Wondering why... Chapter 30

7.2K 72 21
                                    

Ilang araw ko ng binalak magupdate! At sa wakas, natuloy din! Hahaha... Hindi naman super tagal ng update diba?

"Somewhere down the road, our roads are gonna cross again..." 

 

Lss ko lang yan guys! Wag kayong issue! hahaha

-Hazelnot

Chapter 30

 

Clarice POV

 

“Ate okay ka lang?”

 

“Ah oo, bakit muka ba kong hindi okay?”

 

“Oo kanina ka pa tulala dyan, may naghahanap sayo.”

 

“Sige papasukin mo.”

 

Nandito lang ako sa office naming. As usual, same old routine. Hindi ko namamalayan na tulala na pala ako, until kinausap ako ng tauhan ko.

Ano ba tong nangyayari sa kin? Bakit nga ba ako natutulala!

Ayoko ng mag-isip pa! Baka mabaliw ako lalo neto!

“Haaaaaaaaay!” Napabuntong hininga na lang ako, kakaisip nung nangyari sa inuman naming ni Isha.

“Ang lalim naman ng paghinga mo, ganyan din ba kalalim ang iniisip mo, kaya kanina mo pa hindi sinasagot yung mga text ko?” Nagulat ako nung biglang sumulpot si Shayne sa harap ko.

“Anong ginagawa mo dito?” Hindi ko alam bakit ganyan na lang ang naging bungad ko sa kanya.

“Woah! Anong meron at ang init ng ulo mo? Meron ka siguro! Hahaha.”

 

“Loko ka! Haha.” Natawa na lang ako sa sinabi niya! Baliw din talaga siya! Tsk.

“Oh.” May inabot siya sa aking isang supot na may lamang ice cream.

“Ano to?”

 

“Bulag ka na ba ngayon? Ice cream yan hindi mo ba nakikita?”

 

“Ang pilosopo mo!”

 

“Eh paano naman, walang kwenta yang tanong mo!” Hindi ko maintindihan kung bakit bigla bigla na lang siyang pupunta dito, yung parang walang nangyari sa aming dalawa.

I mean oo barkada pa din naman kami. Kasi kahit wala na kami, hindi naming maiiwasan ang isa’t isa dahil sa barkada. Pero after the break up, ngayon lang siya ulit pumunta dito, na para bang okay na okay na kami. Eh hello, ni hindi pa kami naguusap, basta ang alam ko lang, break na kami, yun lang wala na kong iba pang narinig sa kanya!

Once upon a STRANGER (lesbian/ girlxgirl story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon