SHANAIA.
Hindi agad ako nakapag salita sa sinabi ni monterial. Parang bumalik na ang dating monterial na kilala ko, kilala ng puso ko. Ang monterial na possesive, territorial si ash alam niya iyon. Hindi iilang beses na nakita niya itong may binubugbog dahil sa kanya.
Hindi naman siya maganda noon. Kumbaga manang siya kung manamit. Hindi niya nga rin akalain na liligawan siya ng isang monterial dahil sa ayos niya. Nahulog siya. Sinalo naman siya.
The part is. Kahit ilang beses kang mahulog sa kanya. Sasaluhin at sasaluhin ka niya kahit na nasasaktan na siya.
Seloso si ash kaya hindi niya rin maipagkakaila na ilang beses niya itong pinagselos kay kelland. Dumagdag lang si MonteAmor.
"No one own's me Monterial." Saad niya dito bago ipinikit ang mga mata.
"Your mine jionne. From the start your mine." Hindi niya ito nilingon ramdam na ramdam na niya sa boses nito ang sakit ng bawat salitang iyon.
Pero wala naman talagang nag mamay ari sa kanya. Siya lang. Sarili niya lang.
"Enough of this monterial. Hindi na ako mahuhulog pang muli sa patibong mo." Naiinis na siya. Naiinis siya sa sarili niya kahit na ilang beses niyang itanggi sa iba na hindi na niya ito mahal. Alam niya sa sarili niya na sobrang minamahal niya pa rin ito.
Pero natatakot na siya. Natatakot na siyang maiwan muli. Natatakot na siyang masaktan, dahil hindi niya kayang ihandle ang pain na sobrang nararamdaman niya. Natatakot na siyang umiyak araw araw, gabi gabi. Natatakot siyang marinig ng iba ang hinagpis niya. Sobrang natatakot siya.
"Give me a chance shanaia, one last chance please." Kaya ko pa ba ? Kaya ko pa bang ipagkatiwala muli ang puso kong ilang ulit niya nang nawasak.
"Hindi ko alam monterial. Siguro mali lahat ng to. Dahil maling pag ibig at maling sa pagkakataon nangyari ang lahat. Maraming hadlang. Maraming may ayaw. Bakit hindi mo na lang isipin yun ?" Nakapikit pa rin siya, dahil alam niyang pag minulat niya ang mga mata niya tutulo ang luhang kanina niya pa tinatago.
"Wala akong pakialam sa kanila. Ang importante sa akin ay ikaw. Yung tayo, dahil mali man sa iba basta ikaw ang nakataya lahat nagiging tama. Sobra kitang minamahal shanaia hindi mo alam kung gaano kahirap ang mga naranasan ko simula ng mawala ka sa buhay ko. Hindi ko na hahayaang maulit pa ulit yun. Hindi na." Hindi niya na napigilan ang pag alpas ng mga luhang kanina niya pa pinipigilan. Ramdam na ramdam niya kasi ang sakit, hirap sa lahat ng sinabi nito.
Bakit pagdating sayo monterial nagiging mahina ako. Akala ko kaya ko na. Pero nung nakita ulit kita. Naglaho lahat. Sayo pa rin pala talaga umiikot ang mundo ko. Ikaw pa rin ang sinisigaw ng puso kong durog na durog na.
"Nahihirapan ako monterial, mahirap ang sitwasyon natin. Di mo nga masagot ang tanong ko kung bakit mo ko iniwan noon e. Tapos hihingi ka ng chance ? Hindi ako bobo monterial. Hindi ako tanga kailangan ko ng rason sa lahat ng nangyari dati. Wag mo naman ako pag mukhaing tanga. Parang awa mo na." Sinuntok niya na ang dibdib nito. Pero hindi man lang ito natitinag. Bagkus ay yinakap siya nito.
"Hush now my crying baby. Iloveyou. Don't cry. It breaks my heart." Paulit ulit nitong bulong sa kanya.
Pero hindi siya tumigil. Hindi na niya kaya. Gusto niyang malaman ang lahat.
"Asawa mo na ako monterial. Kaya sabihin mo na." Ulit niya dito.
"Sasabihin ko na okey. Wag ka ng umiyak. Mas nasasaktan akong makita kang umiiyak." Bulong nito sa kanya.
Hinarap siya nito bago pinunasan ang mga luhang tumutulo sa mga mata niya."Kilala mo si hannah diba?" Tanong nito sa kanya. Tinanguan niya lang ito.
"She threat me. Na pag hindi kita nilayuan may gagawin siya sayo. Sasaktan ka niya. Hindi ko kayang saktan ka niya shanaia. Okey lang na ako yung masaktan wag lang ikaw." Saad nito.
"Naniwala ka sa kanya na sasaktan niya ako. Nahihibang ka na ba monterial." Naiinis siya dito.
"Noong una hindi. Pero nung pangalawa Oo. Naniwala ako. Dahil muntik ka ng mawala sakin nun. Natatandaan mo yung sa hagdan. Yung nasa baba ako tapos nasa taas ka. Nakita mong nagulat ako diba. Nagulat ako nun dahil kitang kita kong itutulak ka niya. Natakot ako shanaia. Natakot ako na maiwan mo ko." Umiiyak na ito. Bago sumandal sa upuan.
Natatandaan niya ang araw na yun. Ang gulat na expression ni ash, ang pag iling nito. At ang pag tango. Bago siya tinalikuran. Iyon ang araw na ramdam na niya ang paglayo nito sa kanya. Hindi niya akalain na ganun pala ang nangyari.
Hindi niya alam. Akala niya ay siya lang ang nasaktan pero doble pa pala dito ang nangyari.
"Sana sinabi mo sakin lahat noon ash. Hindi yung sinolo mo. Dalawa tayo sa relasyon e. Pero ikaw lang ang nag desisyon. Ang unfair ash. Nasaktan ako. Nasaktan ka. Sinisi kita. Sinisi kita pero wala pala yung kwenta. Dahil wala ka pa lang kasalanan. Lahat ng yun ay dahil kay hannah. Pero kahit ganun hindi na nun mababago ang sakit na dinulot mo sa puso ko, hindi mo ko pinagkatiwalaan ash." Saad niya dito bago tuluyang tumalikod.
ASH.
Masakit. Yun ang nararamdaman niya sa ngayon. Totoo naman ang sinabi nito hindi na mababago ang lahat ng nangyari dati. Hindi na. At yun ang pinakamasakit sa lahat.
Gusto niyang sumigaw sa sobrang frustration na nararamdaman. Nasasaktan ako. Pero nasasaktan din ito. Kaya wala siyang karapatan na masaktan ng ganito. Dahil siya ang may gawa. Kasalanan niya. Kasalanan niya talaga.
Hanggang sa dumating sila sa hotel na tutuluyan nila sa santorini ay hindi na siya kinikibo nito. Tatlong araw lang sila doon dahil may europe tour sila ng mga pinsan. Ayaw niya sanang sumama kaya lang hindi buo ang banda pag wala siya.
©EmEmLib
BINABASA MO ANG
Monterial Clan 2 : The Playboy Drummer (COMPLETED)
RomancePara kang virus na unti unting kumakalat sa katawan ko. Hanggang sa ang buong sistema ko'y pangalan mo na ang sinisigaw. Akala mo ba madaling ipakita sayo na hindi ka mahalaga. Na wala akong paki. Pwes hindi, makita pa lang kitang kasama ng lalaking...