Chapter TWELVE

5.5K 126 2
                                    

SHANAIA

Kanina pa siya nakatingin sa kisame sa loob ng kwartong inuupahan niya. Matapos  ng pag uusap nila ni Ash 2 days ago ay umalis siya sa hospital at umuwi sa bahay na inuupahan.

Hanggang ngayon ay sariwa pa rin ang lahat ng sakit dulot sa pag uusap nilang dalawa. May mga dapat pa siyang malaman pero ito mismo ay ayaw sabihin sa kanya.

Paano niya pa pag kakatiwalaan ang taong naging dahilan kung bakit wala ng natira sa kanya. Paano niya ito mamahalin ulit kung ayaw nitong sabihin ang dahilan ng paghihiwalay nila.

Dalawang araw na pero wala pa ring monterial na sumusulpot para bwisitin siya. Aminin man niya oh hindi. Namimiss niya ito. Hindi naman na siya mag sisinungaling alam naman niya sa sarili niyang mahal niya pa rin ito kahit na ilang taon na ang lumipas ay ito pa din. Akala niya wala na. Pero nung makita niya ito at nagmamakaawa to take him back. Hindi pa pala. Naiinis siya sa sarili niya.

"Baby are you there" napabalikwas siya ng bangon ng marinig ang pamilyar na boses na iyon. At ang sunod sunod na mahihinang katok mula sa maindoor niya.

"Baby" narinig niyang ulit na tawag  nito. Kaya naman dali dali siyang tumayo sa kama niya para pag buksan iyon.

Hindi na siya nagulat ng bumungad sa kanya ang nakangiting mukha nito.

"Can i come in ?" Hindi pa siya nakakasagot dito ay nakapasok na agad ito sa loob ng bahay niya at nagmamasid na doon.

Makapal talaga ang mukha ng isang ito. Tho she love him kahit na ganoon ang binata.

"You have a nice home baby. Comfy and clean" hayag nito bago pumunta sa loob ng kusina niya. Sinundan naman niya ito at ang loko sa ref niya dumiretso.

"And a lot of foods. Wow i like it here." Saad pa nito. Nakita niyang kinuha nito ang isang nutella niya bago kumuha ng kutsura at lumabas sa kusina.

At home na at home ang loko. Binuksan pa ang tv bago naupo sa sala niya at ipinatong ang paa sa table na nandoon.

"What are you doing here ?" Tanong niya dito.

"Ha-uhm just visiting you baby." Nauutal pang saad nito.

"Really huh ? You think you can fool me ? Try harder. It might work." Saka niya ito pinag taasan ng kilay.

"Baby naman. What made you think i'm lying to you. I just visit you here because i miss you." Nagdradramang saad nito. Nakahawak pa kasi ito sa dibdib nito. Habang ang isang kamay nito ay nakataas na akala mo ay nanunumpa. Kalokohan talaga ng isang to.

"Kelland i know you ?" Saad niya dito. At kitang kita niyang namutla na si gago.

"Babe your parents wants you to go home." Sinasabi na nga ba niya.

"They're just worried for you. Please go home." Napatingin siya dito. Hindi pa siya handa. Hindi pa siya handang harapin ang mga magulang niya. After what she did. Siguradong sampal ang aabutin niya sa daddy niya.

"I can't." Nakatungong saad niya dito.

"Baby your parents is not mad at you. Please go home. They need you. I need you. Hahayaan mo na lang ba akong mag isa." Nag angat siya ng tingin dito.

Through thick and thin si kelland ang kasama niya. Parehas silang broken hearted noon. Kelland leave his girlfriend dahil hindi na siya healthy para dito. Yun ang kwento nito sa kanya.

The parents of the girl talk to kelland. Layuan daw muna nito ang anak ng mga ito. Bago na lang daw ito bumalik pag ayos na ulit ang lahat. And kelland did. Unfortunately his still inlove with that girl. Hindi niya lang alam kung mahal pa din ba ng babaeng iyon ang bestfriend/tatay niya.

And its been 5 years simula ng maghiwalay ang dalawa. Nung nabubuo palang ang love story nila ni ash ay ito ang sumusuporta sa kanya. At nag papaalala. After that unexpected incident happened nalaman niya ang totoo. Umalis siya. Umalis sila para mag hilom ang puso nilang nasugatan. But it turned out na hindi pa rin pala sapat iyon. Dahil mahal niya pa rin si monterial.

"Ang lakas ng kapit ng mga monterial no?" Napatingin siya dito.

"Oo nga e. Akalain mo tatlong taon na siya pa din. Masakit pa rin." Saad niya dito.

"Lubog na lubog pa rin tayo, bakit kasi hindi tayo makaahon. Monterial lang sila. Smith at Montenegro tayo. Pero bakit hindi natin magawang makabangon." Nakanganga lang siyang nakatingin dito. Fvck isang monterial din ba ang dahilan ng pagkawasak nito.

"I know that look shanaia. And yes isa siyang monterial. Bakit kasi naging monterial pa siya ? Ang hirap niya tuloy kuhanin." Nakangiti pa ito habang sinasabi iyon. But she knows him. Bestfriend niya ito. At alam niyang masakit pa rin para dito ang nangyari.

Lumapit siya dito. Saka ito niyakap.

"Everything will be fine babe."bulong niya dito.

" i hope so. And sana lang may balikan pa ako. Hindi ko kakayanin pag may iba na. Masyado ko siyang mahal baby. Na kahit ang bantayan siya sa malayo ginagawa ko. Wag lang siyang masaktan at mapahamak." Lalo siyang nagulat sa sinaad nito. Pero naiintindihan niya naman ito mahal na mahal ni kelland ang monterial na iyon. Pero sino ? Sino sa mga monterial ladies ang babaeng may hawak sa puso nito.

"She is my first love. And my greatest love. I love her too much. And this pain i have now. Its worth it. Dahil unti unti na niyang natutupad ang pangarap niya. Ang pangarap niyang nawala simula ng dumating ako sa buhay niya." Nasasaktan siya. Nasasaktan siyang makitang ganito ang taong laging nagpapasaya sa kanya. Ang taong laging andyan para sa kanya.

"I'm here babe. I won't leave you. Through thick and thin." Saad niya dito. Ramdam naman niyang niyakap din siya nito ng mahigpit.

"Go home shanaia. Please wag mo naman akong hayaang mag isa."

And because of that. She will.

©EmEmLib

Monterial Clan 2 : The Playboy Drummer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon