SHANAIA.
"Dad please, don't do this to me. May pruweba ako playboy talaga yung lalaking yun dad" saad niya sa daddy niya bago kinuha ang phone niya sa bag niya. At ipinakita sa mga ito ang larawan na nakuha niya 2 days ago sa labas ng coffee shop. "See this dad. Mom please i don't want to get married to that man. He is a an asshole."
"Shanaia your mouth" galit na sita sa kanya ng daddy niya kaya napatigil siya sa pag sasalita. Bakit ba kasi gusto ng mga ito ang lalaking yun para sa kanya.
"We already knew that shanaia, at kaya din kame pumayag na magpakasal ka sa anak ni Alfredo Monterial ay para na rin tumino ito" sabi ng mommy niya.
"Mom yun titino. Baka kahit puti na ang uwak di pa rin yun titino e." Saad niya sa mommy niya. Pero umiling lang ito sa kanya.
"Dad." Tawag niya sa ama. Pero hindi man lang siya nito nilingon.
"You two bakit ang unfair niyo ? Why are you doing this to me ? Lahat naman ginagawa ko just to make you proud of me. Pero bakit ganito ?" Umiiyak niyang saad sa mga ito. Nanghihina siya.
Kanina niya pa kinukumbinsi ang mga ito na itigil ang kasal. Kaya lang ay sadyang matigas ang mga magulang niya.
"Were sorry princess. Pero para sayo din to. Balang araw papasalamatan mo din kame ng mommy mo." Saad ng daddy niya sa kanya.
Naiinis siya bakit ba kasi pinapakailamanan ng mga ito ang buhay niya.
"May boyfriend na po ako" saad niya sa mga ito. Sana lang ay umubra.
"Break up with that man Shanaia Jionne, or else." Napatingin siya sa daddy niya.
Kitang kita ang galit sa mga mata nito.
"I hate the both of you" umiiyak siyang nilisan ang ang opisina ng daddy niya.
Nakasalubong niya pa ang yaya niya na nagaalalang nakatingin sa kanya.
Pero nilampasan niya lang ito. Bago pumasok sa kwarto niya.~
THIRD PERSON."Tama ba tong ginagawa natin ? Alam naman nating naging masunurin si shanaia sa lahat ng gusto natin." Saad niya sa asawa habang umiinom ng kape.
Malungkot niyang tiningnan ang anak kanina habang umiiyak itong papalabas sa library.
Naaawa din siya sa anak. Pero wala siyang magagawa doon. Wala na silang magagawa.
"Alam natin ang sagot diyan Miranda isang monterial na ang pumili sa anak mo. Wala na tayong magagawa doon" natahimik siya sa sinaad ng asawa. Tama ito. Hindi nila lubos akalain na isang monterial ang mabibihag ng dalaga nila.
Okey lang sana iyon ng una. Ngunit may nobyo na pala ang anak. Hindi niya lubos akalain na hindi nila muna ito tinanong kung may nobyo ito.
Dahil ng tinanong sila ng monterial ay pumayag na ang asawa niya. Kaya hindi na niya nagawang tumutol pa. Ang asawa ang batas kaya wala siyang karapatan na suwayin iyon. Isa lamang siyang taga sunod nito."Kevin, ayokong masira ang kinabukasan ni shanaia. Please ?" Pagmamakaawa niya sa asawa.
Tiningnan lang siya nito. Bago mabigat na bumuntong hininga.
"I know that. Kaya nga ginagawa natin ito para masigurado ang future niya." May pinalidad sa sagot nito sa kanya.
At alam niyang wala na siyang magagawa pa doon.
'Sorry baby. Mommy did her best to cool off the wedding. But i didn't succeed'
~
SHANAIA.Para siyang naglalakad sa hangin. Hindi niya alam ang gagawin ang alam niya lang ngayon ay kailangan niyang maghanap ng lugar na matitirhan pansamantala.
Hanggang sa matapos ang araw ng kasal. Dun lang siya sisipot. Pag tapos na ang araw ng kasal niya.
Nung tumakbo siya kanina palabas ng library ng ama ay basta na lang niyang kinuha ang isang maleta sa gilid.
Nilagay niya doon ang mga damit niya at ang ilang importanteng gamit niya. Ang alam niya lang ay kailangan niyang lumayo. Lumayo sa mga magulang na sumasakal sa kanya.
Gusto niyang mamuhay ng wala ang mga bagay na kinalakihan. At gawin ang mga bagay na alam niyang makakapag saya sa kanya.
Hindi niya alam kung saan siya naroon. Basta ang alam niya lang ay sumakay siya sa isang taxi at nagpahatid sa isang lugar na malayo sa bahay nila.
Hindi naman na nag usisa ang driver at pinag bigyan siya sa gusto.
Hindi na rin niya natanong ang driver kanina kung saan lugar siya naroon. Matapos siya nitong ibaba.Ang tanga mo lang talaga jionne.
Bigla siyang nainis sa sarili.Pero ayos na din iyon. Hindi malalaman ng mga magulang kung asang lugar siya.
Napahinto siya. Tiningnan niya ang paligid. Puro mga puno ang nakikita niya. Hanggang sa may humintong trysikle sa tapat niya.
"Iha saan ba ang tungo mo?" Tanong sa kanya ng manong na nagdridrive noon.
"Saan po ba may aparment for rent dito?" Imbis na sagutin ang tanong nito ay tinanong niya ito.
Napakamot naman ito sa ulo. Bago siya tiningnan.
"Bago ka lang ba sa lugar na ito iha ?" Tanong nito sa kanya, kaya naman tumango lamang siya bilang tugon dito.
"Sakay na iha. May paupahan kaming bahay. Doon ka na lamang. Wag kang mag alala at mabait naman ang aking asawa." Saad nito sa kanya.
"Talaga ho manong ?" Tanong niya dito, nginitian lang naman siya nito. Kaya naman sumakay na din siya doon.
Matapos yata ang kinse minuto ay huminto ang sinasakyan niya sa isang bahay.
"Baba na riyan iha. Narito na tayo. Meldy may uupa diyan sa kabilang bahay natin" sigaw nito bago siya binalingan "tara na iha pasok ka sa loob." Yaya nito sa kanya.
Pagpasok pa lang nila sa loob ay nakita na niya ang asawa ni manong. Hindi niya kasi natanong kung anong pangalan nito.
"Ay pagkagandang bata naman nito. Isyong." Nakangiti nitong sabi sa asawa nito na si manong isyong. Yun pala ang pangalan ni manong.
"Hello po. Ako po si Sha-" napatigil siya sa pagsasabi ng pangalan niya alam niyang hahanapin siya ng magulang niya kaya mas mabuti sigurong hindi niya sabihin ang totoong pangalan niya.
"Sharmaine Samaniego po" pagpapakilala niya.
"Pasok ka iha. Itong kabilang bahay ang magiging tirahan mo. Kumpleto na rin iyan sa gamit." Saad ng ginang sa kanya.
Inilibot naman niya ang tingin sa buong paligid.
Wala na ang mamahaling appliances na binili ng mommy niya sa iba't ibang bansa. Ang malaking portrait sa sala nila.Ngayon ay siya lang ang nandito. Wala na din ang mga maids na umaasikaso sa kanya.
Mabubuhay siya ng simple.
Malayo sa mga magulang na kumokontrol sa kanya.
Malayo sa lalaking papakasalan niya.©EmEmLib
BINABASA MO ANG
Monterial Clan 2 : The Playboy Drummer (COMPLETED)
RomancePara kang virus na unti unting kumakalat sa katawan ko. Hanggang sa ang buong sistema ko'y pangalan mo na ang sinisigaw. Akala mo ba madaling ipakita sayo na hindi ka mahalaga. Na wala akong paki. Pwes hindi, makita pa lang kitang kasama ng lalaking...