SHANAIA
Ano na naman bang katangahan ang pumasok sa isip mo shanaia. Diba dapat wala na. Paano na yung tatlong taong pag momove on mo. Sasayangin mo lang para sa walang kwentang monterial na yan.
Argh kanina niya pa gustong gustong kutusan ang sarili. Hindi niya lang magawa dahil baka isipin ng monterial na to na nababaliw na sya. Argh siya si shanaia jionne montenegro nababaliw. Like duh. Hinding hindi mangyayari yun.
"Umuwi na tayo jionne" napatingin siya dito. Pansin niya na kanina pa itong nakakatitig sa kanya.
"Uuwi ka drionne, and i'm staying here." Iniwas niya na ang tingin dito. Dahil pag hindi niya ginawa, babalik nanaman siya sa dating jionne na pinaglaruan nito noon.
"Jionne please, kailangan ka ng parents mo. Your mom, miss na miss ka na niya" hinawakan nito ang braso niya.
Siya mamimiss ng mommy niya. No freakin way ang mga ito nga ang dahilan kung bakit siya umalis. Kailangan, oo nga pala kailangan siya ng mga ito para lumago pang lalo ang kumpanya ng mga ito. Napangiti siya ng mapait. Kahit kailan hindi niya naramdaman na mahal siya ng magulang niya.
Para sa mga ito isa lang siya sa mga ari arian ng mga ito na puedeng ibenta sa mga business partners ng mga ito. Kahit kailan hindi niya naramdaman na anak siya ng mga ito. Lalo na ang daddy niya.
Siguro kung pinanganak lang siyang lalaki ay tuwag tuwa ito. Pero hindi babae siya ang tingin nito sa kanya ay mahina na kahit kailan hindi niya kakayanin ang mundong ginagalawan nila. Kaya naman nag sumikap siya, ginawa niya ang lahat para maging proud ito sa kanya. Pero hindi pa rin sapat ang lahat. Kahit na anong gawin niya hindi magkakaroon ng tiwala sa kanya ang daddy niya.Until he met drionne. Pinaramdam nito sa kanya na hindi siya nag iisa. Na may worth siya sa mundo. Pero lahat pala ng pinapakita nito ay isang kasinungalingan lang lahat, umalis siya. Umalis siya dahil hindi niya kinaya ang sakit.
Akala niya okey sila. Masaya siya, masaya sila sa mundong sila ang gumawa. Isang fairytale na akala niya ay happy ending ang kakalabasan. Pero hindi it was a nightmare to her. Na kung panaginip lang ang lahat, gusto niya ng magising ayaw niya na. Ayaw niya na sa sakit.
"Pwede ba monterial, tigilan mo na ako. Masaya na ako, masaya na ako dito. Walang kumokontrol sa buhay ko, kaya please lang umalis ka na sa buhay ko." Tiningnan niya ito, kitang kita niya ang sakit sa mga mata nito, pero hindi, hindi na ulit siya magpapadala sa acting skills nito. Naramdaman niya din ang unti unting pagbitaw nito sa braso niya, hanggang sa tuluyan na nitong binitawan iyon.
Iniwas niya ang tingin dito, Hindi siya sanay sa nakikita niya ngayon.
"Jionne please, babawi ako. Baby please give me a chance." Niyakap siya nito, pero pilit niya iyong tinatanggal.
"Let go monterial." Naiinis na siya. Bakit ba ganito ang monterial na ito.
"Baby please, wag ganito. Hindi ko kaya." Unti unti itong lumuluhod habang yakap pa rin siya.
Bakit ka ba ganyan monterial ?
Bakit binabaliw mo ako ?
Bakit hanggang ngayon ikaw pa rin ?ASH DRIONNE.
Hindi niya kaya, hindi niya kayang mawala si jionne sa kanya. Tatlong taon ang nawala sa kanila. Dahil lang sa simpleng problema na siya lang ang nag resolba at kapalit noon ay ang paniwalain ang nobyang niloko niya ito.
God knows na hanggang ngayon ay hindi niya pa rin makalimutan iyon.
Gusto niyang itama lahat. Pero paano kung ito na mismo ang kusang bumibitaw. Hindi niya kaya. Hindi niya kakayanin. Anong silbi ng pagiging monterial niya kung hindi niya makukuha ang babaeng mahal niya. Ang babaeng hanggang ngayon ay minamahal pa rin niya."Baby please, hindi ko kakayanin." Tuluyan na siyang lumuhod dito habang yakap yakap ang mga binti nito. Ang mukha niya ay nakasubsob sa mga tuhod nito.
Fvck mababaliw siya pag nawala sa kanya ang dalaga. Hindi niya kaya.
Playboy siya. Pero isang babae lang ang mahal niya. Ito lang kahit kailan ay ito lang ang babaeng mahal niya."Drionne, hindi na kasi tayo tulad ng dati." No ayaw niyang marinig ang sasabihin nito. Masakit na. Masakit na ang puso niya.
Hindi lang naman mga babae ang umiiyak pag nasasaktan. Pati na din ang mga lalaki. Hindi naman kabawasan samin kung umiyak man kami. Umiiyak kami. Dahil nagmahal kami, nagmamahal kami.
"Jionne please. Mahal na mahal kita. Tatlong taon man ang lumipas ikaw pa rin, ikaw pa rin ang laman nito. Walang nagbago. Baliw pa rin ako sayo. Baliw na baliw pa rin ako sayo. Please baby. Give me a chance." Nanghihina na siya. Ilang linggo na ba siyang walang matinong tulog sa kakahanap dito. Hindi na rin niya magawang kumain ng matino. At puro alak ang laman ng tiyan niya sa tuwing bigo siyang makita ito. Humihikbing yumakap siya dito.
"Drionne tumayo ka diyan, Umuwi kana mag uusap tayong muli. Pero umuwi ka muna ma-." hindi niya narinig pa ang iba pa nitong sinabi dahil tuluyan na siyang nilamon ng dilim.
EmEmLib.
BINABASA MO ANG
Monterial Clan 2 : The Playboy Drummer (COMPLETED)
Roman d'amourPara kang virus na unti unting kumakalat sa katawan ko. Hanggang sa ang buong sistema ko'y pangalan mo na ang sinisigaw. Akala mo ba madaling ipakita sayo na hindi ka mahalaga. Na wala akong paki. Pwes hindi, makita pa lang kitang kasama ng lalaking...