Chapter TWENTY TWO

5.3K 129 2
                                    

SHANAIA JIONNE.

Nailipat na sa private room si keryl.  Pero hanggang ngayon ay inaantay pa rin nila ang pag gising nito.

Nakaupo sila ni monterial sa couch na naroon.
Habang si kelland naman ay katabi ng anak niya sa hospital bed nito.

Napatingin siya kay kelland na hawak hawak ang kamay ng baby niya.

At halos dinudurog ang puso niya sa mga salitang sinasabi ng kaibigan.

"keryl baby dali na ninong pogi si jade mo. Hindi na to si barbie. Diba eto yung gusto mo.  Gumising ka na. Nalulungkot na si ninong pogi kasi walang tumatawag sa phone niya para ipabili si jade..." tuloy tuloy ang bagsak ng luha ni kelland. Masyado etong attach sa anak niya. 

"Baby alam mo ba inorder pa talaga yan ni ninong just for you.  Kasi diba pinauwi mo si barbie kay ninong, kasi ayaw mo non. Tsaka baby nagugutom na si fiona hindi mo pa siya pinapakain.  Kakausapin mo pa si fiona diba..."

"itatanong mo pa sakin kung b..bakit hindi ka sinasagot ni fiona, baby gising na bahala ka hindi mo makikita si ninong pogi."

Naramdaman naman niya ang paghigpit ng kapit ni monterial sa kamay niya.
Kaya nilipat niya ang tingin dito.
At doon niya nakita ang tuloy tuloy na pag agos ng luha nito.

"bakit kailangan mangyari ang lahat ng ito ? Bakit ang anak ko pa? Walang kasalanan ang anak ko sa hayop na yun.  Para gawin sa kanya to." sunod sunod na saad nito sa kanya.

Nanghihina man pero niyakap na lang niya si monterial.

*tok tok tok*

Napatingin silang lahat ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa noon ang mga magulang nila.

Ang daddy niya ay napako agad ang mata sa anak niya nakahiga sa hospital bed nito.

"What happened?" ang tita alvian niya iyon ang mommy ni ash.

"May kumuha sa kanya sa bahay, tapos iniwan sa park. Pagkatapos sinadya nilang sagasaan ang anak ko mommy." sagot ni ash dito.  Kitang kita sa mga mata ni tita ang galit sa mga taong gumawa noon sa anak ko.

"sino ang taong gumawa nito ash?" nakakakilabot ang tono ng boses ng daddy ni ash. 

"Si Hannah Quinion dad. Ang anak ng Quinion enterprises." siya na ang sumagot sa tanong na nito.

"magbabayad ang taong gumawa nito sa apo ko. Hindi nila dapat tayo kinakalaban." mariing ani nito bago lumabas. 

"Mom.."tawag niya sa mommy niya.  Lumapit naman ito sa kanya. 

"i'm sorry mommy, sorry kung hindi ko sinabi sa inyo ang tungkol sa anak ko. Sorry mommy." umiiyak na siya hindi na kasi niya kaya lalo na't kakatapos lang ng operasyon ni ace tapos nangyari pa ang kay keryl. Hindi niya na kaya.

"its okey princess andito lang kami ng daddy mo. Hindi namin kayo papabayaan." saad ng mommy niya bago siya niyakap ng sobrang higpit.

"kevin, kausapin mo muna ang doktor sa labas hon. Hindi pa kaya ng mga bata." tinawag ng mommy niya ang daddy niya.

Pero bago lumabas ang daddy niya ay lumapit ito sa kanya bago siya niyakap.

Doon na siya tuluyang nawala.
48hrs ang binigay sa kanila ng doktor.

At naiinip na sila.
Si kelland ay umuwi muna, para magpalit pero nagsabi itong babalik sa ospital.

Ang daddy niya naman ay nakabalik na matapos makausap ang doktor na sinabing okey na daw ang vital signs ng bata. At intayin na lamang na magising.

Her daughter is such a brave kid.  Humahanga siya dito dahil hindi siya nito iniwan.  Lumaban ito para sa kanila.

Si Ash naman ay hawak ang kamay ni keryl.  Hindi na ito umalis doon pagkatapos mag paalam ni kelland.

Ang mommy at tita alvian niya naman ay lumabas muna saglit para daw bumili ng mga prutas. 

At ang tito alfredo niya naman ay hindi pa rin bumabalik simula pa kanina.

Sila lang ni monterial at ng daddy niya ang naroon.

Napatingin siya sa pinto ng makarinig ng maliit na katok bago iniluwa noon si ace. 

Pugto ang mga mata nito.  Habang diretsong nakatingin sa hospital bed kung saan naroon ang kakambal nito.

Napatingin siya sa kasama nito si doc hunkings. 
Dali dali siyang tumayo bago pinuntahan ang anak na ngayon ay umiiyak na. 

"nanay what is keryl doing here? Why is she sleeping in the same bed were i used to sleep when i was in states? Is my baby okey nanay? " hindi niya na masagot ang mga tanong nito.

Dumiretso ito sa tabi ng kakambal.

Nakita niya rin ang pagkagulat na expression ng daddy niya at ni monterial.

"Keryl Ionne, wake up.  Kuya Ace Rionne is home. Wake up baby. Dont make kuya mad at you. We were going home.  Were going to play. So better stop sleeping so we can do everything. Hey baby wake up." umiiyak na saad nito sa kapatid.  And seeing her son being like that. Makes her heart tighten in so much pain. 

Tiningala nito si monterial na nakatingin lang din sa kanya.

"Ey mister.  What did you do to my baby sister? Are you the one who did this? Thats why she's here?" maangas na tanong ng anak niya sa tatay nito. 

Kung nasa ibang pag kakataon siguro sila ay matatawa siya.  Ngunit hindi. 

"K-kuya" halos lahat sila doon ay napatahimik ng magsalita si keryl.

Keryl iyon.  Pupuntahan na sana niya ito ng maunahan siya ni blaze.

Mabilis nitong inexamine ang anak. Lumapit siya dito.

"im thirsty tito ninong doc pogi." saad nito sa ninong nito na agad namang tumawa bago pinainom ang anak niya.

"i'm glad your already awake baby. Dont do that again ha. You scared the hell out of tito ninong doc pogi. So promise me you'll behave.  And do what yaya lisa said okey?" saad nito sa anak niya. 

Tumango lang naman ang anak niya bago tumingin sa kakambal nito.  Na ngayon ay laglag ang pangang nakatingin dito.

Lumingon sa kanya si ace bago tinuro si keryl.

"nanay why is keryl have a bandage on her head. It looks ugly. She looks like a mummy." saad nito sa kanya.

Natawa na lang siya sa sinabi nito.

"nanay who are they?" napatingin siya kay keryl na ngayon ay nakaturo kay monterial at sa daddy niya.

Now she needs to explain everything to them.

©EmemLib

Monterial Clan 2 : The Playboy Drummer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon