sa sarili ko.

Lumipas ang pasko at bagong taon na wala man lang bati mula sa kanya. Dati alam ko medyo naiilang ako sa kakulitan niya, pero dumadating sa point na namimiss ko siya.

Hindi ko man siya fino-follow sa Wattpad pero once in a while chinecheck ko kung may update na ba siya. At ang tagal na din nung huli siyang nagupdate sa story na ginagawa niya na about sa akin.

Medyo nakakalungkot pero okay lang naman, people come and go. And that’s a fact.

“Hey Baby, ano naman yang iniisip mo?” Napatigil ako sa pag-iisip ng bigla may kumausap sa kin.

“School works baby, ang toxic kasi ngayon sa acad, then dagdag pa yung sandamakmak na responsibilities sa mga orgs na sinalihan ko. Ang sipag ko kasi. Haha.” Pinilit kong tumawa para hindi niya mahalata na medyo nalulungkot ako.

Si Jill. Ang taong kausap ko. Ang bestfriend ko. Ang girlfriend ko. Naging kami 6days ago. Naging mabilis yung pangyayari, kaya eto kami na. Mahal ko siya, at siguro matututunan din naman niya akong mahalin in the long run.

Rebound? Parang ganun. Mahirap pero tinggap ko. Mahirap pero tinitiis ko. Mahirap pero kasi, mahal ko. Alam ko kasing nagmahal siya ng isang babae. Babae na hindi naging sila. Pero yung babae na yun ang nagparealize sa kanya kung ano ba talaga ang gusto niya. At yung babae na yun ay wala na.

“Baby naalala mo yung kwinento ko sayo? Yung friend ko na namatay?”

 

“Friend mo na minahal mo?”

 

“Baby, ano ka ba, wag ka ngang magselos diyan, wala na yung tao. Naalala ko lang siya kasi 1 month na simula nung namatay siya.”

 

“Wala na siya pero siya pa din ang nagpapatibok ng puso mo, tama ako Jillian?”

 

“Baby please intindihin mo ako. Okay? Si Shayne minahal ko siya. At baby, kung siya pa din ang mahal ko ngayon, hindi tayo ngayon. She’s the one who made me realize na mahal kita. So please wag ka ng magalit.”

 

“Sorry kung uminit yung ulo ko. Alam mo namang kahit hindi ko siya nakita, nagseselos ako sa kanya.”

 

“You don’t have to baby. Ikaw ang mahal ko, okay?” :) Then she hugged me so tight. Hug that makes me feel that everything’s gonna be alright.

 

I may have doubt on her love, but then I trust her. I’ve known her for years. And mararamdaman ko naman siguro yung kung niloloko niya lang ako.

Parang ako nga tuloy ang biglang nagdoubt sa nararamdaman ko. Oo masaya ako sa kanya, pero bakit naiisip ko ay iba? Parang may mali, parang may kulang, ewan ko hindi ko na alam. Bahala na.

Kinabukasan…

 

Maaga ako sa school today kasi may event kami. Kapag normal day kasi madalas late ako. Kasi alam kong Dalawang tumbling lang nandito na ko sa school. Hahaha.

Nung malapit na ako sa gate napatingin ako sa isang coffee shop sa tapat ng school. At natanawan ng mata ko si Jillian.

Nagulat ako dahil ang alam ko ay tulog pa siya ng ganitong oras. Kaya naman tumawid ako para masigurado kong siya nga talaga yun. May kausap kasi siyang isang babae. Parang familiar pero hindi ko makilala kung sino dahil nakatalikod ito.

Sa hindi kalayuan at huminto ako at tinawagan ang baby ko.

“Hello baby! San ka?”

 

“I was about to call you baby, nandto ako sa tapat ng school mo. Maaga ka today diba? Daan ka muna dito sa coffee shop. I’d like you to meet someone.”

 

“Okay.”

 

Magseselos na sana ako nung napaisip ako… Dahil ipapakilala niya sa kin yung kausap niya, so I guess hindi ko dapat pagselosan kung sino man yun.

Para matigil ako sa pagdududa at pagiisip. Naglakad na agad ako patungo sa kanila. Sa labas sila ng coffee shop nakaupo dahil nagyoyosi yung kausap niya, kaya naman agad akong nakita ni Jillian.

“Baby!” Magsiglang bati nya sa kin. At sinalubong niya ko sa pinto. Ngumiti lang ako sa kanya, pero hindi pa din maalis sa paningin ko yung babaeng kasama niya.

Dahan dahan kaming lumapit sa table nila. At dahan dahan ko ding nakikita yung muka nung kasama niya.

“Baby meet Clarice. Clarice si Andrea, girlfriend ko.”

 

O______O

Once upon a STRANGER (lesbian/ girlxgirl story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon